Blanko nga ba?
Ako, isang papel na blanko
Sino nga ba ako?
Kung ang mga tao ay kulay
na puno ng ideya’t sarili,
bakit ako may katawang blanko
na walang orihinal na mekaniko?
Ngunit imulat mo
Nang makita ang katotohanan na may mata
Imulat mo!
Nang makita ang kulay na inilagay
Nang makita na ikaw, ako, ay hindi blanko
Aking katawan at isip,
Pinunô ng kulay na ilinagay
Si dilaw na nag turo ng
pagmamahal at pagiging dangal
Si asul, rason ng paggawa ko ng kanta,
Nagturo mag debate ng tama
Hilig sa teatro’t pagsusulat,
Kay lila nakuha
Aking kapare sa kaguluhan,
Si kahel, kanya nakuha ang aking katangian
Ako nga pala si Ponchang,
Makata, Manunulat at Manunula
At Ako ay may katawang blanko
Para sa mga kulay na gusto ako
pinturahan ng sakto











