My Life After a Year in America
"Time flies so fast!". Ramdam ko yan since lumipad kami from Pinas to Alaska. Parang kelan lang nung tumapak ako dito sa America at ngayon 1 year na pala ako dito. Medyo nahirapan ako mag adjust since kaming buong pamilya started from scratch as in kamot ulo talaga dahil wala pa kami talagang ka alam-alam kung paano kami mabubuhay dito. Basta ang alam namin yayaman "daw" kami dito according to the Filipino people na nakatira sa mother land. Totoo ba yun? Oo totoo naman may nakalimutan lang silang idagdag, yayaman ka dito sa utang hahaha! Buti na lang 1 year palang kami dito at naagapan pa yung pag "yaman" namin. Pero honestly speaking napaka laki ng chance na guminhawa nang buhay mo dito. Sa tingin ko nga kapag nakarating dito kahit yung mangangalakal lang ng basura sa Pinas giginhawa din dito eh dahil sa sipag at tiyaga na likas sa ating mga Pinoy. So back to my story. Alaska has treated me well in the past year. Bakit kamo? Dahil nag tatrabaho ako ngayon sa PINAKAMALAKING hospital dito as a RN (walang halong yabang with the emphasis of pinakamalaki haha) I'll save the story on how I became a RN in another blog post. Anyway ayun nga napaka laki ng improvement since first day in America to this day! Sobrang daming blessings na dumating sa amin ngayong year pero di naman magiging possible 'to kung hindi dahil kay God kaya ngayong Thanksgiving walang katapusang pasasalamat sa Kanya because in the past 23 years of my existence God is Good all the time, And All the time God is good!








