Naalala ko dati nung graduating pa lang ako sa college, hindi na ako makapaghintay na matapos at maipasa ko lahat ng subjects ko para matapos na ang mga nakakamatay na thesis, projects, assignments at walang katapusang exams. At nang makapagtrabaho na. Kasi alam ko na mas maeenjoy at magugustuhan ko ang pagtatrabaho kesa sa pag-aaral. Ang masaya pa doon ay sumusweldo ka. (Lol mukha talaga akong pera. Jk.)
Pero simula nung nahire ako at naging kabilang sa mga empleyado ng mundong ito, narealized ko na,
“Tangina, ganito pala dito. Mas malala pa sa college. Hindi ka nga gagaguhin ng prof mo sa grades, pero kukupalin ka naman ng mga kasamahan mo sa trabaho.”
Like, HELLO REAL WORLD talaga!
I’m not saying lahat ng mga kasama ko sa work ay ganon. Also, I’m not saying na ako ang nakakaexperience nito. (Well, a little bit lol.) It’s because this is what I’ve observed.
Hello, halos kaka-1 year ko lang. Sa isang taon na pamamalagi ko, marami na kaagad ang nangyari. May masaya, exciting, nakakaiyak at higit sa lahat sobrang nakakastress. Unlike sa college, hindi lahat ng emotions na ito maeexperience mo in a year. It takes 4 to 5 years for you to feel such things.
Well, what I’m saying here is that madumi ang corporate world. It takes a lot of guts and you need to endure everything just to survive. Mapapagod buong pagkatao mo, physically, mentally, and emotionally. Basta, lahat na! And I’m starting to hate it. Oo alam ko, marami nagsasabi ng,
“Nagsisimula ka pa lang, wala pa yan!”
Ayun na nga kinakatakutan ko, nagsisimula pa lang ako. Ang masaklap pa, wala silang pakialam kung pagod, or may pinagdadaanan ka na. Ang importante sa kanila ay maideliver mo ng maayos ang mga dapat mong ipasa bago matapos ang shift mo. You need to man up. You need to be emotionless and do what they are expecting from you.
I know, reality sucks. And I know it’s getting harder everytime I wake up in the morning. Pero I realized that at the end of the day, kapag sumuko ka, ikaw ang talo. Kasi real world problems na talaga siya eh. Hindi lang grades ang kakatakutin mo. Kundi kung paano ka mabubuhay. Syempre sa bansang kinabubuhayan natin hindi madaling hanapin ang pera. Kailangan mag-invest. Tsaka na mag-inarte.
Kahit sabi na ng puso’t isipan mo na,
“Pucha, ayoko na talaga!”
At the end of the day, we need to be practical and just endure all these shit that will come in our way.