At the foot of Mt San Miguel .. Something's wrong with this picture .. Can you point it out please? .. #sisiman #gnpowerplant #notocoal #tsimineya #notocoalenergy #naturedestroyer (at Sisiman, Bataan, Philippines)
seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Australia
seen from Moldova

seen from United States

seen from Germany

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from South Africa
At the foot of Mt San Miguel .. Something's wrong with this picture .. Can you point it out please? .. #sisiman #gnpowerplant #notocoal #tsimineya #notocoalenergy #naturedestroyer (at Sisiman, Bataan, Philippines)

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Ang mga Munting pangarap ni Romeo.
"Tsimineya..... Tsimineya...... naglilinis ng Tsimineya".
Pamilyar ba? parang narinig mo na kung saan? Pinag-iisipan mo ba kung may nakasalubong kang batang paslit na imbes na manghingi ng dos ay iyan ang sinabi? naalok ka na ba ng ganyang serbisyo sa bahay niyong walang bubong?
Andami kong tanong. Pero eto na naman ako. Handa na namang magbatang isip at bumalik sa panahon kung saan sarap na sarap ako sa ice cream na "cyclone" kung tawagin at sa mga cotton candies na bumulok sa ngipin ko. Libre magbasa. tara sama ka.
"naglilinis ng tsimineya". Yan ang trabaho nina ROMEO (hindi sa Romeo and Juliet) at ALFRED, at ang ITIM NA MAGKAKAPATID ( Ang grupo nila Romeo). Well isa itong epic na alaala na nakarehistro sa utak ko hanggang ngayon ( kung binabasa mo pa rin, baka pati sayo). Limang taon o anim pa lang ata ako nang mapanuod ko ito. Natututo pa lang akong makipag laro ng sumpitan ng munggo. At balik tayo sa kwento, si Romeo ay (hindi ko na masiyadong maalala) pero inampon siya ng tiyahin niya, subalit laging pinagmamalupitan. Best Friend niya si Alfred, at kapag naghihiwalay sila ay magtatawagan pa sa pangalan, titingin sa isa't-isa at itatapat ang saradong kamao sa puso at tatango. Ginagawa namin dati ng pinsan ko yan. Naaalala ko na may karakter na Anghelita, siya yung may sakit sa puso na anak nung tita ni Romeo, na naging kaibigan niya at siya lang ang nakakapagpatawa. Yung kapatid ni Anghelita yun yung kontrabidang jejemon na binatilyong bisaya. May kasamang grupo ng masasamang batang mahilig mambully yung kuya ni Anghelita na kaaway ng itim na magkakapatid. May eksenang tinambangan ng mga bully yung ilang miyembro ng itim na magkakaptid at binugbog sa sementeryo. Ang Itim na magkakapatid ay ang grupo nina Romeo at Alfred na kasama nilang naglilinis ng mga Tsimineya. Halos tunay na kapatid ang turingan sa isa't-isa dahil sila sila ang nagtutulungan kapag may problema ang bawat miyembro.
Kami ang Itim na Magkakapatid Magkakasama laging masaya Kahit mahihirap lang mararangal naman Tayo’y lumakad sa mundo ng taas-noo Kapwa at kapaligiran ating alagaan Tayo’y laging magkasama Sa hirap at sa ginhawa ha ha(3x) Kami ang Itim na Magkakapatid Magkakasama, Nagkakaisa!
theme song ng "Itim na Magkakapatid".
Skip tayo nang konti, Hindi ko na maalala yung katapusan pero alam ko namatay si Alfred dahil umuubo na ng dugo, sakit sa baga yata? pero ang essensya ng kwento ay tungkol sa pagkakaibigan. Isang relasyong nabubuo sa kahit sino sa atin. Akala ko ang ka love team at magiging asawa ni Romeo ay si Anghelita, pero ayon sa mga nabasa kong matanda sakin ng isang paligo, si Bianca na kapatid ni Alfred ang nakatuluyan ni Romeo. Alfred din ang pinangalan nila sa kanilang anak. Pakiramdam ko bitin ang kwento ko, pero kung bumabalik sayo ang alaalang lumipas na, masaya ako at napangiti kita. Maaaring mas maalala mo ito ng higit sakin.
Iyan si Romeo at Alfred para mas masariwa sa utak mo.
Silang dalawa ulit. Yung blond si Bianca, yung itim yung buhok si Anghelita.
At ang fraternity nila. "Itim na magkakapatid".
Maaring sa panahon ngayon, ang itim na magkakaptid ay ang mga hamog boys. Pero siguro kung magagabayan lang sila ng maayos at marescue, magiging kapakipakinabang pa sila sa lipunan, at matupad ang gusto nila pagtanda.
kung pwede lang sana nilang sabihin na "Tsimineya.....Tsimineya........Naglilinis ng Tsimineya:.