📍Barangay Halang Sitio Tagbakin Lipa City
Kung titingnan mo sa picture, mukang sobrang saya namin. Pero bago pa man kami makarating sa barangay na 'yan ay muntik na talaga kami mamatay :(
--Kaya kami nagpunta sa barangay Halang ay dahil sa project ng school namin na tulungan ang pinaka(?) mahirap na barangay sa aming lungsod. So kasali sa mga tutulong ay mga first year students na nagtetake ng NSTP. Ang section namin ay nakaschedule ng April 06. So ayon, ito ang kwento...
First, nagkita kita kami sa school dahil may nirent na tatlong jeep na masasakyan ng section namin at ng isa pang section. So ayon, sumakay kami ni Jamaicah sa unahan, katabi ng driver. Dalawa lang ang lalaki sa sinasakyan kong jeep tapos nakabitin pa sila sa labas. Overloaded kasi talaga :( apat ata or dalawa sa mga kaklase kong babae ay nakaupo nalang sa gitna ng jeep katabi yung mga halaman na dadalahin namin sa barangay.
Ayun, masaya naman ang byahe. Hanggang sa malapit na kami sa barangay na pupuntahan namin.... Ang daan kasi papunta dun ay puro pababa kaya dapat talaga maingat ang pagmamaneho ng sasakyan.
Nag iingat naman yung driver ng sinasakyan kong jeep. Pero ang nangyari, biglang tumigas daw yung preno nya, nawalan kami ng preno!! Nung una, ang ingay sa jeep puro tawanan hanggang sa bumulong na sakin yung driver na humihina na daw yung preno nya. Ako naman, hindi ko madinig kasi ang ingay nga. Tapos yung isa pang jeep na nirent ng school medyo nakatabi na ng jeep namin. So ayon, yung jeepney driver ng sinasakyan kong jeep sumenyas na nawawalan na sya ng preno. Nakita yon ng mga kaklase ko kaya naman nagpanic na sila. May pinahila sakin si manong driver na tali para maano yung preno nya pero wala padin. So sinabi nalng niya sa amin na kumapit kami. Kaming dalawa ng kaibigan ko na nasaunahan, walang makakapitan kaya ako, yinakap ko nalang yung bag ko at nagdasal na SANA. SANA walang mangyareng masama.
Umuna samin yung isang jeep. Nabangga ng jeep nasinasakyan namin ang jeep na iyon at bigla nalang namatay ang jeep na sinasakyan namin. Lahat kami bumababa ng jeep matapos mamatay nito. Takot na takot mga kaklase ko. Yung isa kong kabarkada umiiyak na talaga sa takot. Kaya pinaglakad nalang kami nung isang prof dahil malapit na din naman.
Habang naglalakad kami, naiisip ko si manong driver. Wala naman kasi syang kasalanan sa nangyari. Mahirap lang kasi talaga yung daan papunta dun. Naaawa ako sa kanya kasi feeling ko ayaw na sumakay ng mga kaklase ko sa jeep na yun.
Pagkadating namin sa lawa ng tagbakin, rekta linis na agad kami. Natapos kami sa paglilinis ng mga bandang ala una. Pagkatapos nun, pinakain na kami ng lunch doon sa mga nipa sa may lawa.
Kitang kita ko si manong na hindi mapakali. Mayat maya nya chinecheck yung jeep nya. :( lahat naman kasi gusto safe tayo :( Ewan ko pero naiiyak talaga ako nung tinitingnan ko sya. Tapos nalaman pa namin na hindi pala nagprovide ang school ng food para sa mga driver :( Buti nalang din at may excess na pagkain at tubig. Kaya naman binigyan namin sila.
After namin kumain, hinatid na kami nung isang Jeep hanggang sa bahay ng SK Chairman ng barangay. Duon namin hinintay yung kabilang section at mga kasamang prof. Naghintay kami ng halos dalawang oras dahil kinukundisyon din nila ang mga jeep dahil sa sobrang init ng panahon.
Ayon, nakauwi naman kami ng safe.
Salamat sa pagbabasa (lol). Magdasal ka palagi :)