By Jorge Melwin H. Samonte
Ang bilis ng panahon kailan lang hindi tayo mag kakilala
Ka'y tagal ko tong hinintay at hiniling buti nalang ang panahon ay nakisama
Ang daming nawala sakin ngunit ngayon alam ko na
Ang lakas mo pala kay bathala at pinag lapit tayong dalawa
Ikaw nalang ang kulang buti dumating ka
Dating buhay ko ay punong puno ng pait buti tumamis na
Ngunit ngayo'y nag karoon nang sigla
Tila wala ng katapusan ang pag tibok ng puso ko sayo
Lagi sinasambit ang pangalan mo
Laging sinasabi na huwag ka ng lumayo
andito lang ako mahal umaraw man o bumagyo
Sa tuwing lalabas ang mga luha hayaan mong ako ang sumalo
Kahit saan ka pa pumunta asahan mong naroon ako
Wag kang mag alala dahil ito ay aking ginusto
Ako'y mag sisilbing pahinga sa tuwing magulo na ang mundo mo
Handa ko sila banggain sa mga nag babalak bumangga
Ako'y magiging kawal mo at magiging panangga
Aalisin ko lahat ng pasakit mahal huwag kang mangamba
Dahil Kasing lalim ng patalim ang samahan nating dalawa
Marami pa tayong lalakaran, marami pang pag mamasdan
Ilang halimaw pa ang makakasalamuha natin sa daan
Sakin kalang kumapit kahit maraming balakid
Sayo lang ako maaakit, araw araw handa akong umawit
Handa kita puntahan kahit ikaw ay malayo
Handa kita alalayan kahit paningin mo ay lumabo
Pag tayo ay nag kita isasakay kita sa puting kabayo
Tayo ay mag lalakbay papunta sa ating palasyo.