Tekstong Argumentatibo: “Higit pa sa Hayop at Malansang Isda”
“Ang wika ang kaluluwa at salamin ng isang bansa,” Isang kasabihan o pahayag na aking narinig at nabasa patungkol sa wika. Wika ang ginagamit para magkaunawaan ang mga tao at wika rin ang ginagamit sa pakikipagkomunika ng tao ngunit may isang tanong, “Dapat nga bang magkaroon ng wikang pambansa ang isang bansa?”
Ang kinikilalalng bayani sa bansa ng mga Hapon ay si Isoroku Yamamoto, ang kilalalng bayani naman sa Amerika ay si George Washigton at ang bayani ng Pilipinas ay si Jose P. Rizal. Siya ang nasabi ng katagang, “Ang ‘di marunong magmahal ng sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.”. Ang wika ay minamahal. Ang wika ay iniingatan. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng tao ang kaniyang saloobin tungkol sa isang bagay, maaari itong haka-haka lamang, isang bagay na napatunayang totoo, o isang katotohanan. Maaring hindi magkaroon ng wikang pambansa ang isang bansa ngunit may posibilidad ba na magkakaintindihan ang mga tao, may kalayaan ang mga tao, may pagkakakilanlan ang bansa, ang maaaring isa sa mga daan para mapaunlad ang bansa o di kaya’y may paggalang at pagkakilala sa bansa?
Una, ang wika ay ang instrumento ng tao para makipagusap upang maunawaan ng isa ang sinasabi ng isa. Para magkaintinidhan ang bawa’t isa ay kinakailangan na pareho nilang ginagamit ang alam nilang wika na napagkasunduan nilang salitain. Kalaunan ay magkakaintindihan na. Gayon din sa isang bansa, kung ang bawa’t tao ay may iisang wikang sinasalita madaling magkakaunawaan ang bawa’t isa. Hindi na maari pang magbigay ng mahabang panahon para pagaralan ang wika ng iba. Sa pagsasalita pa lamang ng isang wikang yaon ay magkakaunawan na. Halimbawa, ang wikang Ingles na tinuturing na Wika ng Mundo, Ito ang wikang halos sa lahat ng bansa ay maari mong gamitin dahil sa kahit na iba ang katutubong wika mo ay maiintindihan ka pa rin ng mga Amerikano. Ang wika rin ang nagreresolba ng mga problemang hindi naiintindihan dahil sa kaibahan ng sinasalitang lingguwahe.
Pangalawa, ang wika ay isang simbolo ng kalayaan o pagiging malaya. Kung atin babalikan ang panahon ng mga pinoy sa pagsakop ng Espanyol ay talgang mamumuhi ang isang pilipinong nagmamahal sa kaniyang bansa. Naging isang sunod-sunuran ang mga Pilipino noon nguni’t nang biglang nagisip ng paraan ang mga bayaning kinilala ngayon sa ating panahon ay natalo nila ang Espanyol dahil sa pagpapamulat sa mga Pilipino ng katotohan at paninindigan sa paglaban ng kalayaan ng bansa. Dahil sa iisang wika na naintindihan ng mga Pilipino noon na inilimbag ng mga bayani ay mas lalong umigting ang pagmamahal sa wika ng mga Pilipino.
Pangatlo, ang wika ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa. Katunayan sa kung ikaw ay magsasaliksik tungkol sa kaysayan ng Wika sa Pilipinas, Ang Filipino ang hindi nila naging unang pambansang wika nguni’t habang umusbong ang panahon ang wikang Filipino ay kinilala bilang pambansang wika. Ang Philippines o Pilipinas ay galling sa pangalan ng isang Hari ng Espanyol na si King Philip II. Maaaring may mga salitang hiram tayo sa kanila pero ang tagalog ang sinalita noon at hanggang ngayon. Isa pa ay dahil sa isinabatas ng Pilipinas ang Filipino bilang wika at hindi Ingles na naunang gamitin noon. Karagdagan pa ay dahil sa kung ikaw ay titira sa ibang lugar at di mo alam ang wikang iyong sinasalita, magmu-mukha kang hinding akto ng isang tao na may sarili wika, mas malala pa doon ay dahil sa hindi ka mintindihan ng tao, baka ikaw ay ikulong pa dahil siguro’y iisipin nila na may sinasabi na ikaw na taliwas sa pamamalakad ng kanilang bansa.
Pang-apat, isang gamit ang wika sa pagpapaunlad ng bansa. Ayon sa aking nabasang pananaliksik ng isang grupo sa Unibersidad ng Santo Tomas taong 2012-2013, “Ang wika ay sagisag ng pagkakaisa, isang elementong kinakailangan ng bawat isa o grupo, lalong-lalo na ng isang buong nasyon o bansa.”. Ang wika ang nagpapaisa sa mga tao. Kung may pambansang wika ang isang tao, magkakaroon ng pagkakaisa. Katunayan, ang ibang wika sa loob ng bansang Pilipinas na gaya ng Bisaya o Kapampangan ay makakaintindi nito dahil sa bukod na isinabatas ito, ay dahil sa madaming populasyon ng bansa ang nagsasalita ng wiang Filipino. Ang wikang pambansa rin na ito ay nakakatulong sa transaksiyon na magkakaintindihan ang bawat Pilipino. Nagsisilbing malaking pakinabang sa negosasyon ng bawat prodyuser at namimili—kung wala ito ay magiging mabagal ang pagproseso ng mga produkto at mabagal ang pag-unlad.
Pang-huli, ang wika ay magbibigay ng respeto at pagkakakilala sa isang bansa Halimbawa, ang isang Pilipino ay umalis ng bansa at mas piniling manirahan sa ibang bansa lalo na’t hindi niya alam ang wikang bansang kaniyang tinahak, maaari bang maging madali ang lahat? Ang pakikipagusap pa nga lang ng Tagalog sa Kapampangan na gamit ang sariling wika ay hindi na nagkakaintindihan lalo pa kaya ang taong nanirahan sa ibang bansa. Sa medaling sabi, isang respeto at pagkilala sa isang bansa ang wika dahil ito ang nagbigay ng identididad sa kanila para maging sila.
Sa kabuuan, ang wikang pambansa ay nararapat na taglay ng isang bansa dahil hindi lang ang bansa ang makikinabang kundi pati ang mga taong naninirahan doon. Maraming magagawa ang pagkakaroon nito. Kung sa pagsasalita pa lamang ng dalawang tao ng isang wika ay nagkakaintindihan na, paano pa kaya ang bawat tao sa bansa? May wikang pambansa para magkaintindihan, may wikang pambansa bilang pagiging malaya sa iba, may wikang pambansa para makilala, may wikang pambansa para sa pag-unlad at may wikang pambansa bilang simbolo ng paggalang. Wikang Pambansa bilang kaluluwa at salamin ng Bansa. Ang wikang pambansa na mamahalin ng isang taong o bansa na hindi magiging masahol sa hayop at malansang isda.












