Sagot ko sa reklamo mo.
Wow ha! Ako lang ba? Haha. Pag ako nagsabi ng hinanakit ko sa inyo baka magulat kayo. Hindi naman si papa problema ko. Si mama. At wala kayong paki sa gusto ko, kelan ba ako nagreklamo sa mga gusto niyo? Kung gawaing bahay naman paguusapan, kaya ko gawin yan. Kahit minsan di ako nagreklamo kapag kayo may mga lakad, tapos ako nasa bahay.. Ang galing nyo magsalita ah. Lahat ng gusto niyo, pinayagan ni mama. Pag sa akin, bawal. Bawal umuwi ng late, kahit nasa right age na ako. Bawal mag-BF. Magka-BF man, dapat pabor kay mama. Edi sana siya na lang niligawan nung tao. Yung gusto kong pasukan na school, di din ako pinayagan. Tapos, ngayon lang ako nagpasawayβ¦ ang sama sama ng tingin niyo saken? edi kayo na mabubuting anak. king inang yaaaan. Idaan mo pa sa facebook problema mo saken, wakopakels. Hindi naman ako ang na-sstress eh. Ang gagaling magsalita. Yung mga ginagawa nila, di nila nakikita. Makapanghusga, wagas. Sipag mo βte. Sipag mo pumuna ng mali ng ibang tao. Tingin tingin din muna sa sarili, bago sa iba.
Alam ko na ngayon kung bakit mahigpit si mama dati. Hahaha. Ang hirap pala magpalaki ng anak. Magastos na, stress ka pa sa kakulitan nila. π€£














