Sana dumami 'yung sports facilities dito nang mabigyan naman ng ibang pagkakaabalahan 'yung mga tao lalo na 'yung mga bata. 'Di ko alam paano ieexecute pero ang idea lang ay sa physical activities tulad ng sports gamitin ng mga bata o ibang matanda ang free time nila. Sana hindi lang basketball kundi may variety ng pwedeng atupagin, idiscover at pagkaabalahan.
Sana maging maayos 'yung mga daanan ng tao, huwag naman sanang gawing tindahan. Basta dami kasing isyu bakit nagkaganito 'di ba, pero tingin ko lang 'di naman likas na tamad 'yung mga tao, wala lang masyadong option. Cellphone, internet, tv lang ang accessible na libangan...