GADS. maisip ko pa lang na hindi ko na sya makikita araw araw.
parang ang lungkot talaga.
wala na yung panakaw na tingin.
wala na yung pagtitig kapag nakatalikod sya.
wala na yung pasimpleng 'i love you' kapag dumaan sya.
wala na yung weekends na halos harasin ko na mga kaibigan ko ng kadramahan sa sobrang pagkamiss sakanya.
wala na yung hindi makontrol na SELOS. O.O
wala na yung pag amoy ko sa pabango nya kapag dumaan sya.
wala na yung pag daydream ko tuwing klase nya.
wala na yung pagsimangot ko kapag napapagalitan nya ako.
wala na yung pagtatanggol ko sakanya sa mga kaklase kong BADTRIP sakanya.
wala na yung MATINDI kong pag aaral sa MATH4.
wala na yung pag iinit ng mukha ko tuwing makakausap sya.
wala na yung chance na makasabay ko sya sa pag lalakad pauwi.
wala na yung pag sakit ng puso ko tuwing may nakikita akong babaeng kausap nya.
wala na yung pag ngiti ko na parang tanga tuwing may magagawa syang nakakakilig na bagay.
wala na yung "SHETS! ang gwapo nya" na sinasabi ko tapos titingin ang mga kaklase ko sakin na parang "WHATTHEFUCK, patch? wag ka ngang magsinungaling!".
wala na yung "mr. & mrs. intergalactic tooth decay" na madalas sabihin ni DYE-EM.
wala na yung napakakorning jokes nyang lagi kong pinagtatawanan.
wala na yung KILIG na hatid nya.
wala na yung "ASAWA KO" moments ko.
kaya kong magpatuloy ng magpatuloy sa sobrang dami ng mga bagay na mamimiss ko mula sakanya. i could go on and on...
maybe it's too much... TOO MUCH LOVE?
for 2 years and 8 months naging ASAWA kita kapag nakatalikod ka.
sinama na nga kita sa mga pangarap ko eh.
handa akong maghintay kung sana lang may kasiguraduhan akong may maibubunga ito.
hihintayin kita. hanggang sa mahalin mo ako.