Huling Tula
Kulang pa ba ang mga sakit? Nadama mo na ba ang aking pighati? Tingin sa aking mga mata na puno ng luha. Bakit nga ba'y nagkaganito? Tila poot at galit ang aking nadadama. Sapagkat minsa'y ika'y pinagbigyan ulit, ngunit ilang ulit na iyong sinugatan. Nagkulang ba ako sa pagpapakita? O sobra na? kaya ako'y dinurog mo na walang pasabi. Manhid na ang pusong minsan mo'y inamo, wala ng amor pa ang iyong matatamis na salita. Dumating na ang araw na ika'y malaya dahil wala na ang tiwala na tila mong sinasambit. Sa darating na araw na ikaw ay muling magpakita wala na ako makikita kung hindi isang di kilala. Salamat na lang sa iyong mga alaala na puno ng pagkukunwari at pagpapaawa. Ito na ang huling tula na aking maibibigay pasensya ka na at tuluyan ng bibitaw.















