Saan na nga ba ‘to patungo?
Isa lang naman akong simpleng lalaki na may simpleng pangarap. Hindi ko kailangan ng mga magagarbong bagay para sumaya, isa lang naman kasi ang nag bibigay saya saakin, at yun ay ang ako at ikaw. wala akong ibang hangad sa buhay kundi ang makasama ka ng pang matagalan, na kahit ang totoo ay hindi ko na alam kung may direksiyon pa ba ang ating pinagsasamahan.
Ang daming mga bagay na hindi natin napag kakasunduan, at meron din namang iilang mga bagay na sa isa’t-isa’y swak na swak. magulo, pero handa akong intindihin kung para naman ito sa ikabubuti ng relasyon namin.
Sa buong buhay kong nabubuhay sa mundong ito, ngayon lang ako dumipende ng sobra sa nararamdaman ko.. sa bawat desisyon na ginagawa ko, kaakibat palagi nito ang nararamdaman mo.
Nahihirapan na ako, dahil nag desisyon ka ng taliwas sa desisyon ko. akala ko ba’y iisa tayo? pero bakit parang wala na lang ako sayo?
Hindi pala dapat palaging dumipende sa nararamdaman.. kawawa lang ang mga bagay na nasa paligid na naaapektuhan. ngunit mas kawawa ang mga kasangkot sa laban na ito, ikaw at ako. tayo ang mga taong hindi dapat tinutularan ng iba.