I'd rather be in outer space 🛸

❣ Chile in a Photography ❣

izzy's playlists!
h
almost home

shark vs the universe
Monterey Bay Aquarium
KIROKAZE

pixel skylines
hello vonnie

@theartofmadeline
Not today Justin
cherry valley forever
taylor price
Misplaced Lens Cap

ellievsbear


#extradirty
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
seen from Kenya

seen from United Arab Emirates

seen from Sweden
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Syria
seen from Russia

seen from United States
seen from Argentina
seen from United Kingdom
seen from Malaysia

seen from United States
seen from Mozambique

seen from United States
seen from Mexico
seen from Japan
seen from Austria
seen from Brazil
seen from Russia

seen from Malaysia
@letterstoselfian

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
MATATAPOS DIN ANG BAGYO
Dear self,
Matatapos? Kailan matatapos lahat ng ito? ‘Yung bigat? ‘Yung gulo? ‘Yung blangko? Paano ko tatapusin lahat ng ito? Ang bigat ng mga bagay na hindi mo naman lubos maipaliwanag. Parang may kulog sa dibdib – hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa mga bagay na gusto mong ayusin pero hindi mo alam kung saan magsisimula. You’ve been holding it together for so long – smiling, showing up, serving, loving – pero sa dulo ng araw, pag-uwi mo, tahimik ka lang, hawak ang sarili mong mga tanong at luha. Pero alam mo? Hindi mo kailangang lutasin lahat ngayon. Hindi mo kailangang kontrolin ang bawat patak ng ulan at ang lumipas na kahapon. Kailangan mo lang munang panghawakan ngayon:
Matatapos din ang bagyo. Kasi may mga bagyong hindi kailangang labanan – kailangan lang pagdaanan. Hayaan mo munang umulan. Dahil sa bawat patak, may binabago na kalooban. Ang bawat iyak ay may pinapagaan na pasan. Hindi ka nawawala, hindi ka nag-iisa, kahit pakiramdam mo ay lumulubog ka na. You are being refined – slowly, painfully, beautifully. Hindi mo kaaway ang bagyong ito. Kaibigan mo ito na nagtuturo sa’yo kung gaano ka katatag, gaano ka kinakailangan ng mundo kahit pakiramdam mo ay wala kang halaga ngayon.
Matatapos din ang bagyo. Tulad ng dati, lulubog din ang araw pero bukas sisikat din ito muli. Tandaan mo kung ilang ulit mo nang sinabing “hindi ko na kaya” – pero narito ka pa rin – lumalaban ngayon. Nakakatayo, nakangiti, naglilingkod, lumalabas sa taguan para harapin ang mga taong lubos sa’yong may kailangan. Hindi mo kailangang maging okay agad. Hindi mo kailangang maging malakas araw-araw. Ang mahalaga, totoo ka. Totoo ka sa nararamdaman mo, sa paghahanap mo ng kapahingahan, sa pagnanais mong makaalpas sa bagyong nasa loob mo.
Matatapos din ang bagyo. Huminga ka muna. Isang malalim na hinga – para sa lahat ng beses na pinili mong lumaban kahit walang nakapansin. Huminga ka para sa sarili mo, hindi dahil kailangan, kundi dahil karapat-dapat ka ring makaramdam ng kapayapaan. You deserve rest. You deserve calm. You deserve to feel that you are enough – kahit walang ginagawa, kahit walang nagmamasid, kahit wala kang kontrol. Dahil…
Matatapos din ang bagyo. At kapag dumating ang araw na bigla kang matahimik, maririnig mo kung gaano kalambing ang Diyos sa gitna ng bagyo. Hindi Niya aalisin ang ulan, pero hahawakan Niya ang iyong kamay hanggang sa makakita ka muli ng liwanag sa loob mo. Kaya, tahan na. Sa katahimikan pagkatapos ng lahat, maririnig mo ulit ‘yung sarili mong tinig – hindi na nanginginig, kundi marahan, may tiwala, may payapang ngiti sa labi. At sa puntong ‘yon, maririnig mong totoo pala talaga: Matatapos din ang bagyo.
100 TULA AT AWIT PARA KAY STELLA - PERO IISANG PAG-IBIG
Maikling "Movie Reflection" sa 100 awit para kay Stella.
8 taon. 8 taon noong nagsimula ang pagsulat ng 100 tula para kay Stella - isang babaeng go with the flow lang sa buhay… pero inibig pa rin ni fidel. Kahit wasak na siya, kahit mali lahat ng desisyon niya sa buhay, tuloy pa rin ang 100 tula na punong-puno ng pag-ibig para kay fidel.
8 taon din ang nakakalipas noong huminto ang pagsulat ng tula sa 100. Nagtapos sa mga tanong na "Hindi na ba talaga puwede?" Kasi hindi na talaga puwede. May kumupkop kay Stella. May bunga na ang kanilang pagmamahal - magkakaanak na sila. Hindi na talaga puwede. Imposible talaga kasi huli na noong umamin si Fidel. At huli na din noong aminin ni Stella na alam niyang mahal siya ni Fidel.
Pero ang pagtatapos pala ng 100 tula ay pagsisimula lamang ng 100 awit para kay Stella. Ang mga tula ngayon ay mas may lalim dahil nilapatan ng himig, melodiya - sumasabay sa tunog ng tibok ng puso. Nagsimula ang 100 awit sa pagbabalik tanaw sa pag-ibig na nakalipas. Oo, para pakinabangan sa kasulukuyan, magamit sa trabaho bilang ghost composer ng isang artista. Pero ang 100 awit ay patunay na hindi nabura ang 100 tula 8 taon ng nakakalipas. Mayroon 100 awit kasi buhay pa rin ang 100 tula.
Kaya naman, matapos ang 8 taon, nagkatagpo sila, alam ni Stella na kay Fidel galing ang mga kanta… kasi hindi nakakalimot ang puso sa mga kabutihan at tunay na pagmamahal na naramdaman nito. Walang "delete forever" sa puso. Kaya alam ng puso ni Fidel kung nasaan ang puso ni Stella, at alam ng puso ni Stella kung nasaan ang puso ni Fidel - dahil sa pag-ibig, hindi naman talaga nagkalayo ang kanilang mga puso. Ang mga puso nila ay nakatadaha talagang magtagpo palagi.
Pero kahit may 8 taong nakalipas, at may pagtatagpo sa kasalukuyang oras at panahon - hindi kailanman naalis ang sakit na dulot ng pag-ibig. Wala ngang "delete forever" sa puso. Kasi hindi pa rin nakakamove-on si Stella sa sakit ng nangyari noong nawalan siya ng anak at mapunta siya sa mapang-abusong kamay ng kaniyang asawa. At hindi pa nakakausad si Fidel sa pagtatago sa kaniyang mga tula at awit dahil kakaunti ang kaniyang tiwala at pagmamahal sa sarili. Bakit nga kaya ganun? Kung kailan inakala mong umusad ka na, doon mo pa lang masasabing - hindi pa pala? Nakatali ka pa rin pala sa nakaraan. Nakalugmok ka pa rin pala sa sarili mong kahinaan. Walang batid pa rin ang pagpunas sa mga mga matang sa luha'y hindi nauubusan. At walang katapusang paglalagay ng gamot sa isang pusong sugatan.
Hanggang nakita nila ang dahilan kung bakit kailangan nilang magtagpo matapos ang 8 taon. Matapos ang 100 tula. At ngayon, matapos ang 100 awit. Pinagtagpo sila ng kanilang mga puso para maging taga-hilom ng bawat isa. Para lagyan ng tuldok ang mga tula ng nakaraan. At bigyang pahinga ang mga awit mula sa kaibuturan. Pinagtagpo para umusad. Pinagtagpo para muling magsimula. Pinagtagpo para mapatawad ang sarili. Pinagtagpo para muling palakasin ang loob ng isa't-isa sa laban ng buhay.
Pinagtagpo matapos ang 8 taon. Dahil natapos na ang 100 tula, at ngayon matatapos ang 100 awit, ngayon kaya na nilang tumindig ng wala ang isa't isa matapos ang 8 taon. Puwede na silang umusad ng wala ang isa't isa. Puwede na silang mamuhay ng walang mga "what if's". Puwede ng maging masaya sa kung sino sila. Panget man ang nakaraan o maganda. Limerence man o tunay na pagmamahal, wala na itong pagkakaiba. Tapos na. Akala ko, "I love you, goodbye" ang pinakamasakit na maririnig ko sa paalam ng mga pinagtagpo pero hindi tinadhana. Mas masakit pala 'yung mga salitang "I am proud of you." Kasi narating na noong mahal mo 'yung gusto mo para sa kaniya- 'yung maging tunay na masaya sa kung sino siya, nakatindig sa sarili niyang mga paa - at kahit sa kuwentong 'yun wala ka na. 'Yung "I am proud of you" na magpapaalalang ikaw 'yung nagturo noong daan kung saan siya dapat pumunta… masakit kasi alam mong sa daan na 'yun, hindi ka na kasama. Pero ang mahalaga, bahagi ka kung nasaan siya ngayon.
Natapos ang 100 tula 8 taon na nakakalipas. At ngayon matatapos ang 100 awit - pinagtagpo, oo… pero di pa rin tinadhana. Sabi nga ni Fidel, baka sa susunod, may plot twist ang tadhanan. Pero may tama din si Stella ng sabihin niyang: "Siguro ganito nalang talaga tayo… gamot sa sugat ng isa't isa."
Sana sa langit… hindi nalang pagtagpuin. Itadhana na sana din.
---------------
P.S. Baka magpapari talaga si Fidel. HAHA
PATAWAD, HINDI KITA NAIPAGLABAN
Dear self,
Sana patawarin mo ako sa maraming sandaling hindi kita nagawang ipaglaban. Ipaglaban mula sa mga taong gusto kang saktan; mula sa mga salitang sumasaksak sa’yong kalooban; mula sa mga demands ng buhay na hindi mo kayang sabayan; at mula sa mga pangyayaring ginawa kang talunan. Patawad. Patawad at hindi ko napiling lumaban.
Maraming dahilan kung bakit nanatili na lamang akong tikom sa lahat ng laban na ito. Maaaring dahil ang kalaban ay mas makapangyarihan at tinanggap ko nalang na talo talaga tayo. Maaaring dahil ang mga pangayayari ay sobrang sakit, kaya mas pinili ko nalang umiyak sa isang tabi kaysa piliting kumampi sa atin ang mundo. Maaaring dahil sobrang bigat ng pressure na wala na kong ibang paraan kundi itulog at ipahinga ang isip at katawan baka sakaling paggising natin ay muli na tayong buo. Patawad, dahil hindi kita naipaglaban, dahil minsan ang tanging option nalang ay ‘yung huminto, ang mga luha ay hayaang tumulo, at tanggapin na tayo ay talo.
Talo tayo. Talo tayo sa mga galit na mura nila. Talo tayo sa maraming panloloko na ginagawa nila. Talo tayo sa kapangyarihan at pera na mayroon sila. Talo tayo sa mapang-abusong tingin at trato nila. Talo tayo sa sobrang sama at pait ng mundo na kinokontrol nila. Talo tayo sa mga taong piniling iwanan tayong mag-isa. Talo tayo sa mga sitwasyon na hindi panig sa ating plano at halaga. Patawad, kasi kailangan nating tanggapin na wala tayong laban. Patawad, kasi kailangan nating tanggapin na iba na ‘yung tingin nila. Patawad, kasi kailangan nating tanggapin ang mga relasyong tapos na. Patawad, kasi kailangan nating tanggapin na nagbago na sila. Patawad, kasi kailangan nating tanggapin na talo tayo - oo, natalo tayo - pero hindi ito ‘yung dulo ng kuwento!
Dearest self, patawad kung hindi kita naipaglaban sa unfair na mundo. Pero pangako, hindi tayo susuko. Hindi kita iiwanan sa pag-iyak mo. Hindi ko hahayaang lamunin ka ng mga tinig na nagsasabing wala ng magbabago sa buhay mo. Hindi ko hahayaang ma-stuck ka sa sakit na nangyari sa nakaraan mo, mga trauma na humihila sa’yo para di ka makatuloy sa paroroonan mo. Wala man ang alas para manalo tayo ngayon, wala man ang kapangyarihan at pera para maipaglaban kita ngayon, wala man ang hustisya sa mga kamay mo ngayon, at wala man ang mga taong nangakong mananatili sa tabi mo simula noon - hawak natin ang kabutihan at pag-asa na aayon din sa atin ang kapalaran, at ito ang magsisilbing lakas natin para magpatuloy!
Maaaring mapabagsak ka ng milyong milyong sakit na dulot ng mundo, pero hindi nito mabubura ang kabutihang nakatatak sa iyong puso. Hindi mabubura ng mga sakit at mapait na karanasan ang mga katotohanang: SAPAT KA, MAHALAGA KA, KAMAHAL-MAHAL KA. Ang mga kabutihang ito ang magsisilbing tinig na magsasabing “Laban lang!”. Ito ang magsisilbing mga kamay na magbabangon sa’yong pagkakadapa. Ito ang magpapaalala sa’yo na kahit anong mangyari: SAPAT KA SA KUNG SINO KA! Oo, natalo tayo, pero hindi ibig sabihin wala ng pagkapanalo na naghihintay sa atin sa susunod na pahina ng libro.
Lilipas din lahat ng sakit. Makakabangon ka din sa lahat ng pagkabigo. Maghihilom ka din sa lahat ng sugat. Maipaglalaban din kita, sa tamang panahon.
Patawad, hindi kita naipaglaban. Pero, naniniwala ako, hindi tayo pababayaan ng lumikha at tumawag sa'yo... sa katahimikan, pinaglalaban ka ng Diyos, hindi ka niya pababayaan.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
SANA HINDI KA NALANG TUMANDA
Dear Self,
Sana hindi ka nalang tumanda. Hindi mo nalang sana hiniling na lumaki; hiniling na makalabas ng bahay at simulang tuklasin ang mundo na inakala mong sobrang perpekto. Hindi mo nalang ninais na matuklasan ang napakaraming katotohanan; nanatili ka nalang sanang inosente na ang tanging nais ay maging masaya at maging masaya lamang, wala ng iba. Isang saya na abot kamay mo lang. Isang awit, isang sayaw, isang bagong laruan, isang masarap na ice cream, isang masayang tawanan kasama ang mga dabest na kalaro at kaibigan, isang simpleng yakap mula sa magulang, isang simpleng award sa school, isang tatak ng star dahil nakaperfect ka sa spelling, isang palakpak mula sa simple mong talento. Isang saya na simple at abot kamay. Sana nga, hindi ka nalang tumanda at hiniling na tumayo mag-isa, dahil parang ang sarap magdesisyon ng mag-isa at walang nag-uutos sa'yo. "Parang" lang pala, dahil ang totoo, ang hirap palang mag-isa.
Mahirap pala. Dahil nang masimulan mong tuklasin ang mundo, nakita mo ang napakaraming sugat na puwedeng ibigay nito; dahil nang lisanin mo ang pagiging inosente at tuklasin ang katotohanan, nakita mo 'yung kahinaan ng sarili mo at ang kahinaan ng buhay mo; dahil nang simulan kong lisanin ang mga simpleng kasiyahan - lalo akong hindi naging masaya. DAHIL SA PAGTANDA, LALONG NAGING KOMPLIKADO 'YUNG TINATAWAG NA "SAYA". At nang magsimula kang mabuhay sa ilalim ng sarili mong mga desisyon, naramdaman mo ang bigat ng tinatawag nilang lumbay, takot, pangamba, higit sa lahat, ang walang katapusang pagsisisi. Pagsisisi sa napakaraming maling nangyari sa nakaraan na nagdala sa isang hindi matakasang sitwasyon at kalagayan. Sana hindi ka nalang tumanda, para ang tanging mahalaga sa'yo ay ang ngayon... 'kung ano lang ang mayroon ka ngayon. Walang tanong, basta nasa ngayon.
Naintindihan ko na kung bakit kailangan akong paluin noong bata ako. Naintindihan ko na kung bakit kailangan akong masermonan ng paulit-ulit sa tuwing magkakamali ako. Dahil ngayon, mas nanaisin ko ang sakit ng palo kaysa sa sakit ng hampas ng problema sa isang pusong mahina, kung saan ang mga sugat ay hindi agad-agad nawawala. Mga hampas ng buhay dahil sa mga maling desisyon na ginawa mo. Mga hampas na parang hindi natatapos dahil sa walang hanggang "what if's" sa utak mo. Mas nanaisin ko na ang paulit-ulit na paalala at sermon, kaysa sa mga sitwasyon na tahimik nga, pero ang ingay ingay naman sa loob. Mga sermon na hindi binibigay ng ibang tao, pero ingay naman na nanggagaling sa sarili mo. Mga salitang "ang tanga mo," "ang bobo mo," "mag-isip ka naman," "sino ka ba?!" na paulit-ulit mong isinisigaw sa sarili mo. Sana nga, hindi ka nalang tumanda, para nanatili kang nagmamahal sa sarili mo. Sana, hindi ka nalang tumanda para maniwala ka pa din na lahat ng sugat puwedeng maghilom. Dahil ngayon, namulat ka na sa katotohanang may mga sugat na dadalhin mo hanggang sa dulo. Walang lunas, maliban sa pagtanggap.
Kung puwede lang sana, hindi ka nalang sana tumanda. Para maging sapat ang mga simpleng bagay para maging masaya ka. Dahil ngayon, kahit halos nasa'yo na ang lahat, hindi mo pa rin maramdaman 'yung saya. Palaging may kulang. Palaging may kailangang punan. Palaging may palaisipan. Sana hindi nalang ako tumanda, para hindi ko naintindihan 'yung mga mahihinang hikbi ng aking nanay noong bata pa ako. Dahil ang totoo, ako pala ang dahilan ng kaniyang mga hikbi dahil kailangan niya akong bigyan ng maayos na buhay - kahit hirap na hirap na siya. Sana hindi nalang ako tumanda, dahil ako na 'yung humihikbi ng palihim dahil hindi na lamang 'yung sariling saya ko ang kailangan kong isipin; gusto ko rin silang maging masaya, pero minsan hindi ko 'yun kayang ibigay sa kanila. Nakakatakot maging masaya, kasi baka maiwanan ko sila. Kaya pala mahirap tumanda, dahil hindi lang ang sarili mong saya ang dapat mong isipin - dahil may mga "saya" na din na nakasalalay sa iyong gagawin.
Sana hindi ka nalang tumanda, para hindi gaanong masakit maramdaman na unti-unting mawala 'yung mga taong sobrang mahal mo. Para hindi mo masyadong maintindihan 'yung mga salitang "time's up" na sila sa buhay mo. Para ang alam mo lang ay 'yung mga kuwento ng fairytale na nandoon lang sila sa langit, naging bituin para bantayan ka sa gabing madilim. Para ang feeling mo lang nag-abroad sila pero babalik din. Sana hindi ka nalang tumanda, para lagi mo lang hawak 'yung kamay ng nanay mo na ngayon hinahanap-hanap mo dahil wala na siya sa tabi mo. Sana hindi ka nalang tumanda, para lagi mong ramdam na ligtas ka sa piling ng tatay mo - na ngayon malayo sa'yo. Sana hindi ka nalang tumanda, para hindi mo kailangang tumayo mag-isa at magtapang-tapangan habang iniiyak ng palihim ang mga sugat mo. Dahil noong hindi ka pa matanda, puwede kang umiyak ng malakas, puwede kang maging tapat sa nararamdaman mo, at lagi silang nandyan para samahan ka sa buhay mo.
Dearest self, sana hindi ka nalang tumanda. Pero sana maalala mo din, na hindi pa huli upang manatili kang bata. Habang may oras pa, piliin mo minsang umuwi at yakapin ang mga taong mahal mo, habang nandiyan pa sila. Habang kaya mo pa, sabihin mo sa mga mahal mo na kailangan mo ng tulong at nahihirapan ka na. Puwede ka pa ring maging bata na kailangan ang tulong ng iba. Puwede ka pa ring maging bata na minsan superhero, pero minsan biktima din ng masaklap na kapalaran. Puwede ka pa ding maging "hindi okay". Sana matandaan mo, na tumanda ka lang, pero nananatili kang tao at hindi diyos. Mayroon ka pa ring maliliit na kamay; mga paa na puwede pa ring mangalay; mga mata na kailangan ding ipikit; katawan na kailangan ng yakap at pahinga; isip na kailangan ng direksyon; at puso na kailangan ding huminga. Sana sa hiling mo na "hindi ka nalang sana tumanda", mas natuto ka kung paano ka mananatiling bata na kuntento at masaya - higit sa lahat, marunong magtiwala.
Sana, hindi ka nalang tumanda, pero "mas sana" hindi mo makalimutan ang maging bata habang tumatanda ka. Hindi mo kailangang maging mag-isa. Kailangan mo ang tulong ng iba.
DAHAN-DAHAN LANG
Dear Self,
Ramdam na randam mo ngayon ang mabilis na takbo ng mundo, lalo't higit ang mga pangyayari sa buhay at paligid mo. Bukod sa mga trabahong nagpapabilis ng oras mo, nariyan din ang mga hindi inaasahang takbo ng mga tao na naging malapit sa'yo.
Naiisip mong ang bilis ng takbo ng mundo at parang paubos na ang oras para makamtan mo ang ligaya na para sa'yo. Samantalang, unti-unting nabubuo na ang mga magagandang kuwento ng ibang tao, heto ka, hindi maumpisahan ang introduction ng iyong sariling nobela. At kahit anong sulat - parang palaging reject ang simula. Paano nga ba gumawa ng simulang makahulugan at maganda, 'yung walang takot at pagdududa?
Napag-iiwanan ka na. Ito ang ang takbo ng isip mo sa tuwing makikita mong sa edad mo, matagumpay na sila. At tila ba eto ang paulit-ulit na nagpapahina sa apoy ng iyong pag-asa: Napag-iiwanan ka na - malayo na sila - aabot ka pa ba?
Samantalang naka-move on na ang iba, ikaw, nariyan parin ang puso mong hirap makatawa. Samantalang natagpuan na ng iba ang para sa kanila, andiyan ka pa din, nasa malalim na pag-iisip at hindi makagalaw sa kama. Samantalang narating na nila ang mga pangarap nila, heto ka't nalilito pa din kung ano ba talaga ang para sa'yo at gusto ng tadhana. Habang punong puno ng pangarap ang iba, heto ka, parang mali ang pundasyon ng pag-asa at tila ito'y nauubos na. Paano ka nga ba magiging masaya katulad nila?
Kaya sa araw na ito, gusto ko sanang ipaalala sa'yo: Hindi ka talaga magiging masaya kung titingin ka sa kagandahan nila at sa mga bagay na sa'yo ay wala. Walang nagiging masaya sa pagkukumpara ng sarili sa iba. Dahil ang buhay mo ay hindi ibinigay para makipagkumpitensya - biniyayaan ka ng buhay para namnamin ang kabutihan at kagandahang nakatanim sa puso mo simulang simula pa. Wala sa naabot na pangarap, mabilis na paghilom, matatayog na tagumpay, at milyong milyong pagtanggap ang iyong halaga. Dahil kahit wala ang mga ito, higit kang mahalaga dahil tao kang minamahal Niya.
Kaya naman, dearest self, magdahan dahan ka. Huwag mong pagurin ang sarili mo sa panlilimos ng halaga at saya dahil lahat tayo may prosesong kani-kaniya. Huwag kang mainip sa matamis na regalong matagal nang sa'yo'y inihanda. Dahil baka sa pagmamadali mo, pagdating ng oras na dumating ang para sa'yo - hindi mo na ito mapansin at mapahalagahan dahil pagod ka na, at mas masaklap, ubos na ubos ka na. Kaya, magdahan dahan ka. Habang iniisip mong nauubos na ang oras para sa mga pangarap mo - unti-unti namang nauubos ang oras para namnamin mo ang "ngayon" mo. Ang "ngayon" kung saan kasama mo ang pamilya mong nagmamahal sa'yo, mga kaibigang sinasamahan ka sa kabaliwan mo, ang iyong batang isip na nagbibigay ng simpleng kasiyahan sa'yo. Dahil habang nagmamadali ka sa sinasabi mong nauubos na oras para sa pangarap mo, hindi mo napapansin, limitado lang din ang oras ng mga tao at bagay na mayroon ka ngayon.
Hindi mo kailangang makipaghabulan sa oras at trend ng mundo. Dahan-dahan lang. Pahalagahan mo ang mga regalong ngayo'y ipinagkakaloob sa'yo. Tandaan mo, wala ang tunay na ligaya sa bukas at maging sa kahapon - dahil ito ay nasa "Ngayon". Dahil kung nasa bukas lamang ang tagumpay at saya, mananatili itong ilusyon at pangarap sapagkat hindi natatapos ang bukas - at hindi ito tunay na mararanasan sa "ngayon".
Dahan-dahan lang. Wala kang kalaban. Deserve mong maging masaya sa kung sino ka ngayon!

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
PAGKAUBOS AT PAGPUPUNO
Dear Self,
Habang nagmamadali ang mundo para makipagdiwang sa magiging tagumpay mo, alam kong nakikita mo na malubak na daan pa din ang dadaanan mo. Marahil mukhang madali lang para sa lahat makamtan ang mga pangarap mo, pero alam kong mayroong bulong na nagsasabi sa'yong ang sakit sakit na at nakakapagod na. Habang nakatingin sila sa kung sino ka sa hinaharap, umiiyak ka naman ngayong tinitingnan ang sarili mo sa salamin na sagutan at nagtatanong kung kaya mo pa ba.
Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang lumangoy sa madilim at malakas na alon ng buhay na walang kasiguraduhan? Kaya mo pa bang dalhin ang mga sugat na mayroon ka na ang tagal tagal gumaling at gumaan? Kaya mo pa bang ipagpatuloy ang laban kahit may malaking kulang sa iyong kalooban? Kaya mo pa bang mabuhay sa paikot-ikot na proseso ng pag-iyak, paghalakhak, at mamaya'y iiyak at uulit nanaman na parang walang nasimulan? Dear self, kaya mo pa ba?
Alam kong paulit-ulit kang bumabalik sa pagkalimot mo sa iyong halaga at pagmamahal sa sarili. Paulit-ulit kang bumabalik sa panlilimos mo ng pagmamahal at pagsang-ayon ng marami. Bumabalik-balik ka sa mga pagod ng isip at puso at sa paulit-ulit na pagkakamali. At minsan, dahil sa pagbalik sa mga pagkakamaling ito, parang nasasambit mo na ayaw mo na. Nakakapagod na. Mahirap talaga sigurong mahalin ang sarili - lalo't ang mundo'y mas pinipiling mahalin lang ang maganda sa'yo at hindi ang mga kahinaan mo.
Pero kung dumating ka man sa punto na pagod ka nang mahalin at pahalagahan ang iyong sarili... Kung dumating ka man sa punto na tila makita mo ulit na ang hirap hirap mong mahalin at pahalagahan... Huwag mong isara ang bintana at pintuan ng iyong puso para makita mo ang mga taong nandyan pa rin para mahalin ka ng buong buo. Mga tao na handa kang buhatin sa oras at sandaling napagod ka na sa pagmamahal sa sarili mo. Ang pag-ibig nila ang maghihilom sa'yo. Ang pag-ibig nila ang magbibigay ng lakas sa'yo para magpatuloy.
Alalahanin mo ang mga sandaling kasama mo silang tumawa ng malakas, mabaliw sa mga walang kakuwenta kuwentang bagay. Alalahanin mo ang mga sandaling niyakap ninyo ang isa't isa upang iparamdam na walang mag-iisa... Mga sandaling umiyak sila ng masaktan ka, nagalit nung sinaktan ka, sinamahan ka noong nasasaktan ka. Alalahanin mo kung paanong pinilit ka nilang bumangon para lang makita mo ang ganda ng mundo sa kabila ng mga tinik nito... kung paano nila binuksan ang puso mo para ipaalala sa'yong may dalisay na pag-ibig na nananatili sa kalawakang ito. Alalahanin mo kung paano mo naramdamang "safe" ka kapag nasa paligid mo sila dahil handa ka nilang tanggapin at unawain sa kung sino ka: malakas man o mahina, tumatawa man o umiiyak, kalmado man o galit, maayos man o magulo.
Kung naubos na ang pagmamahal na mayroon ka para sa sarili mo - hayaan mong ang pag-ibig nila ang magpuno sa'yo.
Malayo man sila, o hindi mo makita ng pisikal, itanim mo sa puso mong minamahal ka nila dahil bahagi ka ng buhay nila. Abala man sila sa maraming bagay, sana alam mong isang tawag mo lang sasagutin ka nila ng pagmamahal. At habang napepressure ka sa gusto ng mundo sa'yo, matiyaga naman silang naghihintay sa sarili mong proseso. Hindi namimilit, hindi nagmamadali... dahan dahan ka nilang sinasamahan sa malubak na dadaanan mo.
Dearest self, kung dumating ang oras at sandaling maubos ka na, huwag kang matakot umiyak, tumigil at magpahinga - may pag-ibig na magpupunas ng luha mo... may pag-ibig na tatabi sa'yo... may pag-ibig na magiging hangin para sa paghinga mo... May pag-ibig na magpupuno sa'yo para ibalik ang pag-ibig na naubos sa'yo. May nagmamahal sa'yo ng totoo at buo. Hindi man katulad ng pagmamahal na "trend" ng mundo - pero pagmamahal na dalisay at pangwalang hanggan.
Kaya wag ka ng mag-alinlangang buksan ang pintuan ng iyong puso. Wag ka ng mag-alinlangang sabihin sa kanila na kailangan mo ng mahigpit na yakap. Wag ka ng mag-alinlangang sabihing kailangan mo sila para makapagpatuloy.
Hindi palaging ikaw lang ang magmamahal... dapat hayaan mo din ang sarili mong mahalin ng iba. At deserve mo ang pagmamahal na binibigay nila.
Mahigpit na yakap!
Hindi madali ang Paghilom
Dear Self,
Maaaring nararanasan mo ang pagkapagod sa proseso ng iyong paghilom. At tila parang walang hanggan ang prosesong ito. Bumabalik ka ng bumabalik sa umpisa. Parang wala ng pag-asa na maghihilom ka.
Ngunit sana maalala mo na ang paghilom ay isang proseso - hindi nagaganap sa loob ng isang buong araw; hindi magic na agad agad magpapawala ng lahat ng sakit; hindi race na mabilis mong maabot ang dulo. At dahil isang proseso ang paghilom - hindi ito madali at hindi ito komportable. Dahil isa siyang proseso ng pagbabago ng sarili mo... Parang operasyon para itama ang mga bagay sa kalooban mo para mas maging maayos ang paghinga ng puso mo at unti-unting mawala ang mga sakit na nagpapahirap sa'yo. Kung ganito ang paghilom, alam mo na magiging masakit ito. Walang pagbabago ang hindi masakit. Masakit dahil aalis ka sa mga nakasanayan mo. Masakit dahil haharapin mo ang mga emosyon na tingin mo nagpapahina sa'yo. Masakit dahil paulit-ulit kang babalik sa nakaraan para matanggap mo ito.
Kaya, hindi madali ang paghilom. Dahil hindi ka sanay tanggapin ang mga emosyon na nasa kalooban mo. Mga emosyon na palagi mong pinipigilan para lamang mapakitang ang tatag tatag mo. Mga emosyon na iyong itinatago para hindi ka iwan ng mga taong maapektuhan nito. In short, hindi madaling magpakatotoo sa nararamdaman mo. Pero, ito ang pinapasok mo sa proseso ng paghilom: 'yung maging tunay na ikaw. 'Yung tanggapin mo lahat ng mayroon sa kalooban mo at palayain mo ang sarili mo sa mga emosyon na ito. 'Yung maging ikaw kahit alam mong may mga masasaktan at may mga mang-iiwan - ang mahalaga, naging totoo ka at nakita mong may dahilan sa lahat ng mga emosyon na dala-dala mo. Sa paghilom, kailangan mong maging ikaw, maging totoong ikaw. Hindi madali. Pero ito ang unang hakbang para maghilom ka. Tanggapin mo kung sino ka. Mahalin mo kung sino ka. Yakapin mo kung sino ka. Hayaan mong umupo kasa tabi ng lungkot at hinagpis, at di mo kailangang umalis para takasan mo ang lahat. Lahat ng ito valid. Lahat may dahilan. Lahat dapat maintindihan. Lahat katanggap-tanggap. Hindi komportableng upuan katabi ang mga emosyon. At kung di mo titiisin ito, at aalis ka na sa pagkakatabi mo sa kanila, lalo kang lalayo sa proseso ng paghilom. Upo ka lang. Hayaan mo lang. Huwag kang tumakas.
Hindi madali ang paghilom. Lalo't higit kung ang tingin mo sa prosesong ito ay parang isang tuwid na linya lamang: may umpisa at dulo - at nakatingin ka lang kung saan ka nag-umpisa at saan ka dapat magtapos. Pero ang paghilom ay higit sa umpisa at dulo: ito ay tungkol sa nangyayari sa proseso. Hindi ito isang tuwid na linya na tila ba smooth sailing lang at parang from worst to better. Mula sa sobrang lungkot papunta sa pagiging sobrang saya. Hindi. Ang hindi madali sa paghilom ay ang pagdaan mo paulit-ulit sa proseso ng pagiging okay at hindi pagiging okay. May araw na parang naka-move on ka na, ngunit kinabukasan parang uulit ulit lahat ng sakit. Hindi siya from worst to better. Pero from worst, magiging better, magiging worst ulit, tapos magiging better. Unpredictable. But dearest self, normal lang lahat ito sa proseso mo. Ang paglago mo sa prosesong ito ay hindi lang nagaganap tuwing mataas ang sikat ng araw, bagkus kahit sa katahimikan ng dilim ng gabi, lumalago ka ng paunti-unti. Hindi tuwid na linya ang paghilom - bagkus isang spiral - mukhang bilog na paulit-ulit, pero palalim ka ng palalim sa pakikipagtagpo mo sa sarili mo. Palapit ka ng palapit sa gitna ng bilog - ang sandali ng pagbuo mong muli sa nadurog mong puso. Kaya sana, bago ka tumingin sa dapat na hangganan ng paghilom mo, tingnan mo din 'yung mga araw na nalagpasan mo at kung gaano ka na kalayo mula doon sa pinag-umpisahan mo. Malayo-layo na din. Nakakaya mo din. Umuusad ka din kahit paunti-unti. At sana hindi ka lang tumingin sa mga panlabas na epekto ng paghilom sa iyo. Dahil hindi lahat ng epekto ng proseso na ito ay nakikita ng mata - ang iba, nararamdaman sa katahimikan ng puso. May nagbabago. May naghihilom ng hindi mo napapansin.
Hindi madali ang paghilom. Dahil sa sandaling pinili mo ang prosesong ito, umaalis ka sa comfort zone mo. Umaalis ka sa nakasanayan mong malakas at matatag ka at hindi mo kailangan ng tulong. At hinaharap mo kung sino ka talaga: may limitasyon, may kapaguran, nasasaktan, at higit sa lahat, kailangan ng yakap ng iba. Umaalis ka sa comfort zone mo kung saan hinihingi mo ang approval ng lahat ng tao. Sa comfort zone na inakala mong 'yun na ang mundo mo. Sa comfort zone na tila ba parang hanggang dun ka nalang at hindi ka na uusad. Aalis ka sa comfort zone mo dahil natututo kang umpisahang tanggapin ang sarili mo kahit ayawan ka ng mundo. Natuto kang may mas maganda pa palang view ng buhay sa paglayag mo palayo sa dalampasigan ng mundo. Natututunan mong nasa iyo pala ang hinahanap mong pag-ibig at kapayapaan na madalas mong pinanlilimos sa iba.
Dearest self, hindi madali ang paghilom... Masakit ang maghilom. Mula sa sariwang sugat na araw-araw kailangang linisin. At sa paglipas ng araw, mauunang gagaling ang panlabas na sugat at aakalain mong tuluyan nang magaling - pero di mo pala nakikita, mayroon pang sugat sa loob na mas kailangan pa ng mas mahabang panahon para makamtan ang buong paghilom. Hindi madali ang paghilom dahil hindi mo kita ang dulo... hindi mo alam ang oras kung kailan matatapos ang proseso. Pero isa lang ang tiyak, dadating ang totoong paghilom sa tamang oras at panahon na inilaan para sa'yo. Sa tamang oras at panahon na mas magiging mabuting tao ka - isang inspirasyon na dumadaan din sa mahirap na proseso ng paghilom.
Daan lang. Wag kang susuko. Gagaling ka din. Maghihilom ka din. Mahigpit na yakap!
Dear Self,
Maghihilom din ang lahat, sa Kaniyang oras at panahon.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
PINAPATAWAD KITA
Dear self,
As you evaluate your formation year today, alam kong marami kang nakita na hindi favorable sa sa sarili mo. Marami kang wrong choices, decisions and wrong priorities. Marami kang dapat ginawa para mas maging better ka. Marami kang mga problema na tinakasan at hindi hinarap. At hanggang ngayon, mayroon ka pa ring mga attachments at addictions na hindi agad-agad mabitawan. Siguro, habang nakikita mo itong lahat - nasasabi mo na failure ka.
Pero alam mo, hindi ka failure para sa akin. Para sa akin - tao ka. Tao ka na araw-araw lumalangoy sa isang bukas na hindi sigurado. Tao ka na araw-araw nagbibigay at tumataya para lamang makamit mo ang ligayang totoo. Tao ka na may takot ding masaktan at mabigo. Tao na araw-araw nagbabago. Tao na palaging nasa proseso ng pagkatuto. Hindi ko man lubos maintindihan ang kabuuan mo, sana malaman mo na tinatanggap kita, maging ang mga pagkukulang at pagkakamali mo. Dahil tao ka - may pagkakamali at pagkukulang - pero hindi ang mga ito ang buong kuwento ng buhay mo.
Ang totoo, may mga pinagdaanan ka na hindi naging madali para sa'yo. May mga sakit kang tinago para lang patunayan na matapang ka at kaya mong makipagsabayan sa mundo. May mga pagod kang naramdaman at hindi mo pinansin para lang masabi na hindi ka sumusuko. Kaya, sa lahat ng ito, sorry. Sorry kung pinili nating hindi magpakatotoo - mas inisip ang mararamdaman at sasabihin ng iba kaysa sa tunay na nararamdaman ng puso. Sa mga pagtatago at paglalakas-lakasan na ito nag-ugat ang mga malalim na sugat mo. Sorry.
Kaya ngayon, pangako, babawi ako. Babawi ako sa'yo at yayakapin kita ng mahigpit para maramdaman mong kasama mo ako. Pipiliin kitang muli at palaging titingnan ang kabutihan mo.
Dearest self, pinapatawad kita. Pinapatawad kita sa mga expectations na hindi mo naabot. Pinapatawad kita kung hanggang ngayon hindi ka makabitaw sa mga attachments mo. Pinapatawad kita sa maraming wrong decisions na ginawa mo. Sana makita mo na hindi ang mga ito ang nagbibigay ng buong definition sa pagkatao mo. Bahagi lang sila ng mas malaking kuwento ng buhay mo. Kaya, pinapatawad at tinatanggap kita sa kung sino ka ngayon: 'yung totoong ikaw ngayon - mahina, nasasaktan, lumuluha, pagod... pero deserve pa rin na mahalin at pahalagahan - dahil ito lang ang dahilan kung bakit ka nilikha: Ang maramdaman mo na sobra kang iniibig ng Manlilikha. At gaya ng pag-ibig sa'yo ng Manlilikha - mamahalin din kita sa kabuuan mo. At hindi na kita iiwanan sa lahat ng proseso na pagdadaanan mo. Kaya, wag mong madaliin ang paghilom mo. Maitatama at maaayos mo din ang lahat - sa tamang oras at panahon na inilaan para sa iyo. Pagtitiyagaan kita sa proseso mo.
Dearest self, pinapatawad kita, pipiliin kita, mahal kita. KASAMA MO AKO.