Nakaalis kanina tanghali na kaya ang init ng sagad. Hindi nagsasakay yung mga bus, kakaiba. Makalipas ang tila dalawampung minuto, pumara ako ng tricycle. Nakatingin rin kasi siya kaya pinara ko. Mas mahal kasi sa pila kasi may itak yung mga chauffeur. Nananaga. At ayun, makalipas ang pagtatanong, pasakay na ako. Yun nga lang may nakita akong bus. Pinara ko at ayun, ending ng The Mistress starring Ronaldo Valdez at Hilda Koronel. Habang nasa biyahe, kinausap ako ni tatay (as in tatay na generic term sa hindi kakilalang matanda na sa lipunang ito ay karaniwang may anak) tungkol sa init ng panahon.
May tatlo o higit pang bahagi ito na saklaw ang mga sumagi sa araw na ito kaso yung lawas ko bumubulong na ng pahi(n)ga.








