Urduja Guards
Matapos ang limang oras na pakikipaglaban sa antok dahil sa mga professor kong nasobrahan sa kakayahang maghele sa mga estudyante, sa wakas, break time na. 12nn. At katulad ng mga tipikal na pangyayari sa araw-araw ko, eto ako, habang papunta sa karinderya sa labas ng school ay nakikibaka sa galit na bathala ng mahabaging tirik na araw. Nang makaraos at matapos nang kumain inihanda na ang sarili sa bagong dilemmang kakaharapin. Ang mga urduja guards. Sila ang mga specie sa loob ng campus na pinakakinaiinisan ng mga estudyate. Bakit? maraming dahilan. In short, PAKINGSHET sila,
Nang papasok na ako sa gate, eto na ang isa, nakaabang. Binuksan ko ang bag ko at inilapit sa mukha nya nang higit sa nararapat bilang pang-aasar. Pero nang makalagpas ako, baliktad ang nangyari, ako ang naasar. Si manong urduja no look na tinusok lang pala ang bag ko. Pakerr diba. Watta sekyuriti. Pero sa kabilang banda, naisip kong non - sense din pala kung ichecheck nilang mabuti ang mga laman ng bag ko. Kung yung mga nakamamatay na bagay lang naman ang dahilan ng pambubusisi nila sa bag ng may bag, magmumukha lang silang tanga. Una sa lahat, kung may intensyong pumatay ang isang tao, may baril at kutsilyo man o wala, magagawa nya ang gusto nya. Pwede namang gamitin ang gunting, stapler at kung anu ano pang school supplies para paduguin ang tsismosang bunganga ng kaaway. Sa mga matang nagtataray naman ng kaalitan, maaaring gamitin ang ballpen, kutsara, at kahit mismo sariling kamay. Haysss.... (kaya sige napapatawad ko na sya sa simpleng pagtusok lang sa bag ko)  Ngunit wala pa sa limang hakbang ang nagagawa ko ay may tumawag sakin mula sa likuran. Nang lingunin ko ay di naiwasang maghuramentado ng mga braincells kong responsable sa task na pagmumura. Anak ka ng baklang baka naman. Pukang ama. Urduja nanaman. At nang lapitan ko'y iba naman ang pinuputok ng butse. Long hair daw ako. PAKINGSShetttt talaga!! Suko na ko. Talo ako dahil urat na urat na ko. Gusto ko na sanang sigawan ng "Pakyu!! wala kang pake. Hindi ka parlorista." Pero dahil ayokong paglinisin sa campus o ma - call MAMA/PAPA. Sa huli ako parin ang talo dahil sa paglunok ko ng pride. tsk,   Basta tandaan nyo. May araw din kayo Urduja!!
*sorry










