Yung binili ko lang ng sapatos yung sweldo ko hahaha pero tagal naman na nung huling bili ko. 2019 pa ata yun kaya deserve ko naman saka para may remembrance na ako sa bagong work ko. Akala ko nga nagbago na ako pero wala e. Trip ko talaga mga sapatos kaya kahit di ko naman kaya suotin ng sabay sabay mga sapatos ko e okay lang. Bibili pa din ako kaya lang ngayon medyo hinay hinay na dahil mas mahirap kitain ang pera ngayon. Siguro next year na ako ulit bibili or kapag sobrang kailangan lang.
Naalala ko tuloy nung bata pa ako, hindi ako ibibili ni mama ng sapatos hanggang di pa sira. Isang black shoes at isang rubber shoes lang talaga sapatos ko noon. Swerte na kapag nagkaabot na dalawa rubber shoes ko. Lagi kasing kontra si mama kapag nagtatanong si daddy kung anong gusto kong kulay ng sapatos kapag malapit na umuwi si daddy. OFW kasi sya before saka alam naman natin ang tradition, sapatos lagi pasalubong sa anak. Saka kahit naman dati mahal talaga sapatos. Sa sobrang wais ni Mama e di sya papayag na bumili ng bumili ng sapatos tapos di naman nagagamit.
Kaya dati masaya na tayo sa isang bagong sapatos kapalit ng lumang sapatos na ilang taon din nating nagamit. Wala pa din sa atin noon yung dapat swak yung kulay ng sapatos natin sa suot natin kaya ayos lang kung isang pares lang meron tayo. Pero ngayon, hindi pa man sira yung sapatos natin e bibili na ulit kasi sale or gusto lang natin yung kulay or design. Kaya di natin mapansin ang dami ng sapatos na minsan nga di na nagagamit. Sa iba syempre sayang yun pero siguro kapag sobrang trip mo yung binibili mo e di ka manghihinayang lalo na kung masaya ka naman sa tuwing suot mo mga sapatos mo na galing sa pera na pinaghirapan mo.