10% Math, 20% English, 70% Analysis – yan para sa akin ang Accounting. Habang tumatagal mas humirap, kaya naman dapat pag first year ka pa lang e pilitin mo na maging DL dahil pagdating ng 3rd Year e matutuwa ka na basta umabot lang ng retention grade yung nakuha mo. (ganyan ako ee. hehe.)
Kulang sa tulog, walang time manood ng TV o gumala man, madalas nasa library, madaming dalang handouts o books, ilan lang yan sa mga nararanasan natin lalo na ng mga 3rd Year to 5th Year. Sa dami kasi ng babasahin na rules sa PAS, Law, Tax, at dami ng formula ng MAS at Advance at Cost Accounting, e talaga naman magkukulang ang 24 hours, natatandaan ko pa na ilang beses ako nagstatus at nag GM ng tungkol sa kulang ang oras ng isang araw lalo kapag hindi ka naman ganun kasipag at ang dali mo madala sa mga tukso tulad ng computer at barkada.
Basic Accounting – simula ng lahat, pag to ang subject mo. Pwede mo pa masabi na napilitan ka lang magtake ng accountancy. Madali lang naman siya pero dahil first timer mo e malilito ka talaga lalo sa Adjusting Entries.
Partnership and Corporation – Isa ito sa madaling part ng accounting dahil mabilis mo lang talaga maiintindihan ang mga principles.
Financial Accounting 1 – Eto na ang simula ng hirap, mahirap intindihin yung ibang topics lalo yung Bank Reconciliation at Investments. Valix yung book naming gamit ditto pero meron ding Robles na textbook at Practical Accounting 1 naman yung reviewer na gamit.
Financial Accounting 2 – Nakakalito yung liabilities at isa din ito sa di ko talaga natuunan ng pansin noon, yung Employee Benefits, Share-Based, at kung ano-ano pa. Tulad ng FinAcc 2. Valix at P1 ang reviewer.
Financial Accounting 3 – Para sakin ito ang pinakamadali sa lahat ng FinAcc. At pag andito ka na hindi mo na masasabi na napilitan ka lang mag accountancy dahil ginusto mo na din yan kahit hindi mo pa alam. SME yung bagong topic at noong tinake ko dati yan ay wala pa.
Advance Accounting 1 & 2 – Pahirap sa buhay talaga ang Consolidation of FS at masasabi ko na sinukuan ko na yung iba dyan dahil ang hirap talaga at sobrang nakakalito. Mahirap din ang Installment Sales, pero yung ibang topics ay medyo madali naman na.
Cost Accounting 1 & 2 – Procedural lang naman siya although nakakalito lalo yung Cost Part 2. Di ko alam kung di lang talaga masyado naituro ng prof ko o nahirapan talaga ko. Isa ito sa mga hindi na nauulit pa na aralin ulit dahil di na nagagamit masyado sa higher accounting.
Management Advisory Services 1 & 2 – Madali lang naman siya dahil procedural at formula lang din naman, dapat magaling ka maglaro ng formulas at masipag magsolve ng problems dahil ang dami pwede ibigay, sari-sari yung kwento at procedure ng pagsosolve. Standard Costing yung pinaka-ayaw ko dahil nalilito na ko sa mga variances.
Auditing Theory – Isa ito sa pinakagusto ko dahil marahil gusto ko maging auditor. Mahilig ka dapat magbasa at mahaba ang pasensya sa dami ng babasahin. Pero isa ito talaga sa mga na-enjoy ko. Basa at basa lang naman talaga at dapat syempre ay maretain sa utak.
Auditing Problems – Yan ang pinakamahirap na subject sa lahat. Pinagsama-samang FinAcc 1 – 3 na baligtad. Bakit baliktad? Kasi mali ang mga binibigay na problems at kailangan mo malaman ang mali. Bakit mahirap? Dahil para malaman mo na mali yun ay dapat syempre alam mo ang tama. Sa dami ng Accounts dapat alam mo kung ano ang dapat gawin sa bawat isa para malaman mo na mali pala yung treatment ng account nay un sa problem na given.
Integrative Accounting – mula simula ay rereviewhin mo ulit. Pagsasama samahin mo na lahat ng nalalaman mo mula nung first year ka, palaliman talaga ng stock knowledge at syempre sa mga panahon na yan lahat ng pagkakamali na ginawa mo nung lower accounting ka ay dapat alam mo ng itama ngayon. Dapat sanay ka na sa mga mga problems. At itong subject na to talaga ang uubos ng oras mo at kukuha ng lahat ng atensyon mo.
Law and Tax – Masarap aralin ang mga yan dahil magagamit mo sa pang-araw araw na buhay. Puro rules at basa. Sa tax medyo mahirap ang Estate Tax at Income Taxation. Sa Law naman, nakakalito talaga, dahil kung minsan halos lahat ng choices sa exams ay parang tama lalo pag situational.
Practical Accounting 1: Valix, Uberita, Robles
Practical Accounting 2: Dayag, Punzalan, Guerrero, Foreign Books
Theory of Accounts: Valix
Auditing Theory: Roque, Salosagcol, Hermosilla, Foreign Books
Auditing Problems: Ocampo, Roque, Cabrerra
Management Advisory Sevices: Cabrerra, Roque, Agamata
Business Law: Suarez, Soriano