Makikiuso ako kay Harem Queen ate Elle Strange (siya ang tutorial #1) at kay Friendzone Queen Cat Lee (tutorial #2)
HAHAHAHAHAHAHAHA. Trip ko lang. :)
[Bakit di tayo gumawa ng Tutotial Series On How To Become A Heartbreaker? Bentang-benta to. AHAHHAHAHAHA.]
O sige. Ako naman ay Genius sa KAMANHIRAN. (Disclaimer: Di talaga ako manhid. Kaso sabi nila - oo, tama, marami ang may sabi - manhid daw ako.)
1. Ito ang pinakadapat mong gawin: BAWAL POTASSIUM. Tama. Huwag na huwag kang magiging potassium. Ah, di mo alam ano ang potassium? Hmm. It is a combination of two words: P*ta at Assuming. Kaya, no. Huwag! Humble dapat. Kahit ikaw na pinakamaganda sa balat ng alligator, huwag.
2. Be nice to everyone, especially sa mga nagpapalipad hangin. Dapat araw-araw iyan. Ituring mo silang "kapatid", "bakla", "kaibigan", "lolo", "uncle" at etc.
3. Be rude as well. Minsanan. Iyong tipong di nila alam kung galit ka na o hindi. Trust me, maba-bother sila niyan. They will end up pleasing you.
4. Huwag bigyan ng malisya ang lahat ng sinasabi nila. Applicable ang "Do not assume unless otherwise stated". Bukod sa di ka makakabreak sa number 1 role na "Bawal Potassium", makakaligtas ka pa sa (1) kahihiyan, (2) sakit na dulot ng kahihiyan, (3) mapangmatang mga tao na ipapahiya ka, (4) backstab at frontstab ng mga tao na mahihiya ka nalang at (5) sobrang kahihiyan na gusto mo nalang lamunin ka ni mother earth.
5. Kapag may nagpapalipad hangin, sabihin mo lage ang mga salitang ganito: "Corny mo", "Hahahahahahaha! Syet galing ng banat", "Iyong joke mo, mabenta. Magkano?" Ahaahahahhaha. Kapag lagi siyang mabait, concern and everything nice, isipin mo na isa siya sa mga taong mabait at natural na sa kanya iyan. Kapag naman masyadong sweet na pinapakain ka sa tamang oras, isipin mo, magalang lang siya at health conscious. Basta. Ganun.
6. Tawagin mo siyang "Kuya". Kapag sinabing ayaw niyang maging "kuya" mo, ipilit mo. Papayag na iyan... brother-zone agad, di pa nakadamoves.
7. Dapat busy ka. Huwag kang mag-iisip ng iba bukod sa thesis, research, journals, assignments, reports, homeworks, exams, mecahnics ng contest (kapag kagaya kita na organizer), student-officer-related works (kung kagaya kita ulit na officer sa org niyo), family problem (kahit walang problema, gumawa ka) at pati issue ng mundo kagaya ng pagsolve sa mga mystery cases at suduko. Pati kung kelan release ng season two ng mga animes, problemahin mo.
8. Dapat di ka magrereply agad kapag tsinat ka or tinext ka. Dapat umabot muna ng apat o higit pa na PMs bago ka magreply. Busy ka, di ba?
9. Play on your comfort zone by building a wall around your heart. Iyong concrete. Iyong kagaya ng materials na ginamit sa Egyptian pyramids. Ganun. O kaya kasinlaki ng great wall of China. Iyong parang diamond sa tigas. Para di ka masaktan. Nakakangilo masaktan. Nakakapanindig balahibo ang umasa.
10. Effective kung cynic ka sa mundo. Iyong tipong lumakad ka lang sa hallway, naghuhumiyaw na ang aura mo ng mga salitang, "True love does not exist!" or "Kapag nagmahal ka, masasaktan ka lang!" Ganun. Pero di necessary na gloomy and dark aura ha? You can be cynic yet still be cheerful. (Like me!)
11. Be a realist. There are two kinds of people: Hopeless romantic and a realist. Be the latter. No need to explain this further. Alam niyo na iyan. Hahaha. O sige na nga: be a realist. Mind over heart. Nasa itaas ang utak kesa sa puso. Nasa taas ang logic kesa sa emotion. Sundin mo utak mo. The mind is the most powerful thing you have. Mind set lang lahat. ^_^ i-mantra mo sa sarili mong: "WALA AKONG PAKI." at wala ka nang paki niyan kinabukasan.
12. Kapag may "shipment" or ka-"labtim" ka, dapat lagi kang "Hahahahahahah" o kaya deny effect. Sumakay ka minsan para di ka tawagin KJ. Nasa mga tao na iyan kung paano nila iintindihin. Pero huwag kang magagalit o maiinis. Joke lang iyan, trip kumbaga. Huwag pikon. Lalo kang tutuksuhin niyan.
13. Be a wanderer and a wonderer. Dapat marami kang knowledge na nakastock. Iyong tipong kapag iyong may crush sa'yo, humuhugot na at napansin mong magsasabi na siya ng, "pwede bang manligaw?" Open up agad ng topic tungkol sa atlantis. Kung about love na ang topic, sabihin mo ang stand mo about diyan. Pero tandaan: walang forever at casual topic lang ang love, parang murder case lang. Ganun.
14. Bawal awkward. Lalo na kapag alam mong may gusto iyong tao sa'yo. Isipin mo, di siya mismo ang nagsabi, narinig mo lang at sinabi lang naman iyon ng bff niya sa'yo. O di kaya nabasa mo lang naman iyon sa diary niya. Di siya mismo ang nagsabi sa'yo at walang eye-to-eye contact. Kaya huwag maging awkward. I know this is hard, kasi ako din, socially-awkward person din naman. Pero keber ka dapat. Siya ang may gusto sa'yo (sabi nila) at di ikaw, siya dapat ma-awkward. Ikaw ang nasa upperhand.
15. Ito ang panghuli: HUWAG MAGKA-CRUSH. Kasi mababali mo lahat ng rules na nandito. Di ka na magiging certified MANHID. And trust me, may perks ang pagiging UNASSUMING. It will save your fragile heart from breaking.
[Sige, isip muna ako ng iba pang tutorials..]