Limang beses tumirik ang PNR kanina, lintik. 130pm dumating ako ng PRC. 2pm na ako nakapag lunch together with the Β cockroach engineers sa TINUNO, ang favorite kainan namin sa recto during review season. YUM! Sobrang dami na naman naming nakain, kahit di ko masyadong malasahan ang linamnam ng pagkain dahil medyu sinisipon pa rin ako.
Walang humpay na kwentuhan. tawanan. parang mga lasing. pero di naman.
1. si Wady at ang Jowakis nyang si Matchete
4. KOREAN academy, at kung paano tayo makokolonya ng Korea nang walang kamalay malay
5. kakaibang lasa ng PorkSiLog
6. Bagong Anyo ng TINUNO "ilokano term for inihaw"
7. Trip to Taiwan and Singapore
Yup, may love life ako. nakakatense.
Hindi dumating ang nagyaya. nasa work daw, nagpapailaw ng mga poste. dahil may ililiwanag pa ang buhay.Β
Nakakamiss ang mga lugar. Nakakamiss ang Manila. Naalala ko, naglalakad ako sa mga kalyeng yon na lutang ang utak ko, kakaisip kung paano ko masasaulo ang mga bagay bagay na dapat sauluhin.
Dumerecho na ako ng alabang, nag mall nang konte. umulan, wala akong masakyan
Mr. Kim: "T. Robert, one Grade 10 student will come here and he will join your class. He will sit there and observe how teachers teach."
Sa mga simpleng ingles ni Mr. Kim, nagkaunawaan kami.
Sa kalagitnaan ng pag poprove ko ng isang weird na figure sa board, dumating ang bisita. Bryan, 18 year old. NAPAKA laking tao, ewan, nakakatakot. jowa pala siya ng isa kong estudyante, nagkagulatan kaming lahat.
Sinubukan ko siyang tanungin about math, sinubukan nyang sumagot. pero malabo, tumango na lang ako. Tuloy ang discussion.
Sa katabing cubicle, may sumisigaw ng pangalan ko, nagpapatulong ng Balancing sa Chem. Discuss pa rin ako ng Geometry.
Kumain muna kami sa MANG INASAL bago umuwi. Mas masarap ang kwentuhan, kapag ang ulam ay di malasahan.
1. Bagong teacher na tourism student from lyceum.
2. Bagong korean student na kamuks daw ni jun pyo.
3. sinong maghahandle ng Physics
4. Serkular at pagtitiwalag
6. functions, termination at kung anu ano
8. Mga isusulat ko sa weekly report, sumbong actually
9. Sweldo, transitive and intransitive verbs, passive and active voice.
Oo, kasama na naman ang LOVE LIFE ko.Β 11pm na yata kami naghiwalay. Kung di lang nila napansin na namumula na ang mata ko dahil sa contact lens, di pa kami uuwi.
nag check ako ng e-mail, may nabasa akong mabuting balita. agad akong nagresearch kung sino man ung Mr. R. Luciano na nagrefer saken sa dream job ko. Boom! simula na ba ito ng aking adventure ulit? hehe
di ko alam, ang alam ko, araw araw. masaya.