07072013 Sunday. Ano bang nangyari bago dumating ang Sunday? Buong linggo tayong nag-away, nung Thursday ng gabi nag-away ulit tayo hanggang Friday, buong araw tayong di nag-usap eh. Tapos nung Saturday ganun ulit setup, walang text or tawag man lang. Ano bang meron sa Sunday? Nakaplano na, na magsisimba tayo dito sa Antipolo Cathedral. Kahit na magkaaway tayo ng 3 days straight, natuloy parin tayo. Nagkita tayo sa simbahan ng mga 8:30 am na, kasama pa natin si tita magsimba, pero bago yun, sinundo kita sa Starbucks. Pagpasok ko, nakita kita agad, tapos nung lumapit ako sayo, binigyan mo 'ko ng flowers. Pink roses yon, isa sa mga favorite ko. Nagblush ako non kaya inaya kita agad lumabas. Ang dami kasing nakatingin satin tapos nakangiti. Nahiya ako bigla haha. Nagsimba na tayo tapos after ng mass, pinakilala kita sa isa sa mga bestfriends ko. Si Mieli, kasama din nya boyfriend nya nun. Tapos umuwi na din tayo agad. Pagdating natin sa bahay, inabot mo sakin yung letter mo. Nagulat talaga ako kasi di ko alam kung ano yun nung una eh. Akala ko gugulatin mo lang ako o ano haha. Pagkabukas ko, bumungad yung tatlong kitkat. Naiyak ako ng sobra, diba? Sobrang kinilig at natouch ako sa letter mo. Tapos hinug mo ko ng sobrang higpit, pinunasan mo pa nga yung luha ko eh. Baby, sobrang thank you. No words can express how much I fucking love you, kumag. Kung alam mo lang talaga. :"> Natulog tayo nung hapon sa kwarto ko, nakahug ka sakin tapos nakahug din ako sayo. Nagising ako kasi kinikiss mo yung noo ko tqpos bumulong ka ng "I love you so much Vaneza, so much." Grabe baby, sobrang ugh. Nakakaiyak sa sobrang saya haha. Thank you for everything, alam mo na yun. :) I love you soooo much!