Isang magandang umaga sa lahat! Habang ang lahat ay nahihimbing na, ako eto, patuloy pa rin sa pag-gawa. Matapos ang sa school, eto naman sa work. Mahirap talaga kapag ikaw ang nagsusuporta sa pag-aaral mo. Maraming bayarin, imbis na ikakain mo na nga lang ay itatago mo na lang kasi mahirap na, baka may biglang pag-gamitan. Katulad kanina, ilang limpak (haha!) nanaman ang nalagas sa aking kabang yaman dahil ako ay bumili ng Arnis. Hindi pa nga ako nakakabili ng official uniform eh. PE uniform pa lang at NSTP. Kasi naman, INC pala ang grade ko sa PE at NSTP sa previous school ko. Natatawa nga yung mga prof ko ngayon kasi yun na NGA LANG eh ginawa ko pang INC. Kaya tuloy, hindi na-credit at yun, ulit ulit nanaman. Oo nga eh, naisip ko rin yun, masyado kasi akong tiwala na PE LANG yan at NSTP LANG yan. Kung sa iba eh masaya sila kasi sa mga subjects na ito lang sila nagkakaroon ng 1.00 na grade eh parang sa akin eh kabaligtaran ang nangyari. Ngayon ay pagbubutihin ko na talaga. Tapos may PE4 pa next sem, group sports pa. Paktay tayo diyan, malamang BASKETBALL iyon. Eh sobrang bobo ko pagdating sa basketball eh. Sure thing pagtatawanan nanaman ako ng Kupal kong college bestfriend doon pa sa previous school namin. Kasi sa kany na-credit PE4 niya, ako eto, naghahanda ng mapahiya dahil kalalaki kong tao di ako marunong magbasketball (but who cares!! wapakels! sila ba kaya ginagawa ko?) Si Kups rin naman hindi marunong magbasketball, kaya lang nakaligtas siya dahil ang magaling naming teacher noon sa PE4 from our previous school ay NAPAKA-SIPAG PUMASOK, daig pa estudyante na halos araw-araw na lang ay tila may "Friday Sickness".
Pasalamat ka talagang kumag ka HINULAAN lang nila ang grade mo. Haha! wag mo akong pagtatawanan next sem, tandaan mo, hindi lang ako ang hindi marunong sa basketball, ikaw din! haha! Anyway, move one din pag may time, eto pa kanina, gusto ko ng palitan yung nagrereport kasi medyo halatang hindi niya masyadong alam yung pinagsasasabi niya sa harapan kanina. iyon ay sa isip-isip ko lang naman, malay ba natin kung kinakabahan siya diba. Usapang estudyante, ang sarap ikwento, ang sarap balikan! sige asahan ninyo marami pa akong ikukuwento sa susunod na mga araw, ngunit sa ngayon ay kailangan ko na munang magpahinga.Â
Tulog tulog din pag may time!
Good night!














