Puso ang nakataya.
1
2
3..
...
Lumingon ka at tingnan mo kung nasaan ka ngayon. Huwag mong balikan. Sumulyap ka lang sa kahapon na nagdaan.Â
âYan, Nakikita mo ba ang sarili mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nilalamon ng sakit at kalungkutan? Nakikita mo ba kung paano ka trinaydor ng tadhana? Kung paano ka pinaasa ng mundo? Kung gaano ka pinaniwala nang kasiyahang naramdaman mo?
Niyakap ko lahat ang sakit, lungkot at galit. Pero niyakap ko rin ang sarili kong piniling mahalin ulit ang sarili niya sa huli.Â
Sa lahat ng hindi mo inaasahang mangyayari saâyo, âyon pa ang ipaparanas at isasampal ng mundo saâyo.Â
 Maraming tanong ang pilit mong sasagutin. Mga sagot na hindi mo alam kung saan mo pupulutin. Saan ka ba nagkulang? Saan ka ba sumobra? May mali ba sa akin? Mahirap ba akong mahalin?
Ang taong ayaw na manatili ka sa buhay nila, gagawa at gagawa ng paraan para itaboy ka palayo. Kaya akayin mo ang sarili mo palayo, âwag mo na hinatyin na ipagtulakan ka. Minsan hindi mo kailangan ipaglaban ang mga bagay na matagal ng sinukuan at tinapos na.Â
May ilang sumubok na muling bigyan ng pagkakataon na buksan ulit ang pusong minsang nagdesisyon na âTama na. Tigil na.âÂ
Sadyang mapaglarong tadhana, dumating ka.Â
âYong saya na matagal na nawala. âYong saya na gusto ko maramdaman ulit. Naramdaman ko. Nakita ko, SAYO.Â
Pero.. nalungkot ako nang sandaling âyon. Hindi ko maintindihan. Bakit? Nagkamali ako. Ramdam ko matapos âyon. Ang lamig ng hawak mo. Pilit na pinipigilan ang isang butil ng luha na pumatak. Pinamukha ng mundo na wala na akong tinira para sa sarili ko. Ang baba.Â
âIto na lang ba ako ngayon?â
Dumating ang pagkakataong nalaman kong hindi ka sigurado at pati sa sarili ko hindi na rin ako sigurado...kung kaya ko pa. Pero...kinaya ko pa, gumapang ako hanggang sa kinaya kong tumayo at harapin ang mga salitang binibitawan mo. At kinaya kong subukan na itaboy ka palayo.Â
Nandito ka pa. Nandito pa tayo.Â
Lagi kong nilalakasan ang loob ko maging totoo sa nararamdaman ko kahit na may sobra sobra ang takot ko na iparamdam saâyo âyong mga hindi mo dapat maramdaman.Â
Bago ka umalis, nakita ko siya. Alam mo bang sobra akong nasasaktan? Bakit? Hindi ko magawang magalit o malungkot dahil ikaw ang iniisip ko. Ayaw ko na mag-isip ka na hindi ako magiging maayos. Kapakanan mo pa rin ang inisip ko kasi lalayo ka at alam ko kung gaano kahirap ang pupuntahan mo. Naiisip ko pa rin. Nagtatanong pa rin ako kung bakit.Â
Mahal, hindi ko na kayang maramdaman na may kulang sa akin.Â












