Saludo ako sa mga taong kayang mag sakripisyo para sa taong mahal nila, kahit na minsan malupit ang tadhana, hindi ka mahal ng taong mahal mo, ginagawa mo pa rin ang lahat mapansin ka lang niya, maiparamdam mo lang sakanya na mahal na mahal mo siya at importante siya sayo. Kahit na minsan alam mo na may mahal siyang iba, at hindi ikaw yun.
Minsan hindi na natin iniisip yung sasabihin ng iba, mga tipo sasabihin nila " ahh yang si ... tanga yan eh, hindi na nga siya mahal pinipilit pa rin sarili niya. Hindi nga siya mahal. Hindi sila ganun kahina para isuko yung taong mahal nila. Naging tanga man yan minsan natuto din yan sa huli, Nag mahal lang naman sila ng totoo. Wala sila pag sisihan dahil ginawa naman nila ang lahat para sa taong mahal nila...Â














