Kaibigan
Kaibigan. Sila yung tinuturing nating 2nd family natin, sila yung nag bibigay ng advice pag may problema ka lalo na pag tungkol sa pag-ibig, sila yung lagi mong kasama, kasama mo sa biruan, asaran, tuwing kakain pag lunch, mangtitrip sa ibang tao, magshoshopping o window shopping, magsimba at iba pa.
Madami na kayong pinagdaanan na pagsubok sa buhay, kahit umulan man o bumagyo kapit bisig parin kayo sa isa’t isa. Kung ayaw sa isa, ayaw na rin ng lahat. Kung hindi sasama ang isa, hindi rin sasama ang lahat. Kung malungkot ang isa, malungkot rin ang lahat. Yan ang tunay na kaibigan, lahat damayan sa mga problema.
Ang tunay na kaibigan hindi alam ang address ng bahay mo, pero kabisadong kabisado ang daan papunta sainyo 😂












