Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya dahil sa pinag-uusapan namin dito sa stasyon namin. Bago dumating si Ian, wala na kami pinag-usapan kundi babastos na topic (sorry guys, open minded ako sa ganun kaya okay lang sakin). Akala ko matatapos na pag dumating si Ian. Aba to be continue pala ‘tong topic na ‘to! Another laughtrip tuloy kami dito. Tapos sakin pa sila nagtatanong ng mga bastos na tagalog. HAHAHAHA! Kakaiba din ‘tong mga ‘to e XD.
Buti nalang talaga nirecruite ako dito ng friend ko. Kasi ramdam ko na para sakin talaga ‘tong trabaho na ‘to. Really blessed to have this kind of job with funny, kind, and caring team mates (uulitin ko po, hindi call center ang work ko). Thank you Lord for the opportunity! Kahit minsan tamad tamad ako, nakikita nyo naman po na nagttrabaho ako ng mabuti di ba? Sana maging regular ako dito sa work na ‘to. Birthday gift nyo na po sakin yun kung sakali Lord. Tapos mapapag sabay ko na din ang work ko sa studies ko. Gusto ko na talaga tapusin! Kung hindi lang dahil sa nakaraan ko, tapos na ako last year pa.. Kung ano man ang dahilan bakit hindi ko natapos, hindi ko muna sasabihin. Basta malala ang nangyare nun kaya hindi ko natapos yung natitira kong subjects. Kung alam nyo lang kung gaano ako umiyak ng umiyak dahil hindi ako pinag bigyan! Pero minsan kasi bwiset din mga prof e. Alam naman dahilan ibabagsak ka pa din. Bwiset. Leche. Bitter ako. Pero gusto ko na talaga tapusin.. Kaya sana maging regular ako dito.. Yun lang talaga.