Ang Sari-saring Kahulugan ng "Mali-mali" Mula Sa Iba't-ibang Tao
Tinanong ko si Papa kung ano ba talagang ibig sabihin ng ‘mali-mali’ kasi litong-lito ako kahit anong gawing pag-research ko sa internet, eh hindi ko parin talaga ma-gets. Nalilito kasi ako kung anong pinagkaiba nito sa pagiging magugulatin. Napapaisip tuloy ako kung may mali-mali ba ako o wala. Pero kung tutuusin, dito lang naman sa bago naming bahay ako nagiging magugulatin. Siguro naprapraning na rin dahil medyo mas malaki ng konti at bago yung tinitirahan namin ngayon. Mas marami ring mga kwarto kasi tig-iisa na kami, di gaya nung dati na magkakasama kaming tatlong magkakapatid sa iisang kwarto. O dahil na rin siguro sa kapapanuod ko ng mga horror movies at balita? Aba! Ewan. Basta madalas akong gulatin ng mga kapatid ko at ni Papa. Lalo na sa tuwing papasok na ako ng entrance o pag nag-uugas ako ng mga pinagkainan namin ng meryenda kasi restricted na yung mga kasambahay sa main floor. Pwera si Mama kasi sa’ming lahat, siya yung hindi mahilig at marunong manggulat. hahaha Tatlong palapag kasi yung bahay namin. Yung sa ground, commercial space at business namin. Main floor naman sa second. Penthouse, attic, maid’s quarter at basketball court naman sa third. Akala nila siguro nakakatuwa. Well, nakakatawa rin ng konti kasi nakakabawi rin ako minsan. hehe Pero parang aatakihin talaga ako sa puso kasi di ko alam kung ibang tao ba yun o sila lang pala. Baka kasi may masamang-loob na nakapasok sa bahay. Di gaya nung sa dati na alam mong wala talagang makakapasok kasi wala kaming bakuran at terrace kasi bungalow lang, maliban na lang siguro kung nakabukas yung gate o hindi na-i-lock. Mabait naman ang Diyos na hindi tayo pababayaan pero mas mabuti na yung ma-ingat at aware. At least I’m on my senses, diba? Pero lately, di na nila ako ginugulat kasi nag-usap na kami na wag na nilang gawin yun. Ang sakit kaya sa puso. haha
Mali-mali - ang tawag sa isang taong di pangkaraniwan na sobrang magugulatin na kung anong sigaw mo, yun rin ang sambit. Kunwari, isinigaw mo sa isang mali-mali ang salitang “Kabayo!” sasabihin niya rin, “Ay, kabayo!” Kumbaga inuulit-ulit niya kung anong sasabihin mo sa tuwing magugulat siya. (Pangasinan term)
Buti na lang alam ni Papa kung anong ibig sabihin nun. haha Nung unang sagot ni Papa kung anong ibig sabihin ng mali-mali, ang sinabi niya, “Paulit-ulit.” Nagulat ako kasi pag may nakita akong maling caption o na meron pang pwedeng idagdag at ayusin, ini-edit ko o dini-delete para magpost ng mas maayos na caption at entry. Ang purpose ko lang naman kasi parang "online journal" ko ang mga accounts ko sa kung ano mang social networks na naka-register ako. Kumbaga, parang photo album na pwede kong balik-balikan at ang maganda pag online, naibabahagi mo sa iba’t-ibang tao. Di naman kasi ako public figure para maging conscious kung ano bang iisipin ng tao kung paulit-ulit o papalit-palit ako ng ipi-no-post na para bang may sayad. Sa tingin mo? Meron o wala? huehue Sabagay, kahit na hindi naman ako artista o miyembro ng media para maging mabusisi at mausisa bago i-finalize ang kung ano mang ipu-publicize, tina-try ko slowly but surely kahit na hindi ako public figure kasi baka naiinis o nawi-wirduhan din yung mga followers ko sakin. hahaha Pero nung pinalinaw ko at tinanong na ipaliwanag ni Papa ng mabuti ulit, naintindihan ko na. Sorry, medyo (o sobrang) slow ako eh. Akala ko may mali-mali ako. wahaha Yehey! Magugulatin lang na nasa lugar. :P
Ngunit kamakailan lang, nakahanap ako ng matinong depinisyon mula sa internet na ipinapaliwanag sa malinaw at detalyadong paraan kung ano ang ibig sibihin ng “mali-mali” mula sa isang blogging site na ito: https://chicogarcia.wordpress.com/2008/06/23/.
Mali-mali - isang taong sobrang magugulatin na nakakapagsalita ng kung ano-ano sa tuwing nagugulat.
Hal. Pag ginulat mo ang isang mali-mali, madudulas o di sinasadyang masabi niya ang kung ano mang iniisip niya sa panahong ginulat siya. Minsan, ito ay nakakatawa o hindi kaaya-aya na ganun na lamang pinagkakatuwaan ng ibang tao. (Filipino term)
Ayon naman sa isang morning show, nabanggit ng isang host na isa siyang mali-mali dahil madalas siyang madapa o masaktan.
Mali-mali - lampa o clumsy sa Ingles.
At ang panghuli ay ang depinisyon na nilikha ko. Madalas ko kasing marinig ang salitang "mali mali" (na walang dash, ha?) sa tuwing palpak o hindi tama ang mga resulta ng isang gawain.
Mali-mali - maraming pagkakamali, palpak, hindi tama ang resulta.
Hal. "Ano ba naman yan! Bakit mali mali lahat ng mga sinulat mo?"
"Mali mali naman kasi yung mga pinagsasabi mo sa klase kaninang recitation eh."
"Di mo bagay maging hairstylist, mali mali naman kasi yung pag-gupit mo. Di pantay pantay o."
Note: Yung nabanggit ni Papa ay term sa Pangasinan. At yung depinisyon ng naturang blogging site ay kadalasang bantog ng nakararami na naisalin lamang sa salitang Ingles bilang “slips of the tongue.”