“Ang Buhay”
Ako nga pala si Vradly, 17 years old, oo bata pa ako pero may mga naranasan at natutunan na din ako sa 17 years kong buhay dito sa mundo at sana madagdagan pa ang mga ito :). Gusto ko lang i share baka sakaling makatulong ako :D Ano ba talaga ang ibig sabihin ng buhay?, bakit tayo nabubuhay? ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit tayo binigyang ng buhay? Bakit kailangan nating makaranas ng mga pagsubok,hirap,sakit o kahit ano na nakapagbibigay lungkot sa ating damdamin, ung mga bagay na nagiging dahilan kung bakit tayo nag dadalawang isip at kung ano ano ang tinatanong natin tungkol sa ating buhay. Minsan kasi sa sobrang lungkot at sakit na nadanas o dinaranas natin sa buhay, natatanong natin sa sarili natin o SIYA(si God) kung bakit kailangan natin tong maranasan, kung bakit kailangan nating masaktan, kung bakit hindi natatapos ang mga problema, kung bakit ka niya binigyan ng mga pagsubok na sa sobrang hirap na tanging pagsuko na lang ang naiisip mong gawin. Minsan nga masasabi mo na lang, "bakit mo pa ako binigyan ng buhay kung ganito lang din naman mararanasan ko" Hindi ibig sabihin ayaw mong makaranas ng hirap at lungkot, nasasabi mo yan dahil hindi mo na talaga kaya ang mga bagay bagay. Tingnan naman natin ang mga bagay na nakapagpapasaya satin kahit na hirap na hirap na tayo. Yung pamilya mo na handang makinig at laging nandiyan para sayo, yung mga tunay na kayibgan mong parang pamilya na ang turingan, yung aso mo na laging sasalubong sayo sa pag uwi mo, yung girlfriend mo na kahit abnormal napapasaya ka o boyfriend na sobrang mapagmahal, yung mga mahal mo sa buhay. Oo talagang mahihirapan tayo, masasaktan, malulungkot, at kung ano pang negatibo na mararanasan natin sa buhay, pero hindi na dapat binibilang kung ilang beses ka nalungkot, nasaktan, o ano, dahil ang mahalaga.. ay ung mga bagay na nakakapagpasaya sayo na nakakapagpalimot sayo ng mga problema at lungkot na nararanasan mo. Lahat tayo nakakaranas ng hirap sa buhay, hindi porke't mayaman ka ay wala ka ng problema, hindi porke't mahirap ka e puro problema na. Wag ka mag iisip ng negatibo, may problema ka na nga mag iisip ka pa ng negatibo, wag ganon, lalo ka lang matatalo ng mga problema mo, mag isip ka ng positibo at wag kang susuko, problema lang yan, hindi ka bibigyan ni God ng problema kung alam niyang hindi mo kaya, kumapit ka lang sakanya, maniwala ka sakanya, wag na wag kang magdadalawang isip sa kakayahan nya, dahil minsan kapag walang wala na tayo, siya lang ang nandiyan para sayo. Kung patuloy kang mag iisip ng negatibo sa buhay, hindi ka makakaraos sa kung ano ang sitwasyon mo ngayon, wag kang magpapatalo, nasa saiyo yan, kung pano mo ihahandle ung problema, kaya wag mong isipin na hindi mo na kaya. Tayo ang may hawak sa buhay natin. Nasasaatin kung paano tayo mabubuhay sa buhay na pinahiram saatin. Wag mo ng isipin ung nakaraan, wag kang mag alala sa kung anung mangyayari kinabukasan, isipin mo yung ngayon dahil yung ngayon yung mahalaga, yung ngayon yung kung ano ka dahil sa nakaraan mo, at yung ngayon yung bubuo sa kinabukasan mo. Oo nandyan ung mga problema, sakit, lungkot. Hindi naman mawawala yan e, sa totoo lang.. yan pa ang nag papalakas sa atin, yan ang nakakatulong sa atin sa kinabukasan. Kung naiisip mong hindi mo na talaga kaya, kumapit ka lang kay Lord, hindi ka niya pababayaan.














