MRT.
Sumakay ako ng MRT ngayong umaga na medyo okay lang. Yung tipong naiirita umakyat ng hagdanan tapos pagdating sa taas, naiinip sa tagal ng tren. Kalmado at sakto lang ang dami ng tao. Ang weird. Kahit na Friday ngayon ehh kakaunti ang tao. Mukhang nag-leave na para sa extra long weekend. Eniweys, the usual, nakikinig ako kay s4 habang bumibyahe. Natigilan ako nung narinig ko yung Letters. Ayan na naman tayo.
Sabi ko naman kanina, okay ako. Wala akong pakiramdam na kung ano, pero ngayon parang ang dami kong naiisip. Na baka tama ngang kelangan ko pa ng tuldok para maayos ako. Kase nababagabag ako kapag napapanaginipan ko yung mga bagay na feeling ko wala na akong koneksyon. Kaso nakita ko si Allan Kenneth kanina. Na parang lahat ng panaginip ko ay naging hudyat at pahiwatig na darating talaga ang araw na makakasalubong ko siya at a random time. Tapos nangyari nga. Kaso wala naman akong ginawa. Wala akong masabi ehh. Nakakabigla kapag hindi ka handa. Eto yung unang beses na nakita ko siya pagkalipas ng 2 taon. Ang tagal na. Sobrang tagal na. May tensyon parin ba? Ayoko na isipin. Hindi pa ba sapat yung mga panaginip ko na bumubulabog sa’kin? Nakakapagod ng takasan ang lahat ng ‘toh. Kung ikaw ako, anong gagawin mo?
Tapos bumulyaso yung malakas na tugtog kay s4. Sinungaling ng Mayonnaise. Para akong ewan na nawindang sa Taft Avenue pagkababa ko kase nga nagulat ako BIGTIME. Hahaha. Bigla naman akong natauhan na ako’y namumuhay sa kasalukuyang mundo ng kabusyhan. Hayaan mo na. Lilipas din ‘yan. At naisip kong leyt na nga talaga ko. De leche.













