Ang nakakagutom/nakakaantok/napakatagal na orientation. *bow*
Ayun, kakauwi ko lang. Kasi naman!!! Walang pang 6:30 nasa school na ko, wala pa akong ka-close syempre.. Pero buti na lang, may dalawang babaeng kumausap sakin. Si Margie (BS Criminology), at si Ruth (BS Tourism). Ayun, edi dahil maaga pa, naglibot libot kami.. Hinanap namin yung mga room namin pero wala.. Fail kami kasi di naman namin alam kung saan. Di kasi nakasulat dun sa bulletin board. Tapos, ayun.. Umupo na kami sa mga upuan dahil baka mawalan pa kami ng uupuan.. Nagkahiwalay kaming tatlo nila Marg at Ruth kasi pinagsasama yung bawat course. Hindi ko na sila nakita after ng orientation. Ang tagal tagal bago magsimula ang orientation!!! Past 7am na nung nag-start, ang daming bla bla bla. Inaantok na kami ng classmate ko, si Shen.. At biruin niyo, 1000+ kaming mga Freshmen! GRABE lang. Nung natapos na, dumeretso kami ni Shen sa mat registrar para ipa-tap yun ID namin kasi kapag di daw kami nakapag-tap ngayong araw hindi kami makakapasok bukas, promise daw! So far, ang babait ng mga nakasama ko pag dating namin sa room. Kami agad ang pinaka-maingay! 7 kaming maiingay sa room, yung bagong nakilala namin ni Shen, sina Jefferina ba yun, si Abby, Melissa, Von, at ate Ruby. Nagkwentuhan tungkol sa love-life! At ayun, nag-ingay lang kami ng nag-ingay at nagtawanan. Syempre, pasimuno din ako.. xD Yung S.A. namin, bading! Pero lalaki parin, ayaw niyang papatawag na "ate". Silahis siya ganun.. Pero ang kengkoy talaga. Ang bait lahat ng S.A. :) I can see na, mag-e-enjoy ako... :)















