Naglilinis ako ng Notes sa phone nang makita ko ‘tong listahan ng job platforms na ginawa ko nung 2017. Wala pa akong idea masyado sa online jobs non? basta ang nasa isip ko lang kumita ng pera kahit nasa bahay lang para kahit papano may extra income kami ni JC. Baby pa si Luna non, wala pa siyang isang taon. Tapos ako, walang trabaho. I had to resign nung 2months old pa lang siya. Stay-at-home nanay ako for almost 2yrs.
Ayaw ko namang maging burden sa parents ko kaya wala sa option na dun kami magstay. Feeling ko non hurt pa si Mama. Panganay kasi ako eh tapos maaga akong nag-asawa. Parang may disappointment pa rin that time, so…
Dun kami sa side ni JC. Partly ayaw ko ron, pero dahil bata pa kami, pumayag ako sa setup since si JC lang may work at kelangan talaga namin ng support. Magkano lang sahod ni JC tuwing cutoff kaya need talaga namin ng support. Harot pa more! Hahahahahaha
Kaya nung mahiram ko yung laptop ng kapatid ko, naisip kong maghanap ng trabaho online. Para naman maramdaman ko na may iba akong silbi bukod sa pag-aalaga ng anak ko at sa pagdidisplay ng ganda ko sa maghapon. Hahahaha. Tsarot. Hindi siya naging madali lalo na’t nasa inlaws ako. Kahit mababait sila, sobrang ingat pa rin ako sa mga galawan ko. Hahaha. Na para bang??? Basta, nakakaconscious talaga. Hahahahaha.
Balik sa online jobs… hindi ko pa alam ang magwork remotely. Di pa kasi siya ganon kacommon that time? Meron, pero hindi kagaya ngayon. Tsaka more on ESL opportunities nakikita ko. Limited din ang oras ko to explore kaya hindi rin talaga ako nakahanap ng maayos na remote job. Medyo blur na pero alam ko nag-apply ako as a writer something tapos ilang articles muna pinagawa sa akin bago ako tanggapin. Ending wala akong napala. Buset. Pinaghirapan ko yung 10 articles tungkol sa mga random na appliances na wala naman akong alam pano gamitin hahahahahahaha. Pero okay lang, at least napractice ko naman yung technical writing kahit least fave ko talaga yan nung nag-aaral pa ako.
May nakuha naman akong part time nung huli, sa brainly. Nahirapan din ako makaquota dahil nga sa oras ko. Sa hapon lang ako nakakasingit ng work non, o kaya pati sa gabi pag dayoff si JC. Medyo natawa ako na natuwa sa naipon kong income. Hindi man lang umabot ng 3k! Hahahahaa. Pero na-proud ako sa sarili ko non kasi may nagkapera ako.
Ilang buwan lang yung naging quest ko sa paghanap ng remote job. Isa yon sa dahilan bakit ako nafrustrate at ngumawa kay JC na iuwi na kami sa nanay ko. Hahaha! Bahala na kung masama pa loob ni Mama sa akin, alam ko namang mahal na mahal niya apo niya kaya di niya kami matitiis. Paano, gusto nganing magwork kaso parang wala kong sariling oras sa inlaws ko. Tsaka wala yung encouragement na bumukod kami? Walang ganon. Hahaha. Gusto ng nanay ni JC na sama-sama mga anak niya sa iisang bahay. Tsaka parang disappointed siya nung nagsabi ako na gusto ko nang magwork ulit. O ako lang siguro nagbigay meaning. Wahahahaha. Pero kasi sabi niya kawawa naman daw apo niya. Palakihin daw muna namin si Luna. Ayy. Ayoko ng ganyan! Tsarrr. LHahahahahaha! Gets ko naman si Nanay, pero we need the push para maging independent kami ni JC. Kaya naisip kong mas okay pag sa parents ko kami tumira. At least don maririndi ako sa nanay ko kakasulsol sa akin na dapat ibukod na kami ni JC, na very true naman! From there, sunod sunod na yon.
Lumipat na kami ng Dasma, may iba na akong inatupag. Nagtry na ulit ako mag-apply apply without worrying kung may magbabantay ba sa anak namin. Hindi ko na nabalikan yung sideline ko na yon. Hehehe. Di ko rin naisip na mas okay siguro kung nag-explore pa ko online. Well, no regrets naman. Marami rin akong natutunan sa mga sumunod kong trabaho sa corporate eh so okay pa rin. Win pa rin.
Ang goal ko non ay makatrabaho sa HR or maging school guidance counselor. Yupppp, yun talaga stream ko nung college. Hahahaha. So ayun nga ang goal. Pinalad naman ako makapasok as HR assistant sa isang private company, then lumipat ako sa pagcor that same year. Naakusahan pa ako ng HR sup namin na “user” kasi ginawa ko lang daw stepping stone yung company para makapasok sa pagcor. Luh? Hahahaha! Na para bang siya yung may-ari? Di nga nagtampo si Injap Sia sa ‘kin, tapos si maem g na g sa pag-alis ko?
Ayyy nalalayo na ko sa kwento ko hahahahahaha
Naka-6 years din ako sa huli kong trabaho. Wala lang talagang growth don. Puro stress. Hahaha. Nabawasan lang yon nung nalipat ako ng division. At dahil nawala ang mga toxic na boss, nabuntis ako. Ganon pala yon. Hahahahahahahaha. 5yrs akong nastress kaya pala di makabuo buo ng kapatid for Luna. Pero yun na rin yung naging ending ng career ko sa corporate. Hindi naman siya negative for me. Actually, yung pregnancy ko yung naging reminder to slow down. Kaya happy ako sa naging desisyon ko na iwan na ang minsan naging greatest goal ko. Natupad ko naman eh, di nga lang ako naging officer pero naexperience ko makaupo sa L-shape na table as acting Asst. HRO. Hahaha. Damot sa promo eh, palaging acting. Best actress na ko hanggang sa nagresign.
Wala akong clear plan that time. Nung una kasi confident ako na makakabalik ako sa work. Pero nung palapit na nang palapit matapos ang ML ko, napapaisip ako kung kaya ko ba. Kaya ko ba talaga iwan si Nami? Tapos wala kaming mahanap na helper. Kaya tinanggap ko nang maging stay-at-home na ulit. Okay na rin naman ako sa set-up namin. Hindi na ako ngangawa para lang makauwi sa mama ko dahil may sarili na kaming bahay. Tsaka wfh si JC, so technically, may kasama pa rin ako taking care of our kids.
Naisip ko ring mag-wfh pero hindi pa sana agad. Kako siguro pag magschool na si Nami, ganern! Hahahahha. Kaso yung friend ko eh sinabihan akong magtry sa company nila. Si try naman ako, sabi niya kasi may chill days naman. Kaya ayun, nagsend ako ng resume at nagpainterview. Hehehe.
Ito na ako ngayon. Isa’t kalahating taon nang wfh. Di ko akalain na mabibigyan ako ng 2nd chance for this kind of work setup. Di na nga lang sa human resource ang trabaho ko pero okay na rin kesa wala. Sa lala ng Pinas ngayon, di na rin talaga ubra ang single income household.
Different path man itong tinatahak ko, I’m still learning a lot kahit lot din ang pagod ko. Haha! Saludo talaga ko sa mga accounting people! Dati katransact ko lang sila for payroll, ngayon kabilang na ako sa kanila. Shet. Hahaha.
Okay, yun lang. Napareminisce lang ako ng naging journey ko to work from home. Hindi ako sure kung existing pa yung mga online platforms na nilista ko for remote jobs. Yung Upwork na lang knows ko dyan. Baka yung iba nagpalit na ng name? Dunno. Not sure. Hehehe.
Grabe yung pagreminisce, pwede nang sumulat sa MMK!