Tamang Hindi Kilala
Hindi kita kilala. Hindi ko alam na may ikaw. Hindi mo din ako kilala. Hindi mo din alam na may ako. Ikaw ang nauna, sumunod naman ako. Malaki ang pagtataka ko, ano ba meron? Hindi ko nga alam kung totoo kang tunay. Balak ko na kausapin ka, balak pa lang naman. Kaso natatakot ako, baka mawala ka ng lubusan. Tanging kapit ko mula sa'yo maaring mawala o kung suswertihin magiging malapit pa. Ngunit kailan ako magsisimula? Hanggang titig na lang ba? Hindi ko alam kung pareho tayo ng nais. Pero nagpupusuan naman tayo. Kailan ko na lang ba ito totohanin. Pero sa ngayon, pusuan na muna kita.
















