REALIDAD SA PAGBIBIGAY TIWALA
Β Β Β Β Ako ay nasiyahan sa aming debate na nangyari ngayong araw lamang. Ang aming tinalakay ay patungkol sa TIWALA kung dapat ka bang magbigay nito o hindi. Marami akong nadinig na opinyon tungkol dito, maraming nagsasabing HINDI dahil hindi nga daw talaga mapagkakatiwalaan ang tao, sasaktan ka lamang nito kung magbibigay ka ng tiwala sa kanya ngunit marami ring nagsasabing OO, dahil nga sa lahat ng aspeto ng buhay lalong lalo na sa pag-ibig ay may kakambal itong TIWALA.
Β Β Β Ngayon ay sasabihin ko sainyo ang REALIDAD o ang katotohanan sa ating tiwala sa ibaβt-ibang tao. Maraming nagsasabi na HINDI daw dapat magbigay ng TIWALA sa kapwa dahil kahit ang sarili mong kapatid ay kaya kang traydorin. Bakit nga ba nila ito nasabi?Β
Β Β Β a. Tayo ay takot lang masaktan kaya nasasabi nating wag mag tiwala.
Β Β Β b. Nabigay natin sa maling tao ang ating tiwala.
Β Β Β Ito ay mga katotohanan o ang realidad sa pagbibigay natin ng TIWALA. Kung sasabihin mong na traydor ka na minsan at ayaw mo nang masaktan pa kaya ayaw mo ring magbigay ng tiwala, lagi nating tatandaan na ang paglipas ng panahon ay siyang unti-unting magpapahilom ng ating mga sugat at unti-unti ring magpapabalik saating tiwala.
Β Β Sa oras na ito isipin mo, kung walang tiwala na nagpapatakbo sa inyong relasyon bilang magpamilya, magkaibigan o magkasintahan, kayo lamang ay nagplaplastikan at mas masasaktan niyo ang isaβt-isa dahil dito. Nakikita niyo ba ang aking punto? At wag nating sabihin na wag mag tiwala dahil ikaw ay takot lamang masaktan, yan ang dahilan.Β
Β Β Tayong lahat ay may tiwala sa isaβt-isa, magbigay lamang ng sapat wag sobra.




















