Pagkukumpara
Minsan kahit sabihin pa natin na "Ahh oo, mahal ako niyan, lahat ginagawa niya para mapasaya ako" e hindi pa rin nawawala sa isip natin ang magkumpara lalo na kung mga kaibigan na niya ang pinag-uusapan. Minsan kasi, parang nagbabase nalang din talaga sila kung gaano sila katagal nagsama. Sige, nandun na tayo sa umulan, umaraw, may pera o wala, e nakakasama mo sila. Lagi mo silang napupuntahan anumang oras na gustuhin mo basta pwede sila. Na kapag niyaya ka e hindi ka pwedeng tumanggi. Pero sana minsan maisip mo rin na may isang tao na halos ibigay na yung buong oras niya sa'yo para lang makasama ka. Pero madalas ay tinatanggihan mo siya dahil na rin kumplikado sa lakad niyong magbabarkada. Na hindi ka pwede ng ganitong petsa dahil may lakad kayo. Na hindi ka pwede sa ganitong oras dahil may gagawin kayo.
Ee anak ng pucha. Sila nalang sana ginawa mong jowa.












