Cold Summer Night
"Happy Birthday, @myjaps." Julie's staring at that one particular tweet. For an hour. Or two maybe? She lost count. Well, why not? It was from him. Yes, him. Elmo. You read it right. The Elmo Magalona greeted her on her birthday. Hindi nga lang tulad ng greetings for Janella na punong-puno ng effort. Pero, at least di ba? Hindi niya nakalimutan. Bumati siya. It was also past May 17th. Kaya biglang-bigla, at gulat na gulat siya. "Bugak ka talaga Elmo eh." Sabunot ni Julie sa sarili. You can't snatch it away from her. Yung ganung effect ni Elmo sakanya. No one can, actually. Kahit yung rumored boyfriend niya pa. Elmo yan eh. Ben lang yun. Julie revisited Elmo's twitter account. Napangiti siya when she saw that tweet again. Yung totoo? Kinikilig siya. Kaninang-kanina pa. She also saw his photo that he tweeted on Mother's Day. Napatawa siya. It was not the first time she saw it. Marami na ring nag-tag sakanya non. "Sume-sense of humor ang Mokong." Sabi niya na tumatawa. Sabay haplos sa mukha ng gwapong dating ka-loveteam. Parang nung sa Yellow Note. Medyo same feelings pa nga eh. She scroll down below at nakita niya yung mga replies dun sa picture. So, may something pala sa loveteam nila ni Janella yung 'Meow'. Uminit ang ulo niya. Is she jealous? Imposible. May boyfriend siya eh. Sinara niya ang laptop. Take note! Pabagsak ha. Hindi basta-basta sinara lang. Walang pag-turn off. Selos nga. She find herself na gegewang-gewang pababa ng hagdan. Kukuha lang sana siya ng tubig na maiinom. Julie's a bit tipsy. Konti lang naman ang nainom niya. Pero, for a person na hindi sanay sa alcoholic drink, may iba talagang epekto. Safe naman siyang nakabalik sa room niya. Pabagsak na humiga sa kama at nagtakip ng unan sa mukha. Sakto kase, "Bwiset ka Elmo!!!" sigaw niya. Madaling-araw na. Ayaw naman niyang maistorbo ang pamilya niya. Dahil lang sa kabaliwan niya. She grabbed her phone and fidget. She doesn't know what to do. Bigla na lang she tap the Music icon on her new iPhone. She stared on a super familiar song na kaka-purchase niya lang ulit sa iTunes. CSN - Elmo Magalona "Bakit ba ganito ang album cover mo? Sana man lang mukha mo." She grinned. "I actually love staring at your beautiful face. Your eyes are my favorite." Bulong niya. She looked for her earphones and plugged it onto her phone and started listening. She's smiling. The whole damn time. "Sobra yung inimprove ng boses mo. Pero ganon pa rin yung effect. Nakaka-inlove." She said. She wanted to hear and see all versions of this new Cold Summer Night. She opened youtube on her laptop. There were versions nung sila pa yung magka-tandem. She was feeling nostalgia. "Grabe! Ang tagal na pala." Sa isip niya. Medyo nalungkot siya going down memory lane. Kase nga naman, ito na sila ngayon oh: hindi nagpapansinan. May nakita siyang most recent videos na version din nung song. It was the one with his new ka-loveteam. Si Janella. When he was a guest sa isang parang mini-concert. Huminga siya ng malalim before hitting the play button. While listening to it, may kakaibang naramdaman si Julie. Was it guilt? Bakit naman? Or jealousy? Mas possible yan. She hold her phone tight and dialed a familiar number na kabisado ng puso niya. Sakto naman pala kase, she still have his old number. While dialing, she's praying to all the gods na sana yun pa rin yung number na gamit niya. "Hala nag-ring." Gulat na sabi ni Julie. Isang ring lang, binaba niya na. Hindi pa ba talaga siya ready? Baka nga. She played another video. Another version na surprise pang lumabas si Janella. The song's launch sa ASAP. The one where she did the rap verse. Napa-ismid si Julie. Ayun na naman yung naramdaman niya kanina. "Bwiset. Bwiset." Sabi niya. And, dialed his number for the second time. Tatlong ring. Cancelled. Nasisiraan na yata siya ng bait. Nagtakip ulit siya ng unan sa mukha. Yung favorite niyang Elmo the Muppet na pillow. Sumigaw, "Elmo, bwiset ka. Bwiset." Habang pumapadyak sa kama niya. Nabaliw na nga ng tuluyan. Sa sobrang ingay niya. Hindi niya na narinig yung phone niya. May tumatawag. Returning a phone call. Si Elmo. Si Elmo tumatawag. Si Elmo, tinatawagan siya. And it stopped. Ang tagal na rin namang nagriring eh. May tumatawag ulit. This time, sinagot na ni Julie. Hindi pa nga nakakapag-hello yung nasa kabilang linya, inunahan niya na, "Elmo, bwiset ka." sabi niya, sabay baba ng phone. Natawa siya sa saril niya. Hindi niya akalain na masasabi niya yun. Naguguluhan siya ng may biglang nag-notify sa phone niya. It was a twitter notification. May bagong tweet si Elmo. Hello. Of course she subscribed from his tweets. Hindi naman nito malalaman eh. Stalking at its finest yan. "Ganun na pala magthank you ngayon" Natawa siya. Tawang-tawa siya. Hanggang sa may tumatawag na naman. Hindi lang basta call 'yun. Kase, it was an invite through Facetime. Huminga siya ng malalim and accepted the invite. "Well, hello, Julie." Namiss ni Julie yung boses na yun. Natulala lang siya. "Why are you still awake? Nasa bahay ka ba? Or nasa taping?" He asked. "Bahay." Absent-minded niyang sagot. Napa-smirk si Elmo. That is very familiar to her. Sobrang familiar. "Ahh. Okay. So, you have early call time kaya gising ka na?" He's trying to make a conversation. Umiling lang si Julie bilang sagot. Wala pa rin sa sarili. "Ang pogi mo." She said. Wala nga sa sarili. "Alam ko." Natatawa at mayabang na sagot ni Elmo. May sasabihin na sana si Julie. She was trying to redeem herself. Pero, wala eh. Nauna pa rin si Elmo. Tulad ng dati, mabilis pa rin talaga magsalita. "Bakit pala napatawag ka? Tapos, sinabihan mo pa ako ng bwiset ako?" Bumalik na kay Julie lahat. "Eh bwiset ka naman talaga eh." Napa-awang ang bibig ni Elmo. "Una, bakit ba bigla-bigla ka na lang magtu-tweet? Ha?" Sasagot naman dapat si Elmo. Pero, pinipigil siya ni Julie. "Pangalawa, bakit mas lalong gumaling ka ng kumanta?" Napa-iwas naman bigla si Julie ng tingin. "Dahil ba sakanya? Tinuruan ka ba niya?" "At, pangatlo. Mas magaling pa rin akong mag-rap sakanya. Mas bagay pa rin yung boses nating dalawa." Elmo was surprised. He doesn't know saan ba galing lahat ng 'yon. Sa sobrang pagkalito, he asked, "Where are all these coming from? What happened?" nag-aalala niyang tanong. "Well, I'm drunked. Konti lang naman. Need ko lang din ng lakas ng loob to ask you all those." Elmo gave her a straight face. "Aww. Bakit ka naman uminom, baby?" Pareho silang nagulat sa sinabi niya. "I'm sorry. I mean, Julie." Bawi niya. "Kase naman. You confused me." She said. He felt like, she just want an answer. "Okay. I'm sorry if this confused you. Gusto ko lang din talagang i-greet ka. This is an important day for you di ba? It was once an important day for me too." He smiled. "Medyo late na nga. Kase, busy ako kahapon sa taping." Kamot-ulo niyang pahabol. She felt it. That familiar pang in her heart. She missed those. "For your second question. I am attending voice lessons. Since lumipat ako, they've been so good to me." Julie's waiting for further more. "It was not really because of her. It was all because I wanted to put an effort to this. Ever since naman my dad died, mas naging passion ko na yung pagkanta." Smile is evident to his voice. "Miss ko na nga rin yung dati kong voice coach eh. Nakalimutan na niya ako." Iwas naman si Julie. "Loko lang Julie. Pero, sana nga, if may time ka, try mo ulit na i-coach ako. Effective ka naman eh." May kilig na naramdaman si Julie. Tinago niya lang. "Well, for the 3rd question. Which is yung pinakamahirap sagutin." He grinned. "Don't compare yourself to her. Janella have her own style pagdating sa music. Pero sige, let's give it to you kase birthday mo naman. Mas may swag ka talaga when it comes to rapping. You can easily mirror my ways in rapping kase eh." Tawa niya. "Pero, seriously Julie. Wag mo i-compare. Magkaiba kayo. She's special. And you are too. Magkaiba kayo ng ways of being special to me." She smiled. A bit weak. "You like her?" She asked. Yumuko si Elmo, and answered, "Yes." Julie's in the midst of crying. "Julie di ba may Ben ka na?" A tear fell. Habang nakayuko siya. And then, she nod. "Pero, gusto ko akin ka pa rin." Umiiyak niyang sagot. She's emotional. Maybe, dala na rin ng alak sa katawan niya. "Julie. Look at me." Umangat naman ang ulo niya and faced him. "Hindi kase pwede yun eh. Kung ako, ako lang. Kung siya, siya lang." He gave her a weak smile. "Medyo matagal din akong na-stuck sayo eh. Now that my heart is starting to be happy, ito ka na naman." "Ang unfair lang eh." Dagdag ni Elmo. "Am I the one to blame? Kung hindi ba ako naging ma-pride. Pwedeng sa akin ka pa rin?" Natawa si Elmo. Yung mapakla. "As long as alam kong ako lang Julie. Sapat na yun. Kahit pa naging ma-pride ka, ayos lang. Basta sana ako lang eh." "Alam ko naman that I've hurt you Moe eh. Ito na ba yung price nun? Hindi pala okay sa pakiramdam na makita kang masaya kasama siya. I am seeing myself to her. Yun nga ata yung mas mahirap eh. Kase, madali niya akong mapapalitan." Saad ni Julie. "Miss na miss na kita, Moe." "Mas miss na miss na kita, Julie. If you ever knew." "Sabi mo nga sa song mo, is there any way for you to turn around and come back? It has been years. Sawa na din ako na ganito tayo. Yung parang hindi magkakilala." Elmo smiled at her. Yung may pagmamahal. "It'll be a matter of time, baby." Julie was too focus on him. "Let's give it some time. Iba kase yung nasa puso mo ngayon eh. Iba din yung sinasabi ng utak mo. At lalong iba yung sinasabi ng bibig mo, dahil nakainom ka. You are under the influence of an alcohol. So, let's not trust that, okay?" Tumango-tango si Julie. "Kasalanan ko din naman Julie. Hinayaan ko lang na hindi ka tumawag. Na, hindi ka nakapagpaliwanag. Don't put all the blame on you, okay?" "Wag ka na rin, umiyak. Okay?" Puro pagtango lang ang sagot ni Julie. Kanina, siya itong madaldal. "There will always be Julie and Elmo along the way. Let them find their way back into each other." "Thank you, Elmo." Natawa si Elmo. "Bakit? Anong nakakatawa?" "That was the answer I'm looking for kanina. Hindi yung bwiset ako." Sabay na silang natawa. Masaya sila na at least nakapag-usap sila. Gusto pa rin naman pala nila ang isa't-isa. Mukhang madaming magiging masaya na malaman yon. Kaso, hindi pa nila pwedeng i-share sa lahat. It's complicated. "Julie, you sleep. You look tired." Pupungay-pungay na rin kase ang mata niya. "Sing for me please." They look at each other and smiled. "Just like 2012." Sabay nilang sabi. Ano pa nga bang bagay na kantahin sa situation nila ngayon? Of course. Cold Summer Night. Julie was so happy that finally, she talked to him. And he made her feel in love again. She's starting to close her eyes. And he was happy and satisfied. "I miss you baby. I need you here."









