Sulat - bata (unfair)
Noong apat na taon pa lamang nang magsimulang lumitaw ang kamuwangan ko, pinaniwalaan kong ang mundo ay nahahati sa dalawa: ang mundo kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng ingles at ang mundo kung saan tagalog naman ang ginagamit. Napulot ko ata ito sa panonood ng TV dahil hindi pa naman ako pala-galang’ bata noon. Nakakatawa pero nadala ko ang paniniwalang ito hanggang makilala ko ang mundo sa labas at matutong makibagay sa ibang mga musmos. Minsang akong sumali sa larong bata kung saan kailangan ang pagtakbo, na hindi nakasanayan ng isang batang lampang kagaya ko kaya ako ay nadapa at nasugatan. At doon naman, naniwala akong ang mundo ay nahahati pa rin sa dalawa, ngunit iba na: ang mga taong tatawanan ka at ang mga taong tutulong sayo kapag nadapa ka sa lupa. Dinala ko rin ang ideyang ito hanggang sa pagpasok ko sa paaralan. Sa lugar na yon, naniwala akong ang mundo ay nahahati parin sa dalawa, ngunit nag-iba na ulit: ang mababait na tao at ang hindi. Nalaman ko ito nang minsay ninakawan ako ng baon ng isa kong kaklase.
Ngayon, hindi ko na alam kung sa ilang bahagi nahahati ang mundo. Pira-piraso, sigurado ako dyan. Napakaraming pira-pirasong bahagi. Magulo. Minsan tahimik. Minsan hindi. Parang hindi napapagod ang mga tao. May mga nagmamadali. May nakatambay. May ilang nalilito. May mga naghihintay. May bigat na bigat sa pasanin. Meron namang parang walang mga problema. At habang nadadagdagan ang araw na inilalagi ko sa mundo, tuloy-tuloy rin ang pagdami ng ideya ko kung sa ilang bahagi nahahati ito. Di ko na rin alintana ang pagkabuhol-buhol nito.
Kamakailan nga lang, nadagdagan nanaman ito: ang mga taong totoo at ang mga hindi. Nakakainis lang isipin na kadalasan, tinutularan nito ang principle ng electromagnetism (Unlike:attract;Like:repel). Naramdaman ko ito kailan lang nang minsang maging totoo ako sa taong akala ko ay totoo rin sa akin. Simula palang ay sinamahan ko na siya, nandyan na't makibitbit ako sa mga problema niya at makisimpatya sa tuwing nalulungkot siya. Pero di ko inaasahang sa huli, siya rin pala ang mananakit sa akin. Hayy.
Nakakalungkot ang mga nangyari. Pero ayslang. Naiintindihan ko nang ganun nga ata talaga ang roll ng mga desisyon ko. Nakakamanghang di ako binibigo ng sarili ko dahil kadalasang pito sa bawat sampung pinlano ko ang nangyayari kaso nakakatawang isipin na lima sa pitong yun ay di ko talaga gusto. Gago eh. Well, after all of those shitty things happened, magpapatuloy pa rin ako. Ako ay mananatiling ako. Oo't madadagdagan ang pagkakapira-piraso at buhol-buhol sa pinaniniwalaan kong pagkakahati ng mundong ginagalawan ko, pero hindi pa rin titigil ang pag ikot nito.
sorry.
{Pare Pre Dude Tol Par. Ayslang. Yaan mo na :)} {Pero wala na talaga kong pake dun.Bahala na kayo}








