Sino nga ba si Johnny?
Mapapanood natin si Johnny Bravo sa sarili niyang cartoon show mula noong 1997 pa lamang hanggang 2004. Siya ay isang batak na binata na laging nakashades at nagaayos ng buhok para mapabilib sakanya ang mga babaeng natitipuhan niya. Gwapo at macho ang tingin niya sa sarili niya kaya kahit ilang beses siyang mabigo sa pagsusuyo, hindi talaga siya natututo.










