March 9th.
Good morning San Roque! Ayuuuun, nasa bukid na naman ako. Hahaysss. Paggising ko eh wala na naman ako kasama dito. -_- Wala ang Mommy pati si broszki. Mga 12pm na ko nagising kanina. Walang iniwan na food. :/ </3 Saklap. Wala din iniwan na pera. Susko. Kawawa ako. Hays. Then nagtext si Mommy na nasa apartment daw siya at nag-eempake ng mga gamit namen dun. Pinapunta ako at dun na daw ako maglunch. Mehehe. -_- Eh di ayun, kanina eh ang layo na naman ng nilakad ko papuntang kanto. Pagod na pagod ang tropa niyo. Tapos nagpunta na nga ako sa apartment at kumain.
After naman tinagpo ko ang Siglayaw. Ngayon lang uli kami magkakasama uli. Sobrang miss ko na mga babies kong 'to. Tumambay muna kami sa McDo kasi may mga iniintay kami. May pupuntahan daw kami na birthday-an. HAHA. Di ko nga kilala yun. Sinama lang nila ako. Habang nasa Mcdo, nakalibre ng Sundae kay Park Gae In and Out. Bwahahahahahah! Apo ko yuuuun. :D Tapos nung kumpleto na mga kasama, nagpunta na kami sa Tramo. Lamon lamon din pag may time. Namiss ko kumain kasama sila. Lamon kung lamon eh. Grabe. HAHAHA. Namiss ko kasweet-an ni Remos, kalukahan ni Jeicel at Mela, kalambingan ni Nicoleleng, katakawan ni Tyosao, kabaliwan ni Baby Joe at kadramahan ni JM. Hahahahah! Bigla na lang umiyak 'tong si Joyce kaya nagyaya na kaming umalis. Secret na lang kung bakit. Yun, nagpunta kaming bayan at tumambay muna sa 7-11. Mga 6pm nagyaya na akong umuwi. Kala ko uuwi na talaga ako. HAHA. Napasama ako kina Joyce sa Camella. Tumambay lang dun. Kala ko kasi pupunta ang Tropang Alas Dies. Hindi naman sila natuloy. :'( Kala ko pa naman makikita ko si ano... Nag-expect lang ako. Saklap.
Eh di ayun, mag-isa akong umuwi for the first time. 9 na ako umuwi. Kabado much ang tropa niyo kasi baka wala na masakyan. Buti may last trip pang naabutan. Hahahaha. Tapos pagdating sa San Roque, may nadatnan padn na tricycle. Swerte. :) Joke lang. Malas sa kasabay. Lasheeeng. Gago. -_-Â
Ang Mommy di nagalit kahet gabi na ako nakauwi. Ang alam niya kasi kasama ko sina Tan kaya di galit yun. HAHAHA. Well.. that's all.













