Memories of my PNLE experience
July 1 last year ang huling araw na pag take ko ng PNLE at sa puntong yon ang gusto ko lang mangyare ay matapos ko na yung exam at makawala na sa pagdurusa na dinaranas ko. Sabi ko sa sarili ko noong mga oras na yon na kakalimutan ko ang mga nangyare sa exam at mag rerelax na lang. Ganun nga ang nangyare wala akong maalala masyado kaya wala din akong maikwentong matino basta may ma-ipost lang. Dapat pala ang title nitong post ay “the lost memories of my PNLE experience"
Kung may naalala man ako siguro yun yung mga sayings and superstitions na pinagsasabi ng mga nag take ng board exam at eto ang iilan sa mga yun;
Superstitions:
1. Baliin ang mga ginamit na pencils pag natapos na sa exam (para daw di na umulit).
2. Sipain ang upuan at bulungan na hindi na babalik (kahit parang kabaliwan na binubulungan ang isang non-living object ginagawa pa din ito ng iba dahil kailangan talagang pumasa)
3.Wag lilingon sa pinanggalingan na room pagtapos ng exam (para daw hindi na din umulit at bumalik, ang pambasag naman ng iba ay "talagang hindi ka na babalik sa room na iyon dahil sa iba ka na mag eexam kung sakaling umulit ka")
4. Mag pa-bless ng mga gagamitin sa exam tulad ng pencil at eraser baka sakaling mag ka power na tumama ang mga sagot at makapasa.
Sayings:
1. 100% <insert school/batch name here> (eto ang isa sa mga pabiritong sinasabi ng mga takers lalo na before exam, shempre naman pag nangyare ito wala nang kaba factor dahil alam mo na pasado ka na pero pag hindi ganun ang nangyare, i’m sure di na mapapakali ang isang taker kahit 99% pa yan at hindi titigil sa pag search sa net kahit gaano pa kabagal malaman lang na hindi siya ang 1% na yon).
2. Ang hirap ng NP ___ (Bibihira lang ang mga taong nadadalian sa lahat ng NP, palaging merong area na talgang mafifeel mo na tagilid ka at mapapapasabi ka na ang hirap)
3. To God be the glory! ( Madalas din sabihin eto pag pasado na! Eto ang maganda sa mga PNLE takers hindi nakakalimot sa Itaas. Kadalasan pa nga hindi na maexplain nung iba kung paano sila nakapasa. Matinding divine intervention nalang talaga siguro ang ginawa ni God).
So ayan marami pang superstitious beliefs at sayings ang mga exam takers di ko na lang talaga maalala yung iba. Ang sarap lang alalahanin na nalagpasan ko yung hirap na yun last year at naging maganda ang kinahinatnan ng pag pasa ko dahil nagamit ko ito para makapag serve dito sa bayan natin kahit sa kaunting panahon lamang..














