I saw this post in fb kasi shinare ng tropa ko, there's someone here who is suicidal naiiyak ako nasasaktan ako para sa kanya hindi ko alam. There's a time na 2 or 3 am in the morning nagising ako hobby ko na kasi yung mag check ng fb sa tuwing na aalimpungatan ako ng ganong oras siguro sinanay na rin ng ex ko yung body clock ko na magising ng ganong oras, I opened the messenger kasi alam ko may rant na naman yung taong yon pero one time pag bukas ko ng pm niya grabe sa flood ewan nag start na ako mag worry, and then I replied hoping na gising pa siya buti na lang naka online pa. Ayun sobrang depressed siya, na momroblema nakuha ko pa ngang mag biro kala ko kasi nag jo-joke siya "Tangina hindi ako nag bibiro". And then he called. Nag kwento siya sa mga nangyari, sa sobrang hindi niya alam yung gagawin niya gusto na daw niya paharurutin yung motor niya at ibangga na lang sa puno, kapag mamatay daw siya puntahan ko daw siya sa address nila. Tangina after nung tawag na yon naiyak ako sobra kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko siyang puntahan at yakapin kaso hindi pwede, hindi ko talaga alam pero thankful na rin ako kay G na nasagot ko yung mga messages at tawag niya na kahit papano I've done something para maiwasan yung pagka suicidal niya. Please if you have friends na nakikitaan niyo ng suicidal signs please give some time, minsan hindi nila kailangan ng advice ang kailangan lang nila is an ear who is ready to listen and a shoulder that they can cry on. Please be aware guys












