BATA
“BATA” binubuo ng apat na letra, dalawang pantig at isang salita. Ang sarap maging bata walang problema, wala pakealam sa mundo, at laro lang ang inaatupag. Alam nating panandalian lang ang maging bata dahil ang dali nating maging “mature.” Marami tayong mga alaala nung tayo’y bata pa, marami pa ding dapat maalala kung gaano ba kasaya ang pagiging bata. Ang sarap bumalik sa pagiging bata dahil alam mong walang problema ang inaatupag mo. Madaling magkaroon ng kaibigan pag ikaw ay bata dahil pag kayo ay nag laro lang magkakaibigan na din kayo sa hulihan. Ang sarap kaya ng walang problema, mag laro at magpahinga araw-araw. Ang pagiging bata ay dito niyo natutunan ang ibang mga bagay na mahalaga kagaya ng tamang asal, pagrerespeto sa nakatatanda at paggawa ng mga gawaing bahay. Sa ganitong henerasyon ang mga bata ay tutok sa mga gadyets nila, kalakihang porsyento sa kanilang pagiging bata ay mayamot, kaya ang payo ko lang sa mga bata ngayon mas maganda mag laro sa labas kesa sa loob. Yun lamang po at maraming salamat.








