Ngayon langn ako makakapagkwento kasi ngayon lang naalis hilo ko dahil sa biyahe nung pumunta kami sa palawan nung Feb. 22-26,2015.
Sila yung mga nakasama ko sa trip na yun.. Si Aibee (yung may red yung damit) lang kaibigan ko jan pero nakasundo at naging kaibigan ko na din sila (magsyota sila, Si Kara at Livia..) =)
May Motion Sickness ako, kaya nagdusa talaga ako ng sobra sobra.. haha!
At ito ang pinaka highlight ng trip namin: IWAHIG FIREFLY WATCHING
Useless camera namin dun dahil sobrang dilim. Pero hindi ko inexpect na ganun kaganda yung makikita dun. Wala toh sa itenerary namin.. nung dapat na magpapahinga na kami, tsaka naisipang pumunta doon at hindi kami nagsisi. (kaso mahal yung pamasahe) haha.
Pagkatapos jan, bumyahe na kami papuntang El nido. 5 hours yung byahe.
Tour A ang samin kaya more on Lagoons .
Eto naman yung Pangalawang highlight ng trip namin. Lunch @ Entalula Island
Ang saya lang jan sa island na yan. Ang sarap nung pagkain, ang ganda nung view tapos relax relax lang.. =)
Sana kami ulet magkakasama sa next na travel.. haha.. Next: BATANES!!!!!