Hanggang Dito na Lang
Sabi nga ni Jimmy Bondoc sa kanta niya "akala ko'y hanggang dulo, kay haba pa ng kalsada dito na ba tayo bababa? ... Dapat sigurong iwasan ang minsang kamustahan, mga nakasanayan dapat ng kalimutan upang di tayo magkasakitan" kasi hindi ko na talaga alam kung san ako lulugar? Kasi mahal mo ko, masaya tayo pero tila hindi nga sapat ang pagmamahal lang. Kasi wala nga palang TAYO, kasi hindi mo pa ko kayang panindigan, pero bakit naman ganito kasakit? Bakit parang mas lalo akong nangungulila sayo? Bakit nakaya mo kong iwan? 'Di biro ang pitong buwang ginugol kong oras sayo, sa'tin. Kanina nag text na naman ako kasi ang hirap na e. Yung tipong di ako maka iyak kasi parang ang ewan ng pakiramdam ko. Parang ang empty ko, parang may kinuha kang parte ng kaluluwa ko. Pero gusto kong isipin na ikaw ang nagsulat ng kanta ni Juris na "Di Lang Ikaw". Nalulungkot ka rin ba? Nasasaktan ka rin ba? Namimiss mo rin ba ko? Kasi ako oo. Bakit ka ganyan? Hindi ko na talaga alam ang dapat maramdaman pero HANGGANG DITO NA LANG. "Ang ganda na sana pero bakit nag iba?"










