Nakita ko yung pictures ko nung slim bod days ko! HAHAHAHA andami ko kasing ganap nung HS and College days. Mahaba habang kwentuhan to since wala naman akong pasok sa work mamaya.
Nung HS ako nahilig ako magskate kasi nagstart yon sa gusto ko matuto mag wave board since uso yun noon kaso wala eh di ako matutotuto kaya skateboard nalang dun ako madalas magka sprain. After 6mos sguro na amaze naman ako sa free running/parkour! Amaze na amaze ako sa mga nagagawa nila kaya triny ko din at hilig ko naman tumakbo. Not to brag err nything buuut isa ako sa pinakamabilis tumakbo sa street namen kahit walang tsinelas g lang! Oo batang kalsada ako noon HAHAHA yung tipong magbabasketball nakahubad tapos nakapaa lang HAHAHAHA hilig mag bente uno, bombsak, at mataya taya. Anyway gettin back... Triny ko magparkour kaso sa lugar namen wala akong kilala na hilig magparkour with proper attire na syempre mamaya pagkamalan akong magnanakaw eh HAHAHA so ayun takbo at talon sa mga edges or bars na pwede pagtalunan. Ansarap sa feeling tumakbo promise freedom! Nakakita ko sa FB na hilig din ang free running hanggang sa pumunta ko sa mga laro and trainings nila pero hindi naman ako active and madalas non eh nagsasarili lang ako kasi nahihiya ako HAHAHAHAHA and then my bespren introduce me to frisbee naman hanggang sa nagustuhan ko din maglaro ng frisbee at napabili ako ng sarili kong frisbee tapos kasi medyo similar sila ng american rugby pero frisbee naman yung itotoss mo. Hanggang sa ginabi gabi ko maglaro ng frisbee. Usually after class or gabi to madaling araw ako naglalaro as long na hindi pa ubos gatorade ko and hindi pa sarado yung park na pinaglalaruan ko HAHAHAHA pag magisa lang akong nagwoworkout sometimes may mga random strangers na nakikipaglaro tapos mag iinvite makipaglaro sa kanila most of them plays in BGC kaya minsan dumadayo din ako sa BGC para lang magpapawis. 20-30mins din byahe ko from 30th at helipad sa BGC ah! Makapaglaro lang willing dumayo ganun ko kagusto yung frisbee. Maganda din kasi community noon ewan ko lang ngayon kasi hindi na ako active and idk kung may naglalaro pa sa BGC since di na ako nakakadayo dun since I started going to College.
HS Days puro physical activities pero nung nag college na ako nagiba na hindi na healthy lifestyle ko. Busy na kasi sa acads and requirements. Hanggang sa nakakilala ng mga mahilig mag inom, sa nightlife. Ayun pag may free time dun na napupunta oras ko. Nagbalak ngapala ako sumali ng pep squad since hilig ko naman sumayaw din since HS. Wao diba? HAHAHAHA kaso di ako marunong mag front/backflip and split kaya sa Drummers/Drum Line nalang ako sumali. Yung pumapalo ng drums kada may laban mga varsity players yung mga taga hype taga basag ng eardrums niyo kung malapit kayo samin yung mga maskulado bukod sa mga varsity players! Oo kame yon! Wow proud no HAHAHAHAHA Sumali ako hanggang sa natanggap ako sa pagiging basser. Nakakaproud lang magcheer and magrepresent ng university mo sa MOA Arena and SJA. Sarap pa ng perks kasi auto excuse sa class lalo na pag mabait prof auto pass kahit may quiz HAHAHAHA tska unli gatorade at may pa free lunch tapos exempted sa pag suot ng uniform. HAHAHAHA So yun na yung workout ko nung college ako. usually after class may training kame talagang hindi dadaan yung week na walang sasakit sa katawan ko. Ang pain killer? Alak! Joke after training foodtrip para balik taba HAHAHAHA tapos usually gabi natatapos training pero akala mo tapos na kasi rush hour per hindi. No choice kung hindi ako sasabit sa jeep hindi ako makakauwi ng maaga. So masakit na nga katawan ko nagagawa ko pang sumabit sa jeep HAHAHAHA yun talaga struggles ko nung college ako hindi yung acads HAHAHA! Uso naman na grab/angkas pero nauubos kasi sa pagkain pera ko after training. Kaya tiis lagi sa jeep or uv. Kaya ko nasabi na hindi healthy kasi hindi naman ako madalas nagwoworkout not like nung HS gabi gabi. 3-4times a week lang yung training namen at laging HIT.
Ngayon na graduate na ako sa college life and living on my own na. Ang routine ko is work, tulog, repeat. Kung may free time man igagala ko nalang tapos di mawawala yung unli foods HAHAHAHA! Ganun ka stress siz kaya eto pansin ko yung lapad ko alarming na. Hindi na ako happy sa looks ko. Kaya ngayon sinusubukan ko na mag diet talaga and soon sana makapag gym na uli. Naghahanap pa ako ng medyo maaliwalas na gym eh nakakatakot kasi maghawak ng equipments lalo na may virus pa. Kaya ngayon workout ko sa loob ng bahay muna.
So ayun lang. Sorry kung magulo ako magkwento. Tara balik alindog mga mamsh&sir! Ayaw ko na ng tito/daddy bod. Healthy lifestyle this 2021? Yes ayusin na natin mga desisyon natin sa buhay. 🙂 G!














