I miss you, Ma...
Isang napakaliit na bagay nagpaalala sakin sayo, dumaan lang saglit sa utak ko. Parang guguho nanaman mundo ko ngayon. Hindi na ako makatulog ulit. Pigil na pigil ako umiyak. Pero tumutulo nang kusa yung luha ko. Ngayon lang ulit ganito. Pagkatapos ng mahabang panahon na wala akong maramdaman. Sobrang sakit, Ma. Pero pigil pa rin. Hindi ko maramdaman nang buo. Parang pinipigilan ng utak ko yung hindi ko kakayanin. Parang alam ng katawan ko kung hanggang saan lang pwede. Tapos bukas, balik nanaman sa manhid. Hanggang kailan ganito? Gusto ko makaramdam nang buo... habang kasama ko yung taong pinaka-mahal ko. Yung kaisa-isang dulot ng kasiyahan ko ngayon. Gusto ko maging buo ulit, Ma. Kahit para sa kanya lang. Tulungan mo ko, Ma. Please.






















