Personally, nakarinig na ako ng mga pahayag tulad ng โkababae mong tao, ganyan ka manamit, maglakad, umupo, โฆโ o โdi kayaโy โtrabaho yan ng lalaki e, dapat si kuya mo ang gumagawa niyanโฆโ. Pero syempre, bilang isang hindi masyadong masunuring anak, hindi naman ako naaapektuhan o nadadala sa mga komento ng mga magulang ko tungkol sa akin.ย
---------- STORY TIME ----------
Natatandaan ko pa nga, minsan na nilang kinwestiyon ang aking sekswalidad nang makahiligan ko ang pagsusuot ng jersey shorts na hinihingi ko pa kay Papa. Tinanong pa nila ako kung tomboy o tibo raw ba ako. Hindi ko napigilang matawa noong mga oras na iyon. Hindi ko lamang inaasahan na dahil sa simpleng shorts at istilo ng aking pananamit ay hahantong sila sa ganoong konklusyon. (Myghod)
KNOWING na napaka - taray at napaka - arte ko pa (in all aspects), hindi ko talaga inexpect na mapagkakamalan akong isang tibo. Para sa akin, wala namang kaso iyon, hindi naman sumama ang loob ko dahil nasabihan ako ng ganoon. Sa katunayan, pakiramdam ko pa nga, ang cool cool ko nung mga oras na iyon. Ang sinagot ko na lamang ay dahil mas komportable akong magsuot ng malalaking shorts kaysa sa mga pang - ibaba na pwede nang pumasa bilang panty. DUH.
---------- END OF STORY TIME ----------
Anyways, sa puntong iyon napatanong din ako na โHindii ba โto pwedeng suotin ng isang babae? May mali ba dito?โ Dahil na din sa pangyayaring ito,ย napagtanto ko na mayroon na talagang mga nakaukit na pamantayan na dapat sundin mo bilang isang babae o lalaki.ย
Hindi man nakasulat sa aklat ng mga batas na dapat ganoon ang sinusunod nating pamantayan, ngunit sa mata ng lipunan ganoon dapat tayo kumilos, magsalita, manamit, oย mag-ugali batay sa nakatalagang kasarian sa atin. At kung hindi natin ito masunod, dito umuusbong ang pakiramdam ng isang indibidwal na parang may mali sa kanya kahit wala naman talaga.
Ito ay dahil sa tinatawag na โgender rolesโ na itinakda ng lipunan sa atin.
Kung bibigyan ito ng pormal na kahulugan, ito ay ang pag - uugali o pagkilos na inaasahan na ipakita ng isang indibidwal bilang resulta ng pagiging isang lalaki o babae.
DO GENDER ROLES STILL EXIST?
Maaaring nasa 21st Century na tayo at hindi na tayo nabubuhay sa isang mundo kung saan ang mga kababaihan ay inaasahang pa ring manatili sa bahay at gumawa ng mga gawaing bahay o maghanda ng pagkain para sa pag-uwi ng kanyang asawa at mga anak o kaya naman ipaglaban ang kanilang karapatang bumoto, ngunit hindi pa rin natin maikakaila na nananatili at makikita pa rin natin ang gender roles sa ating lipunan hanggang sa kasalukuyan.ย
1. Pamilya
Unang nakikita ito ng mga kabataan sa loob ng kanilang pamilya, partikular na sa kanilang mga magulang.ย Ang mga magulang ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanilang mga anak sapagkat sa kanila unang natatanggap at naririnig ng mga bata ang mga karaniwang stereotype kaugnay ng mga kasarian na itinakda ng lipunan.
Halimbawa na lamang ay sa paggawa ng mga gawaing bahay. May mga โgawaing pambabaeโ at โgawaing panlalakiโ silang tinatawag, kung saan ang mga lalaki ay mayroong mas mabigat na tungkulin kaysa sa mga babae na isang implikasyon din na hindi kaya ng isang babae ang isang partikular na gawaing ito.
Makikita rin ang gender roles sa mga magulang mismo, kung saan ang ama ay inaasahang magtrabaho at tumustos sa pangangailangan ng pamilya. Samantalang ang mga ina naman ay kadalasang itinuturing na mga caregivers dahil ito ay inaasahang magtrabaho lamang sa bahay at alagaan ang mga anak nito.ย
Maaaring ang mga gender roles din ang maging basehan kung sino ang may hawak ng mga desisyon sa isang pamilya o kung sino ang mas may kakayahan na magpasunod o kontrolin ang sistema ng kanilang tahanan.
Ngunit sa panahon ngayon, hindi na naman ito ang nakikita kong kaugalian, bagamat may bahagya pa rin, mas nakikita ko na ang mga babae bilang mayroong mas mabibigat na tungkulin kaysa sa mga lalaki, na hindi na lamang ang haligi ng tahanan ang tanging tagapagtustos ng pamilya, at kinikilala na rin ang kakayahan ng mga kababaihan na gawin ang parehong gawain na noon ay para sa kalalakihan lamang.
Napakahalaga na maipakita at maituro ng mga magulang ang patas at pantay na pagtrato sa kanilang mga anak, anuman ang kanilang kasarian, sapagkat ito ang huhubog sa kanilang paniniwala at pagkakaunawa sa kung ano ang tanggap o hindi tanggap, sa kung ano ang dapat at hindi dapat, at sa kung ano ang tama at mali sa mata ng lipunan.ย
Sapagkat kung anuman ang naririnig nila sa kanilang mga magulang o pamilya, ito ay makakaapekto sa kung paano nila ipahayag ang tunay nilang nararamdaman, ipakita ang totoo nilang kaugalian, at kung paano nila tanggapin at tingnan ang kanilang mga sariliย
2. Edukasyon
Ang mga paaralan ay mayroon ding mahahalagang tungkulin sa kung paano natin tinitingnan ang mundo sa ating paligid, na lubos na nakakaapekto sa kung paano natin nakikita ang ating sarili at ating kapwa, pati na rin ang mga pagkilala natin sa iba't ibang lahi, wika, kapansanan, at kasarian.
Ang mga guro kung minsan ay hindi namamalayang naiimpluwensyahan na rin nila ang mga estudyante tungkol sa mga gender roles. Halimbawa na lamang, ay tuwing magtatalaga ito ng mga karakter ng isang roleplay kung saan ito ay batay sa kanilang biyolohikal na kasarian.ย
Isa din sa napapansin ko, na walang kaso kung magdadamit lalaki ang mga kababaihan ngunit kung ang isang lalaki ang magdamit babae o kumuha ng karakter na pambabae, ito ay isang katawa - tawa.
Madalas ding ilarawan ang mga batang lalaki bilang makulit, pasaway, laging naguiguidance, o mahilig gumawa ng kalokohan. Dahil dito, sila rin ang mainit sa mata ng mga guro at mahigpit na dinidisiplina. Sa kabilang banda, ang mga batang babae naman ay madalas na pinupuri dahil ito raw ay hindi suwail, matino ang pag - uugali, malinis, o basta kabaligtaran ng mga batang lalaki.
Dagdag pa rito, nakakaapekto din ang gender roles sa porsyento ng mga pumapasok sa isang propesyon. Halimbawa na lamang sa engineering, kadalasan kasi mga kalalakihan ang mas preferred sa ganitong larangan dahil sinasabing mas may kaalaman sila sa matematika, teknolohiya, at agham kaysa sa mga kababaihan.
3. Trabaho
Kapag nagiging batayan ang kasarian sa isang trabaho, nagkakaroon ng bias halimbawa kung ang isang lalaki ay nagtatrabaho sa isang posisyon na iniuugnay sa isang babae, ito ay nakakatanggap ng negatibong bias o mga komento, ganoon din kapag ang mga kababaihan ay magtrabaho sa panlalaking posisyon.ย
Dahil dito nahuhusgahan at tila minamaliit ang kakayahan ng parehong kasarian na maging mahusay sa iba't ibang larangan, pambabae man ito o panlalaki.
Isa pang halimbawa nito ay kapag ang namumuno ay ang isang babae, hindi sineryoso at pinaniniwalaan ang kakayahan nito na mamuno, sapagkat ayon sa pamantayan, mas angkop sa mga kalalakihan na magkaroon ng matataas na posisyon dahil sila ay mas may paninindigan at may kakayahang mamuno kaysa sa mga kababaihan.
Mayroon din namang mga trabaho na gender stereotyped din. Katulad na lamang ng pagiging pulis o sundalo na itinuturing na panlalaking trabaho habang ang pagiging guro naman ay nakikita bilang isang pambabaeng trabaho.
Ang mga stereotypes na ito na humuhubog sa kung paano natin tingnan ang mga trabaho kung angkop ba ito sa ganitong kasarian, ay higit na nakakaapekto rin sa mga bilang ng mga natatanggap sa isang partikular na trabaho, sa sweldo na maaari nilang matanggap, at pati na rin sa mga promotions na dapat ay walang pinipiling kasarian dahil nararapat lamang na magantimpalaan ang pagsisikap ng bawat empleyado bilang motivation sa kanila upang pagbutihin pa nito ang kanilang trabaho.
4. Media
Ang telebisyon at iba pang anyo ng media ay nagpapakita rin ng gender - based stereotypes sa ibaโt ibang aspeto lalo na sa mga palabas at pelikula.
Kadalasan ang ginagampanan na mga karakter ng mga kababaihan sa mga pelikulang ay bilang isang maybahay at tagapag-alaga ng pamilya, o โdi kayaโyย palaasa sa kanilang mga asawa, o bilang mga kinaiinteresan ng mga lalaki.ย
Ang mga lalaki ay naaapektuhan din ng mga gender stereotypes sa media. Sila ay karaniwang nailalarawan bilang makapangyarihan o malakas to the point na parang hindi na kinikilala ng mga tao ang iba pang kaugalian na maaaring ipakita ng isang lalaki bukod sa pagiging malakas o makisig.
Isang halimbawa nito ay ang karaniwang ideya kung saan ang babae ay parating humihingi ng saklolo at kailangan ng proteksyon habang ang mga lalaki ay nagsisilbing mga bayani o tagapagligtas na hindi lang minsang nangyari sa ilang mga pelikula.
5.ย Lipunan
Maraming pamantayan ang itinakda ng lipunan base sa ating kasarian at ito ay laganap pa rin kahit sa loob ng ating pamilya, sa trabaho, media, o paralaan.
Ang ganitong kaugalian ay nakakaimpluwensiya sa pananaw ng mga tao sa kung paano dapat kumilos ang mga kalalakihan at mga kababaihan, at sa kung paano rin nila tingnan ang kanilang mga sarili mismo. Ito ay maaari ring magsulong ng isang hindi balanseng pananaw ng mga tao kaugnay sa tungkulin na inaasahan ng lipunan sa isang babae o lalaki.ย
Importante na hindi natin diktahan ang mga tao sa kung ano ang dapat at hindi dapat na kanilang gawin dahil kaakibat nito ay ang pagtanggal natin ng kanilang kalayaan upang maipahayag ang tunay nilang mga sarili.
Halimbawa na lamang ay kung ang isang batang babae ay gustong maging doktor, at ang isang batang lalaki ay nais maging guro, pigilan natin ang ating mga sarili na makialam at humusga. Sapagkat kung kaya namang magpagaling nitong doktor na ito, bakit kailangang pang may nakatakdang kasarian? Kung kayang magturo ng isang guro sa isang mag-aaral, sino tayo para ialis ang karapatan ng mag-aaral na matuto, dahil lamang sa kasarian ng kanyang guro?
Kung ang isang lalaki ay gustong umiyak, hayaan natin siyang umiyak sapagkat ang pakiramdam naman ng mga lalaki ay hindi kailanman nagkaiba sa nararamdaman ng mga babae.
Sabi na rin ni Emma Watson:
Hanggang dito na lamang ang aking pagtalakay ukol sa mga gender roles at gender stereotypes. Maraming salamat sa pagbabasa! - MIRANDAย
*Credits to the rightful owners of all pictures/videos/media used in this blog.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
โ Live Streamingโ Interactive Chatโ Private Showsโ HD Qualityโ Free Actions
Free to watch โข No registration required โข HD streaming
Ang patuloy na paglaganap ng mga dinastiya sa politka ay bakas na bakas pa din sa ating sistema hanggang ngayon. Sa kasalukuyan, ang 73 na mga probinsya sa ating bansa ay pinamumunuan ng political families at karamihan sa mga nahalal na senador at mga congressman ay kabilang sa grupong ito.
Kung ating susuriin, kahit na marami sa atin angย alam na alam nang maaari itong magbunga sa mas lalong pagsuporta ng patronage politics at katiwalian sa ating bansa, walang matibay at malawak na hakbang ang nagawa upang malutasan ang isyu dito.
Ngunit bago ang lahat, alamin muna natin ang naging punoโt dulo ng paglaganap ng mga dinastiyang ito.
What is Political Dynasty?
Kung bibigyang kahulugan natin ang โpolitical dynastyโ, ito ay tumutukoy sa hanay ng mga pulitiko na namumuno sa isang lugar na nagmula sa iisang pamilya o pangalan.
At alam natin na hindi lang naman ngayon nagkaroon ng ganitong uri ng tradisyon o sistema. Nagkilala na lamang natin ito ngayon bilang isa sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa. Pero, ano ba ang punoโt dulo ng lahat nang ito?
1.ย Bunga ng Kasaysayan
Noon pa man, mayroon na tayong konsepto ng pagpapasa pasa ng kapangyarihan noong panahon pa ng mga datu. Kapag namatay ang namumunong datu, ang papalit na datu sa kanya ay ang kanyang anak, anuman ang kasarian nito.
Nagkaroon din ng isang panahon kung saan ang mga ilustrados, elites, at mga oligarchs ang naging pinakamakapangyarihan at ang tanging kwalipikadong mamuno. Dito naging basehan ang kayamanan at impluwensiya upang magkaroon ng kakayahang mamuno o pagalawin ang mga bagay sa ilalim ng kanilang kontrol.
Dito pa lang, makikita na natin ang lubos na pag - iral ng political dynasty sapagkat hindi nagkaroon ng pagkakataon ang ibang mga Pilipino na mamuno dahil hindi sila kwalipikado ayon sa pamantayan noon.
2.ย Loophole of the 1987 Constitution
Ayon sa nakasaad sa batas na ito, โThe State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.โ Isa ito sa mga nakikita kong dahilan kung bakit patuloy pa rin ang pag iral ng political dynasty sa bansa.
Sinabi sa batas na ito na dapat magkaroon ng pantay na oportunidad o pagkakataon ang lahat sa pagtakbo para sa isang posisyon, ngunit nakasaad din dito na bawal ang political dynasties.
Hindi natin masasabi na mayroong โequal access for allโ kung magbabawal tayo ng ilang miyembro ng lipunan. Kaya naman, ito ang nagiging lusot ng mga miyembro ng political families para makatakbo ulit. Hindi sila pwedeng pagbawalan o pigilang tumakbo kung LAHAT naman pala ay may oportunidad na makaupo sa pwesto, ayon sa gustong ipahiwatig ng konstitusyon.
Sa aking palagay, dapat maging partikular sila sa gusto nilang ipatupad sa batas na ito, hindi iyong malabo ang pinatutunguhan. Kaya hindi natin mapakinabangan ang tunay na layunin ng batas na ito kasi mayroong mga bahagi na magkasalungat sa isa't isa at ito ay malaking advantage para sa mga pulitiko.
3.ย Paghahangad sa labis na Kapangyarihan
Natural na para sa isang tao o pulitiko ย na maghangad ng mas maraming kapangyarihan hanggaโt sa makakaya nito. Para sa ilan, mahirap nga naman tanggihan kung ang katapat mo ay lubos na kapangyarihan o isang malaking halaga ng pera.
Mayroong ibang pamilya naman na nais lamang na ipagpatuloy ang legasiya ng kanilang mga ninuno. Dahil dito, mas nahihikayat silang tumakbo sa kagustuhang ipagpatuloy ang pagkakaroon ng magandang reputasyon at mapanatili ang tagumpay na nakamit ng kanilang pamilya noon.
4.ย The Gap between the Rich and the Poor
Sa pangangampanya, malaking salik ang pagkakaroon ng makinarya o ng pera. Ito ay higit na makakatulong sa pag promote ng kanilang mga plataporma o ng sarili nila mismo. Ito ay para mas madali silang makilala ng mga tao at mahikayat ang mga ito na iboto sila.
Pero alam naman natin na hindi lahat ng nais tumakbo ay may sapat na pera para maglunsad ng malawakang parada, ads, pagbibigay ng mga ayuda, atbp. Bunsod nito, hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong mamamayan na ipakita ang kanilang potensyal sa publiko, dahil lamang kulang sila sa budget.
Kung pera lang naman ang pag - uusapan, mananaig talaga dito ang mga may impluwensiya lalo na iyong mga kabilang sa political families. May kakayahan silang ipromote ang kanilang mga sarili hindi lamang dahil may pera sila kundi dahil marami silang connections at mga estratehiya na malaking tulong sa kanilang pangangampanya.
Dahil mas kaya ng mga miyembro ng political families na mangampanya, malaki ang posibilidad na mas mapansin sila ng publiko kaysa sa ordinaryong mamamayan. Mas may pag - asa ang mga ito na manalo at ipagpatuloy ang pagkakaroon ng political dynasties sa bansa sapagkat silaโt sila pa rin naman ang nakikita at nararamdamanย ng publiko.
Kung ating susuriin, hindi naman laging masamaย ang dulot ng political dynasty sa ating bansa. Ngunit, hindi din ito laging maganda sapagkat mayroong mga positibong epekto na maaaring maging daan sa mas malalang problema kinalaunan. Ang ilan sa mga epekto ay ang mga sumusunod:
Pro - Service
Mga Positibong Epekto
Dahil dito, maaaring ipagpatuloy ng susunod na tatakbo mula sa parehong partido ang mga nasimulang proyekto o mga establisyemento ng kasalukuyan o dating nakaupo.
Kung ang mga proyektong ito naman ay may magandang hangarin para sa bansa at sa mamamayan,ย hindi masamang magtuloy tuloy ang pamumuno ng pamilyang ito.
Mga Negatibong Epekto
Ang masama dito ay kung corrupt ang pamilyang namumuno. Kung ipagpapatuloy nila ang kanilang posisyon sa gobyerno, maaaring magpatuloy din ang mga intensyon nilang hindi nakabubuti para sa bansa.
Economic Control in the Industry
Mga Positibong Epekto
Maaaring ang political family ay maraming nang koneksyon sa mga prime movers ng industriya kaya hindi na sila mahihirapan pang humanap o makipag - coordinate sa ibang tao. Malaking tulong ito para hindi maantala ang pagsisimula ng isang proyekto na gusto nilang ipagawa.
Mga Negatibong Epekto
Isa sa maaaring umiiral dito ay ang pagkakaroon ng monopolyo. Dahil mayroon silang kapangyarihan na pagalawin at magdesisyon sa mga proyektong ipapagaw nila, wala tayong kasiguraduhan kung papaano nila pangangasiwaan ang mga sektor sapagkat hindi naman natin pwedeng alisin ang posibilidad na maaari nilang manipulahin o abusuhin ang hawak nilang kapangyarihan.
Public Appeal
Mga Positibong Epekto
Kapag ang mga tao ay nasiyahan sa ganitong uri ng pamamalakad ng isang pamilya, mas magtitiwala sila at maaaring mahikayat pa sila na aktibong makilahok sa mga aktibidad ng ating pamahalaan. Sa paraang ito, makikita natin na posibleng magkasundo at makipag tulungan ang mamamayan sa gobyerno.
Mga Negatibong Epekto
Hindi natin mabibigyan ng pagkakataon yung mga gustong tumakbo (na hindi mula sa political families) para sa isang posisyon kasi ang tiwala ng mga tao ay nandoon pa rin sa mga miyembro ng political families. Dahil dito, mas nililimitahan natin ang demokrasya.
Para sa akin, mas mainam pa din kung ating makita at marinig ang boses mula sa ibaโt ibang kandidato, kilala man sila o hindi. Kung hindi natin ito pakikinggan, maaaring mawalan tayo ng pagkakataon na malaman ang mas magandang solusyon (upang mapabuti ang ating bansa) na hindi kayang maibigay ng ibang kandidato.
Tandaan din natin na importante ang diversity sa gobyerno dahil hindi lamang ito makapagbibigay ng ibaโt ibang ideya kundi malaki ang parte nito sa checks and balances sa loob ng pamahalaan na nagpapanatili ng isang healthy government.
โCan we stop Political Dynasties?โ
Ngayon, naging maliwanag na sa atinย na ganito ang mga resulta na kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa dahil sa patuloy na pamumuno ng mga pamilyang ito. Kung tatanungin natin ang ating mga sarili, โCan we stop Political Dynasties?โ
Sa aking palagay, hindi. Kung pagbabasehan natin ang statistics, pinapakita nito na 94% ng mga probinsya sa ating bansa ay pinamumunuan na ng political families. Malamang sa malamang, maaaring 94% na din ang sumusuporta at nagtitiwala sa mga pamilyang namumuno dito at ito ay isang napakalaking populasyon.ย
Kung ganito na karami ang maaaring sumusuporta sa mga political families ngayon, I donโt think Filipinos will try to replace their loyalty with the โbaguhanโ in politics. May tiwala na ang publiko sa kanila lalo naโt matagal na nilang napatunayan ang tagumpay ng kanilang pamilya noon hanggang ngayon.
Sa katunayan, malaki din ang papel ng mga botante o ng mga mamamayan mismo sa paglaganap ng political dynasties. Kasi kung talagang gusto nila na matigil ang pamumuno ng mga pamilyang ito, dapat lang na hindi sila bumoto sa parehong mga pangalan. Pero ang nangyayari, ang ilan sa atin ay loyal at aktibo pa din sa pagboto sa kanilang kandidato.
Sa konklusyon, mayroon talagang maganda at hindi magandang naidudulot ang isyung ito. Bagamaโt mayroon tayong ibaโt ibang paniniwala at gustong paniwalaan, may iisa pa din naman tayong hangarin para sa ating bansa. At siguro naman, hindi natin hahayaan na magpatuloy ang โfamily businessโ ng mga pamilyang walang ginawa kundi unahin ang kani - kanilang pansariling interes. - Miranda :))
*Credits to the rightful owners of all pictures/videos/media used in this blog.
Bilang isang Pilipino, naging madali sa akin ang pagtanggap ng kultura mula sa ibang mga bansa, partikular na sa bansang Korea. Ang impluwensiya ng Korean dramas at Kpop ay nakaugat na sa lipunan ng ating bansa ngayon. Malaki ang naging impluwensiya nito sa industriya ng pagkain, fashion, cosmetics, music, entertainment, ganoon din sa mga pananaw at interes ng mga tao ngayon.
Hindi ko masasabing pinagsisihan kong kilanin ang kultura ng Korea, ngunit sanaโy hindi ko na lamang ito natutunan pa. Habang tinatalakay ng aming guro sa Araling Panlipunan ang tungkol sa masasamang dulot ng globalisasyon, hindi ko maiwasang ma - guilty, sapagkat hindi ko maitatanggi na isa din ako sa mga taong higit na tumatangkilik sa mga produkto ng Korea lalo na sa aspetong libangan (entertainment).
(FAVORITE SHOW KO TOH!!! AAAAAAAAAAAAASDJHBSDHKS)
Araw - araw, unti - unti kong napagtatanto na parati na lamang akong nakasubaybay sa Kdrama, naghihintay ng bagong episode tuwing linggo. Sa mga Variety shows, sa halip na Showtime ang pinapanood ko, Running Man ang tinatawanan ko tuwing Lunes. Hindi ko din maiwasan na makisabay sa uso, lalo na sa paraan ng pananamit na ayon sa kanila, aesthetic daw ang datingan.ย
Ang parati ko pang palusot, โHindi mo naman masusukat ang pagiging Pilipino mo sa panonood lang ng Kdrama/ K-variety shows at pagsuporta sa mga Kpop groups, eh. Pilipino pa rin naman ako kahit ganon.โ
Nye, nye, nye, whatever. Naisantabi ko pa rin yung mga panahon na dapat gawang Pilipino ang mga tinatangkilik ko. At, oo, maaaring iyon ang maging sukatan ng pagiging Pilipino ko. Ni hindi ko nga kayang magsalita nangย diretsong Tagalog nang walang Google Translate e. Sa wika palang, bagsak na, tapos mas inuuna ko pang kilanin ang kulturang banyaga, eh sa totoo lang napakaraming tradisyon at mga natatagong kultura ng mga tribo natin ang hindi ko alam.ย
Sa akin lang, nakakahiya lamang sabihin na ako pa mismo ang nagsasantabi ng sarili kong lahi, para lamang tangkilikin ang kultura sa labas ng ating bansa.
What makes us unique?
Kung ating ilalarawan ang kultura ng Pilipinas, ito ay pinaghalong tradisyonal na Pilipino at tradisyong Katoliko mula sa mga Espanyol, na may mga impluwensya mula sa Amerika at iba pang bahagi ng Asya. With that being said, hindi talaga nagkaroon ng โoriginalโ na kulturang Pinoy ang mga Pilipino. Ang tinatamasa nating kultura ngayon ay parang pinagsama - samang kultura ng mga bansang nanakop sa atin.
Ngunit kahit na ganoon, mayroon pa rin tayong mga kaugalian na masasabi kong kakaiba. Isa na dito ang pagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagmamano at paggamit ng mga honorifics na hanggang ngayon ay sinasanay at pinahahalagahan ng mga Pilipino.
Sa amin, automatic na dapat ang paggawa ng mga ito sapagkat tinuruan kami na gumamit ng tamang mga salita at magpakita ng tamang paraan ng paggalang sa lahat ng pagkakataon hindi lamang sa harap ng mga matatanda.
What if the Philippines was never influenced by any country?
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay masama na tayoโy maimpluwensiyahan. Ang mga impluwensiya na nakukuha natin mula sa Amerika, halimbawa, ay napakalaking tulong sa atin. Mayroon silang ipinakikilalang makabagong teknolohiya na magpapadali ng trabaho ng maraming kumpanya sa bansa.
Kung hindi tayo magiging bukas sa pagkatuto ng makabagong mga konsepto o sistema na epektibo naman, maaaring hindi tayo makasabay sa pag - unlad ng mga karatig - bansa at maging mahina ang ating pagganap bilang isang bansa.
Kung sa usaping kultural naman, sa aking palagay, mas mapagyayaman pa natin ang ating kultura at tradisyon, sapagkat hindi tayo tatangkilik ng ibang mga produkto maliban sa produktong Pilipino.
Matutulungan nito na maipamalas at mabigyan ng hype ang mga produkto at serbisyong na mula sa atin, lalo naโt ang mga Pilipino ang may pinakamalakas na hiyaw at suporta na ipinapakita sa mga produkto at serbisyong kanilang kinaiinteresan.
Dagdag pa dito, maaaring magkaroon ng ibaโt ibang relihiyon at paniniwala ang mga Pilipino.ย Posibleng hanggang ngayon ay sinasamba pa din ng mga ito ang mga diyos at diyosa dahil wala namang ibang magpapakilala sa atin ng Kristiyanismo kundi ang mga taga - Europa lamang, sapagkat doon naman nagsimula iyon at sila ang nangunguna sa pananakop at pagpapalaganap ng kanilang pinaniniwalaang relihiyon.
Sa kabuuan, maaaring huli na ang lahat upang tayoโy makabuo pa ng kulturang orihinal na talagang nagmula sa atin, ngunit hindi kailanman tayo mawawalan ng pagkakataon na mas mahalin at pagyamanin pa ang kulturang natitira sa atin ngayon.
Hindi masamang matuto ng ibang mga kultura mula sa ibang mga bansa. Basta lamang ay huwag nating isasantabi at huwag nating hahayaang mas manaig pa ang lahi ng iba kaysa sa lahi ng ating pinagmulan. - MIRANDA :))
*Credits to the rightful owners of all pictures/videos/media used in this blog.
Marami ang maaaring maging sanhi o kadahilanan ng kahirapan. Ngunit isa sa mga kadahilanang ito ang sa tingin kong may pinakamalaking epekto: ang edukasyon. Hindi lahat ng kulang sa edukasyon o hindi edukado ay nabubuhay sa ilalim ng matinding kahirapan. Ngunit karamihan sa mga nakararanas ng matinding kahirapan ay kulang sa basic education.
Ating pagmasdan ang pagsusumikap ng pamilyang Buenaflor na labanan ang hirap ng buhay sa ilalim ng matinding kahirapan sa pamamagitan ng dokumentaryong ito:ย
Tulad ng isang pangkaraniwang mamamayan, marami din silang kinakaharap na mga isyu bukod sa kahirapan. Ilan na dito ang:
1. Lack of Education
Ayon sa pagsasalaysay ng ina sa dokumetaryo, hindi na siya nakapag โ aral pa noong dumating sila sa Manila dulot na din ng kahirapan at kawalan ng perang pangpa โ aral. Mula sa aking obserbasyon sa sitwasyong ito, nagkaroon ng tila bang domino effect sa buhay estudyante ng ina na naipasa hanggang sa kanyang mga anak dahil na din sa parehong rason na ipinahayag ng ina.
Maraming mga bata ang naghahangad na makapag โ aral o magkaroon ng access sa isang de โ kalidad na edukasyon ngunit ang ilan sa kanila ay nahahadlangan ng kakulangan sa gamit o pera dahil na din sa kahirapan. At isa na nga sa mga nakararanas nito ang pamilya Buenaflor.
2. Unemployment
Marahil alam na natin ang dahilan kung bakit kasama ito sa listahan. Ang โLack of Educationโ na aking inilahad bago ito ay isa sa mga sanhi ng kawalan ng hanapbuhay.
Sa dokumentaryong aking napanood, parehong magulang pa ang walang trabaho at pangangalakal na lamang ang pinagkukunan nila ng pera ng paunti โ unti. Kumbaga, ito talaga ang inaasahan nating magiging kinalabasan lalo na kung ni isa sa kanila ay hindi nakatapos kahit sekondarya man lamang.
3. Inflation โ Hunger
Kaakibat ng pagtaas ng mga presyo ang pagdanas nila ng matinding pagkagutom. Makikita sa dokumentaryo kung gaano nila ipinipilit pagkasyahin ang kanilang pagkain, mabusog lamang nang kahit isang beses sa isang araw.
Masakit mang isipin na itinutulog na lamang nila ang gutom kung wala na talagang maihain sa hapag, ngunit ito ang naging realidad na ipinapakita sa kanila ng kanilang buhay sa ilalim ng matinding kahirapan.
Itโs a Matter of ย Mindset
Kung kahirapan ang ating pag โ uusapan, hindi problema ang proseso upang makaahon dito, kundi ang pag โ iisip ng isang indibidwal.
Kung ako ang tatanungin, dapat lamang na gawing topmost priority ang edukasyon dahil naniniwala akong ito ang nagsisilbing pundasyon ng kahit sinong indibidwal sa kanyang magiging tagumpay.
โผย Alam din naman natin na hindi lahat ng nagnanais na makapag - aral ay mapalad na nabibigayan ng pagkakataong makaranas ng pangunahing edukasyon (basic education) dahil na din siguro sa kahirapan na kanilang dinadanas.ย
Pero dito sa ating bansa, hindi tayo nauubusan ng mga solusyon sa mga ganyang problema sapagkat mayroon naman tayong libreng edukasyon sa pamamagitan ng mga pampublikong paaralan, kailangan lamang nating kumilos at gawing kapaki โ pakinabang ang presensya ng mga paaralan na iyan.
Pamilya Buenaflor
Sa kaso ng pamilyang Buenaflor, hindi ko lang mawari kung bakit sa dinami โ dami ย ng maaaring maging solusyon sa kanilang kalagayan, bakit โitinutulog na lang naminโ ang kanilang naiisip gawin? ย Kung ang problema nila ay kakulangan sa perang pangpa โ aral sa kadahilanang wala silang maayos na propesyon, iyon lamang ba ang trabaho na mayroon sa bansa?
Sa akin lang, maaari naman silang magtrabaho kahit na hindi pirmihan, tulad ng paglalako ng mga gulay o pagkain o kahit anong trabaho na hindi kinakailangang may natapos ka sa pag โ aaral, kahit sa maikling panahon lamang, mairaos lang nila, lalo na ng mag โ asawa ang pag โ aaral at ang araw โ araw na pamumuhay nila. Ngunit, hindi eh, mukhang sukong suko na sila.
Sapagkat sa aking nakikita, hindi man lamang nila sinusubukang humanap ng paraan. Yung tipong tinanggap na nila na hanggang doon na lamang talaga ang bagsak nila.
Ang problema din sa kanila ay yung kanilang maling pag โ iisip na โhindi ako nakapag โ aral eh, soo wala talaga akong maayos na trabaho, maghihirap talaga kamiโ. Hindi sila nagkaroon ng positibong pananaw sa kanilang buhay na mayroon at mayroon silang magagawa upang maiahon ang buhay nila sa kahirapan.
Konklusyon
Aminin man natin o hindi, maraming naging matagumpay sa kanilang buhay kahit na lumaki silang mahirap at hindi gaanong edukado, ano pa kaya ang magagawa ng isang edukadong bata kung ipagpapatuloy lamang niya ang kaniyang pag โ aaral?
Kaya sa aking palagay, hindi palaging nasa antas ng pamumuhay o kapangyarihan ang problema, minsan nasa pag โ iisip din. Kung sinasabi mo palang sa sarili mo na wala ka na agad magagawa, paano ka makakilos ng maayos?
Kaya ang pagkakasunod โ sunod na resulta ng kahirapan โ kakulangan sa edukasyon โ unemployement โ at kahirapan ulit ay hindi imposibleng maiwaksi kung tayo lamang ay kikilos at magkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Hindi na dapat nating ipasa ang kahirapan sa mga susunod at susunod pang mga henerasyon sapagkat kaya na naman nating putulin ang linyang iyon eh. Itโs just a matter of mindset.
TANDAAN:
Hanggang dito na lamang ang aking pagtatalakay ukol sa paksang ito. Maraming salamat sa pagbabasa, hanggang sa muli! - MIRANDA
*Credits to the rightful owners of all pictures/videos/media used in this blog.
Narito ang isang dokumentaryo upang lubos niyong maunawaan ang mga dahilan sa likod ng malawakang kilusan o kampanya patungkol sa Climate Justice.
DEPINISYON:
Climate justice is a term, and more than that a movement, that acknowledges climate change can have differing social, economic, public health, and other adverse impacts on underprivileged populations. โ Yale Climate Conditions
Ito, sa aking pananaw, ay isang adbokasiyang ipinaglalaban ang pagkakaroon ng bawat bansa ng pagtutulungan upang hindi na lumubha pa ang kalagayan ng ating klima na siyang nakakaapekto sa ibang lugar nang hindi natin nalalaman.
Ito ang nagsilbing boses ng mga apektado at nawalan ng mahal sa buhay na patuloy na humihingi ng hustisya at umaasang hindi na muling kumitil pa ng maraming buhay ang maaari pang iganti sa atin ng ating kalikasan dahil sa ating kapabayaan.
Maaaring ito din ay maging isang eye โ opener para sa ating lahat na magkaroon ng kaagarang pagtugon hindi bukas, hindi sa makalawa, hindi mamaya, kundi ngayon sa mga oras na ito sapagkat sa bawat segundong lumilipas, may buhay na patuloy pa ding nanganganib.
TAYO ANG NAGKASALA, TAYO DIN ANG NAGING BIKTIMA
1. Health, Home, Food
Walang pinipiling edad o anumang antas ng buhay ang pamiminsala ng ating kalikasan. Tulad na nga lang ng ipinakita ng dokumentaryo aking napanood, ang mga batang nasa murang edad o kahit ang mga sanggol pa man ay biktima na ng kapabayaan ng mga naunang henerasyon.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura sa loob ng ating planeta, may katumbas itong kahihinatnan na maaaring magdulot ng pinsala sa ating kalusugan partikular na sa ating respiratory system o posible ding magresulta ito sa heat stroke.
Kasabay ng pagkatunaw ng mga glaciers o mga yelo sa ating mga karagatan ay ang unti โ unting ding paglubog ng mga islang pinaninirahan ng mga tao na mayroong mas mataas na risk sa mga malakas na pagbaha at pagkasalanta ng kanilang mga ari โ arian.
Maging sa ating pagkain, tayo ay nanganganib. Ang El Nino at La Nina na resulta ng climate change ay may malaking epekto sa suplay ng ating pagkain ganoon din sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda.
2. Economic and Social Impact
Kung malaki ang epekto nito sa tao, mas malaki ang pinsala nito sa ekonomiya ng isang bansa sa kabuuan. Tulad na lamang ng pagbagyo, hindi lamang tao ang nagtamo ng danyos kundi ganoon din ang mga pananim. Kabilang ito sa mga natural resources nating tinatawag at mahalaga ito sa pagsulong ng ating GDP.
Dahil dito, mahihirapan ang ating bansa na makalikha ng mga kalakal at serbisyo na isa sa mga pangunahing salik sa pagtataguyod ng isang matibay na ekonomiya. Maaari ding magkaroon ng pansamatalang pagtigil sa pagandar ang mga kumpanya dahil sa posibleng pinsala na maidudulot ng anumang sakuna sa loob ng ilang araw o buwan. Sa madaling salita, ang mas kaunting input ay nangangahulugang mas kaunting output na magbubunga ng pagbagsak ng kabuuang produksiyon ng bansa.
Kaugnay nito ang mga gagastusin pa ng ating pamahalaan para sa reconstruction and recovery ng mga lugar na nasalanta na kabilang sa kanilang mga responsibilidad sa mga tao.
3. A Sick Planet
Kung hindi tayo kikilos, malamang ay mas tataas pa ang temperatura sa paglipas ng mga panahon. Magkakaroon ng mas mahahabang tag โ init o taglamig sa ibaโt ibang rehiyon sa mundo na resulta nga ng pagbabago ng klima.
Ang mga bagyo ay may malaking posibilidad na tumindi at lumakas pa sapagkat isa sa mga contributing factors ng pagkabuo nito ay ang pag โ init ng mga tubig sa mga karagatan lalo na sa Karagatang Pasipiko.
Resulta din ng mabilis na pag โ init ng mundo ang mabilis na pagkatunaw ng mga yelo o glaciers sa Arctic Ocean na nagsisilbing tirahan ng mga hayop tulad na lamang ng isang polar bear sa bidyong ito:
Kasabay nito ang pagtaas naman ng lebel ng tubig na maaaring magdulot ng malalaking panganib sa kalupaan tulad na lamang ng mga storm surges na magbubunga ng sobrang pagbaha.
Ilan lamang ito sa mga darating pang mga epekto ng climate change kung mananatili pa din tayong ignorante kahit na nasa harap na natin ang mga naidulot na nito sa atin.
โTHE CLIMATE IS CHANGING, SO SHOULD WEโ
Madami ang maaari nating maitulong sa ating planeta tulad na lamang ng ginawang pagmartsa ng magkapatid na Sanio mula Italy hanggang France na ย isang napakalaking tulong na upang tayoโy marinig ng iba pang bansa na sugpuin ang lumalalang pinsalang naidudulot ng Climate Change sa atin.
Base din sa impormasyong aking nakalap mula sa dokumetaryo, nagawa din ng Greenpeace Southeast Asia at ng Philippine Rural Reconstruction Movement na maghain ng petisyon na ibestigahan ang 50 multinational companies sa Pilipinas na kilala sa paggamit ng madaming fossil fuels at itoโy nabigyan ng kasagutan.
Dagdag pa dito, naglunsad ng isang pagpupulong noong 2015 sa Paris (Paris Agreement) na dinaluhan ng 195 na mga estado upang ang bawat bansa ay mangakong magtulungan na bawasan ang paglikha ng mga greenhouse gases.
Sa pamamagitan din ng kasunduang ito, ang mga bansa sa mundo ay nangako at nagkaroon ng layunin na panatilihin ang temperatura sa 1.5 ยฐ C lamang.
Hindi din natin dapat ikaila na mayroong ding mga tao na nagsisimula nang gawing renewable at sustainable ang ginagamit nilang enerhiya sa kanilang mga tahanan tulad na lamang ng paggamit ng mga solar panels.
Mayroon din namang mga planta ng enerhiya tulad ng Leyte Geothermal Production Field sa Ormoc na hindi nagdudulot ng polusyon at naging pinagkukunan pa ng enerhiya sa Visayas.
Kaugnay nito, mayroon din tayong mga Windmills na isang renewable energy source kung kayaโt mas mababa ang polusyon sa hangin at carbon emission na maaaring maidulot nito.
Kung magpapatuloy ang ganitong kaugalian natin, hindi malabong mangyari na ating maresolba ang mga isyu hindi lamang sa Climate Change kundi sa iba pang pangkapaligirang suliranin ng mundo.
Mayroon tayong mga dalubhasa at matatalinong mga imbentor ganoon din ang mga teknolohiyang patuloy na lumalago. Ang lahat ng ito ay lubos na makatutulong upang ibalik sa normalidad ang kalagayan ng mundo kung ito lamang ay gagamitin sa tama at sa makabuluhang mga bagay.
TANDAAN:
Hanggang dito na lamang ang aking pagtatalakay ukol sa Climate Justice. Maraming salamat sa pagbabasa! - MIRANDA.
*Credits to the rightful owners of all pictures/videos/media used in this blog.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
โ Live Streamingโ Interactive Chatโ Private Showsโ HD Qualityโ Free Actions
Free to watch โข No registration required โข HD streaming