TSAMU2014.
05.22.14 / Part 1 :)
Okay ngayon pa lang ako mag popost ng kwento ko nung TSAMU. :)
Naging malabo ang pag punta ko dito sa Meet Up na to kasi nag ka problema sa bahay nang nakaraang gabi. Buti pasaway ako at tumuloy parin. Sabay dapat ni ni Chy (kaibigangbabae) kaso nalate na ko ng alis so nauna na si Chy. May isa kong tinahak ang Manila mula Quezon City. Nag LRT ako at isinalba ng Soundtrip ko ang boring na byahe ko. Panay narin ang text sakin ng mga friends ko kung nasaan na daw ba ako, kung pupunta ba ko, kung sino kasama ko, at kung nasaan na daw ulit ako, and etc. Hahahaha.
Pag dating ko sa UNStation nilakad ko naman ang kahabaan ng Luneta papunta sa Chinese Garden, ng mag isa. Tirik ang araw pero excited parin para sa magaganap na meet up. Sumalubong sakin si Chy kasama si Derks (antukingpogi) bibili sila drinks. Tinanong ko agad si Chy kung andyan na si Ish (ishpectacular) pag tingin ko sa likod ko kasunod ko lang pala. Kanina pa daw niya ko tinatawag, at dahil pansamantalang bingi ako ng panahong iyon dahil sa earphone ko hindi ko siya narinig. Hehe.
Libre ni Chy entrance ko. 10php rin yun. Salamat para doon. Hahaha. Pag pasok sa loob hinanap ko agad yung HK o kung sino ng present sa Kada ko. Ā Andun na sila Sel (selyado) at Neza (superneza). Pati yung mga organizeri. Sil Cha (boseslalake), Mike (korneeto) at Jake (jakepullsthetrigger).
Super "Hi. Hello" Agad ako sa mga kakilala kong makakasalubong ko. Tanong dito tanond doon. Kung andito ba si ganito, ganyan. Maya-maya nakita ko na si Yuri (yuurimonster) na matagal ko ng hindi nakita. Nag papamiss at infairness effective. Hahaha. Kasama niya sila Cis (papapapapapapransis), Rhod (paparhodspeaks), at Rj (rjkolero/rjzsalazar). Binitbit ko muna si Yuri nag ikot-ikot sa mga tao sa Venue baka may hindi pa ko nakakamusta. Naalala ko mag ka holding hands kami ni Yuri nakalimutan ko kung sino yung nag tanong pero pabulong lang na halos mababasa mo nalang yung bibig niya, sabi "Kayo ba?!" with hand gestures na nakaturo sa kamay namin. Hahahaha. Nako parang hindi nila kami kilala ni Yuri. xD
Pag balik ko doon sa tinambayan nila si RJ naman ang kasama ko with Chy, kami naman na ni Rj ang mag kasama the entire meet up. Papicture kay ganito, ganyan. Tas sibat. Tas hanap ulit ng papapicturan. Maya-maya dumating sila Chii (greenchii), Jhico (justjhico), Leo (coffeenelly), Marose (marshmarose). Edi doon muna kami sa sulok nag retouch pa sila bago sumabak sa kamustahan tapos picture-picture narin kami.
Tapos hindi ko na maidetalye ang iba. Basta naging isang malaking papicturan at kamustahan yung event. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi narin kami sumali/nakasali sa games.Ā
Hanggang sa mag Group Picture na. Nag picture narin yung Kada namin (HUGKADA) na as usual kulang parin. Pero ansaya parin. Andun sila Sel, Chii, Jhico, Neza, Cha, Yuri, Jerr, at Dioms. Si Dioms buti naabutan pa kami galing pang work yun. Si Jerr na layas hindi namin mahagilap si Yuri na maagang umuwi. Late narin dumating sila Hannah (akonadentistamo) with Kuya Jr (jrsnmgl). Tas si Kei (keiapooo/guianniedgardo) na halos paalis na ata kami ng dumating siya. Pati si Gelo (blognigelo) na kanina pa namin hinihintay nila Chy at Rj.
Naabutan pa kami ng ulan sa Chinese Garden. Kaya tambay pogi muna kami patila ng ulan, patuyo pawis, palit damit, picture, groupie.
Nung pwede ng makaaalis. Deretso kami sa SMManila. Kakain palang. Hindi ko rin alam kung bakit nagkahiwa-hiwalay kami. Yung iba nasa MCDO, KFC, kami Jollibee. Hahaha.
After kumain, dumaan kami sa Beer Garden. Dinaanan namin yung set ng mga bloggers na nag inuman. Kami tambay pogi parin sa labas. Hindi alam kung ano ng gagawin. Kung uuwi, mag oover night, iinom. Nga-nga.
At the end. Nagpag usapan naring mag overnight kami kela Ish. Sinong mga kasama? Bahala na kung sino gusto. Hahaha.
Ps: 2nd time ko na sa TSAMU, 2nd time ko narin sa Chinese Garden. NoĀ doubt. Maganda parin yung Venue. Swak sa dami namin. Damang-damaĀ ko na amin lang yung place. Malayang nakakapag bonding ang bawat isa.Ā Tsamka parang simpleng analogy nalang yan eh..
Meet Up Ā - Ā TSAMU
Venue Ā Ā - Ā Luneta.