Repleksyon sa mga dinaanang proseso sa Pag-aaral ng Panitikang Filipino
Ang aking naging repleksyon sa mga dinaanang proseso ng pag-aaral ng Panitikang Filipino sa buong semestre kahit na ipinagbabawal ang face to face classes sa bawat paaralan dito sa Pilipinas dulot ng pandemyang dala ng COVID-19. Pero bagama’t patuloy itong nagpapahirap sa mga Pilipino lalong lalo na sa mga mag-aaral ay nagkaroon ng mga online classes. Sa pag-aaral ng Panitikang Filipino ay marami pa rin akong natutunan gaya na lamang ng iba’t ibang disiplina sa pagbabasa, mga proseso sa pagbabasa, mga paraan ng pagpapahayag, mga iba’t ibang uri ng pagsusulat at maging ang pagsusulat ng mga sanaysay, pagsusuri at maikling kwento.
Natutunan ko rin ang mga batayan sa pananaliksik kung ano ang kahalagahan nito. Akin ring napagtanto na talagang higit na kailangan ng bawat isang Pilipino ang pag-aaral sa panitikan ng Pilipinas. Bukod sa ito ay nagpapakita ng likas na yamang intelektwal ng isang bansa ay masasalamin din ang kagandahan ng kultura ng Pilipinas mula primitibo hanggang sa ito ay lubos na lumago at makasabay sa makabagong panahon. Bukod tangi sa lahat ay ang pag-gawa naming ng isang maikling kwento na talagang sumubok sa amin upang mailabas ang aming mga kakayahan sa pagsusulat at upang mapakita na rin ang aming natutunan sa buong semestre.
Sa tulong ng “blog” na ipinagawa sa amin ng aming propesor ay naihayag namin ng buong puso at katalinuhan ang aming mga pagsusuri at sanaysay tungkol sa mga Panitikan ng Pilipinas. At sa tulong ng mga akdang ipinabasa sa amin ay marami rin akong natutunan na mga aral tungkol sa Panitikan ng Pilipinas.












