Rant #324: Nakakabwisit kang babae ka talaga. Knowing na sayo nanggaling yung balita na yon. ewan ko ba alam kong may something kang nasabi. ah basta nakakabwisit kaaaa. Patalikod kang sumaksak. Kahit nung hs palang tayo ganyan kana. Basta may maiibalita kang alam mong sisira samin ganyan ka. Pasensya na pero mas maganda ko sayo. Matalino at masipag ka lang. Ano ngayon kung may fail ako. FYI. Hindi ko sineryoso ang subject na yun kaya nafail ako. Gusto mo gawin ko pang uno e. ang shit mo. wala kang alam sa mga pinagdaanan ko okay? Yung pakiramdam na ayaw mong pumasok kasi sobrang hirap magfocus. Yung papasok ka pero iba iniisip mo, na halos araw araw kailangan kong maging matapang na labanan yung luha ko na wag pumatak at ngumiti ng parang normala na ako. Palibhasa sanay ka sa marangyang buhay at sa kumpletong pamilya. Kung bobo ako bakit ako may medalya sa bahay? kahit na noong elementary pa yun, nagpapatunay yun na hindi ako bobo. Iwan na kung iwan. ano ngayon kung 6 years kong itetake ang course na to? Tandaan mo ang mga taong mayayaman ngayon mga babagsakin din dati. at least yung grades ko maging seryoso lang ako plantsado na e yang kalandian at paguugali mong baluktot? mahirap yang ayusin. Kung magseseryoso man ako ng pag-aaral para sa sarili ko yun. hindi para sayo. Masyado kang nagmamagaling. Oo close tayo but not close enough para sabihin ko sayo lahat dahil alam ko na hindi ka mapagkakatiwalaan. Babae rin ako. I should know kung ano ibigsabihin ng mga ginagawa mo. Porket mataas grades mo taas na ng tingin mo sa sarili mo? hindi dahil matalino ang isang tao kaya sya naggain ng respect, more on ugali yun. Goodluck nalang sa paguugali mo, ay oo nga pala magaling ka nga rin palang sumipsip e. kaya pavirgin at pagood girl ka. siguro yung makakabasa nito ang sasabihin “so anong pinaglalaban mo?” hay para kong tanga e. kaso ganyan talag ang buhay parte nito ang pagiging baliw. pasintabi po sa mga makakabasa medyo pwede nang pagprituhan ng itlog yung ulo ko sa sobrang init e.