06 Journal (10th November 2023, Friday)
Me, giving myself everything
Dear diary, ang saya ko lang kasi I get to spoil myself with my wants. Dati kasi, hirap na hirap ako at hindi ako sanay bumili ng something for myself. Lagi kong sinasabi na hindi ko deserve, sayang pera, next time nalang. Kaya ayun, for me, big step na 'to, na kahit little by little (actually, ang mahal neto anong little?!), onti-onti kong nae-express ang love ko para sa sarili ko. Giving myself not only my wants but also my psychological needs! Sabi nga nila malayo pa, pero malayo na! Konting kembot pa, accla!
Xoxo, Muning















