Series of Fortunate Unfortunate Events - Foreword
Hindi sa lahat ng laban mananalo ka. Alamin mo kung kelan ka dapat sumuko at umatras. Sumuko hindi dahil sa hindi mo na kaya, kundi dahil para maisalba mo pa ang natitirang bahagi mo para sa sarili mo. Para may paghugutan ka pa sa panahon na gusto mo nang bumangon ulit at magsimula.
May mga pagkakataon na akala natin ay napagiwanan tayo. Mga panahon na mag-isa ka lang. Mga panahon na yung taong gusto mong makasama ay di mahagilap ng iyong paningin. Pero lingid sa iyong kaalaman, ang bawat bagay ay may dahilan. Marahil ay nasasaktan ka ngayon sa bawat daan na iyong tinatahak. Pero paano pala kung ang bawat daan na yon ay patungo sa isang napakagandang bukas. Susuko ka ba?​Â












